Galacia
KAPITULO 6
E. Sa loob ng Espiritu ng Kaamuan Pinanunumbalik ang Natisod
6:1
1 Mga kapatid, kung ang sinuman ay masumpungan sa anumang pagsuway, kayo na mga 1espiritwal ang magpanumbalik sa isang gayon sa loob ng 2espiritu ng kaamuan, na inyong pagwariin ang inyong sarili, baka kayo rin naman ay matukso.
F. Tinutupad ang Kautusan ni Kristo
6:2-6
2 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin, at sa gayon inyong 1matutupad ang 2kautusan ni Kristo.
3 Sapagka’t kung ang sinuman ay 1nag-aakala na siya ay mahalaga, gayong siya ay hindi naman, dinadaya niya ang kanyang sarili.
4 Ngunit siyasatin ng bawat isa ang kanyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kanyang kapurihan tungkol sa kanyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapwa.
5 Sapagka’t ang bawat isa ay magpapasan ng kanyang sariling pasanin.
6 Datapuwa’t ang tinuturuan sa salita ay dapat magbahagi ng lahat ng mga 1bagay na mabuti sa yaong nagtuturo.
G. Naghahasik hindi para sa Laman, kundi para sa Espiritu
6:7-10
7 Huwag kayong 1paliligaw, ang Diyos ay hindi madadaya; sapagka’t anuman ang ihasik ng tao, siya namang aanihin niya;
8 Sapagka’t ang naghahasik 1para sa kanyang sariling 2laman ay sa laman mag-aani ng 3kasiraan, datapuwa’t ang naghahasik 1para sa 2Espiritu ay sa Espiritu mag-aani ng 3buhay na walang hanggan.
9 At huwag tayong panghinaan ng loob sa paggawa ng mabuti, sapagka’t pagdating ng takdang panahon ay magsisipag-ani tayo, kung hindi tayo manghihimagod.
10 Kaya nga, samantalang tayo ay may pagkakataon, magsigawa tayo ng 1mabuti sa lahat ng tao, at lalung-lalo na sa mga 2kasambahay ng 3pananampalataya.
H. Tungo sa Relihiyosong Sanlibutan ay Naipako na sa Krus, Ipinamumuhay ang isang Bagong Nilalang
6:11-16
11 Tingnan ninyo kung gaano 1kalalaking titik ang isinulat ko sa inyo sa pamamagitan ng aking sariling kamay.
12 Yaong lahat ng may ibig magkaroon ng isang 1mabuting pagpapakita 2sa laman ang siyang pumipilit sa inyo na mangatuli, upang huwag lamang silang pag-usigin dahil sa krus ni Kristo.
13 Sapagka’t yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan, ngunit ibig nilang kayo ay ipatuli, upang sila ay makapagmapuri sa inyong laman.
14 Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban sa 1krus ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na sa pamamagitan 2Niya ay naipako sa krus ang 3sanlibutan sa ganang akin, at ako sa sanlibutan.
15 Sapagka’t ang pagtutuli ay walang anuman, ni ang di-pagtutuli man, kundi ang isang 1bagong nilalang.
16 At ang lahat ng 1magsisilakad ayon sa 2alituntuning ito, 3kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, 4maging sa 5Israel ng Diyos.
I. Dinadala ang mga Tatak ni Hesus
6:17
17 Kaya mula ngayon ay huwag akong bagabagin ninuman sapagka’t dala ko sa aking katawan ang mga 1tatak ni Hesus.
IV. Konklusyon-ang Biyaya ng Ating Panginoong Hesu-Kristo ay Sumasaating Espiritu
6:18
18 1Mga kapatid, ang 2biyaya ng ating Panginoong Hesu-Kristo ay sumainyong 3espiritu. Amen.