Efeso
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-2
1 1Si Pablo, isang apostol ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng 2kalooban ng Diyos, sa mga 3banal na 4nangasa Efeso, at sa mga 5tapat kay Kristo Hesus:
2 Sumainyo nawa ang 1biyaya at 2kapayapaang mula sa 3Diyos na ating Ama at sa 4Panginoong Hesu-Kristo.
II. Mga Pagpapala at Katayuan
na Natanggap ng Ekklesia sa loob ni Kristo
1:3-3:21
A. Ang mga Pagpapala ng Diyos sa Ekklesia
1:3-14
1. Ang Pagpili at Pagtatalaga noong una pa ng Ama,
Isinasaad ang Walang Hanggang Layunin ng Diyos
bb. 3-6
3 1Pagpalain ang 2Diyos at Ama ng 3ating Panginoon Hesu-Kristo, na Siyang 4nagpala sa atin 5ng bawa’t 6espirituwal na 7pagpapapala sa 8sangkalangitan 9sa loob ni Kristo,
4 Ayon sa 1pagkahirang Niya sa atin sa loob Niya 2bago itinatag ang sanlibutan, upang tayo ay maging 3banal at 4walang dungis 5sa harapan Niya, 6sa loob ng 7pag-ibig,
5 Na tayo ay 1itinalaga Niya noong una pa sa 2pagka-anak 3sa pamamagitan ni Hesu-Kristo sa ganang Kanya, ayon sa 4mabuting kaluguran ng Kanyang kalooban,
6 1Sa ikapupuri ng 2kalulwalhatian ng Kanyang biyaya, na Kanyang 3ipinangbiyaya sa atin sa loob ng 4sinisinta;
2. Ang Pagtutubos ng Anak, Isinasaad ang Pagsasakatuparan
ng Walang Hanggang Layunin ng Diyos
bb. 7-12
7 Na sa Kanya ay mayroon tayong 1katubusan sa pamamagitan ng Kanyang dugo, ng 2kapatawaran ng ating mga pagsasalansang, ayon sa mga kayamanan ng Kanyang biyaya,
8 Na 1pinasagana Niya sa atin, sa buong 2karunungan at sa maingat na katalinuhan,
9 1Na ipinakilala Niya sa atin ang 2hiwaga ng Kanyang kalooban, 3ayon sa Kanyang mabuting kaluguran na 4nilayon Niya sa Kanyang
10 Tungo sa 1ekonomiya ng 2kaganapan ng mga panahon, upang 3ipasailalim sa isang ulo ang lahat ng mga bagay kay 4Kristo, ang mga bagay na nangasasangkalangitan at ang mga bagay na nangasaibabaw ng lupa, sa Kanya,
11 Na tayo rin naman sa Kanya ay 1ginawang mana, na 2itinalaga na Niya tayo noong una pa ayon sa 3layon Niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa 3pasiya ng Kanyang kalooban,
12 Upang tayo ay maging 1sa ikapupuri ng Kanyang kaluwalhatian, tayo na nagsiasa 2noong una kay Kristo;
3. Ang Pagtatatak at ang Pagpeprenda ng Espiritu,
Isinasaad ang Paggamit ng Naisakatuparang Layunin ng Diyos
bb. 13-14
13 Na sa Kanya kayo rin naman, pagkarinig ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, na sa Kanya rin naman, kayo ay nagsisampalataya, kayo ay 1tinatakan ng Espiritu Santo 2na ipinangako,
14 Na Siyang 1prenda ng ating 2mana, 3hanggang sa 4ikatutubos ng 5natamong pag-aari ng Diyos sa 6ikapupuri ng Kanyang kaluwalhatian.
B. Ang Panalangin ng Apostol para sa Ekklesia
upang Makatanggap ng Pahayag
1:15-23
1. Ang Kanyang Pasasalamat para sa Ekklesia
bb. 15-16
15 Dahil dito ako rin naman, pagkarinig sa pananampalataya sa Panginoong Hesus na nasa inyo, at sa inyong 1pag-ibig sa lahat ng mga banal,
16 Ay hindi tumitigil ang pagpapasalamat para sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin,
2. Ang Kanyang Samo para sa Ekklesia
upang Malaman ng mga Banal
bb. 17-23
a. Ang Pag-asa ng Pagtawag ng Diyos
bb. 17-18a
17 Upang ipagkaloob sa inyo ng 1Diyos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ng 2Ama ng kaluwalhatian, ang 3espiritu ng 4karunungan at ng pahayag sa lubos na pagkakilala sa Kanya,
18 Yamang ang mga 1mata ng inyong puso ay 2naliwanagan, upang malaman ninyo kung ano ang 3pag-asa ng Kanyang 4pagtawag,
b. Ang Kaluwalhatian ng Mana ng Diyos sa mga Banal
b. 18b
at kung ano ang mga 5kayamanan ng kaluwalhatian ng Kanyang6mana sa mga banal,
c. Ang Kapangyarihan ng Diyos tungo sa Atin
bb. 19-21
19 At kung ano ang humihigit na kadakilaan ng Kanyang 1kapangyarihan tungo sa ating nagsisisampalataya, 2ayon sa paggawa ng 3kapangyarihan ng Kanyang kalakasan,
20 Na Kanyang naisagawa kay Kristo, nang Siya ay Kanyang 1ibinangon mula sa mga patay, at nang Siya ay 2pinaupo sa Kanyang 3kanan sa 4sangkalangitan,
21 Sa kaiba-ibabawan ng lahat ng 1pamunuan, at awtoridad, at kapangyarihan, at pagkapanginoon, at ng bawa’t 2pangalan na ipinangalan, hindi lamang sa kapanahunang ito, bagkus maging sa darating;
d. Ang Ekklesia-ang Katawan, ang Kapuspusan ni Kristo
bb. 22-23
22 At ang lahat ng mga bagay ay 1pinasuko Niya sa ilalim ng Kanyang mga paa, at Siyang 2pinagkaloobang maging Ulo ng lahat ng mga bagay 3sa 4ekklesia,
23 Na siyang 1Katawan Niya, ang 2kapuspusan Niyaong 3pumupuspos ng lahat sa lahat.