2 Corinto
KAPITULO 13
1 Ito ang ikatlong ulit na ako ay paririyan sa inyo. Sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ay papagtitibayin ang bawa’t salita.
2 Sinabi ko na noong una at muli kong ipinagpapauna, gaya nang ako ay nahaharap nang ikalawang ulit, gayon din ngayon na ako ay wala sa harapan, sa mga nagkasala noong una, at sa mga iba pa, na kung ako ay pumariyang muli ay hindi na ako magpapatawad,
3 Yamang nagsisihanap kayo ng isang 1katunayan na si Kristo ay 1nagsasalita sa akin, na Siya sa inyo ay hindi mahina, kundi sa inyo ay 1makapangyarihan.
4 Sapagka’t Siya ay ipinako sa krus 1dahil sa 2kahinaan, gayon man ay nabubuhay Siya dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sapagka’t 3kami naman sa Kanya ay mahihina, nguni’t kami ay mabubuhay na kasama Niya 1sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa inyo.
5 Siyasatin ninyo ang inyong mga sarili, kung kayo ay nangasa 1pananampalataya; 2subukin ninyo ang inyong mga sarili; hindi ba ninyo nalalaman sa ganang inyong mga sarili, na si 3Hesu-Kristo ay nasa loob ninyo, maliban na nga kung kayo ay 4disaprobado?
6 Nguni’t inaasahan ko na inyong mangakikilala na 1kami ay hindi disaprobado.
7 Ngayon ay idinadalangin namin sa Diyos na kayo ay huwag magsigawa ng masama, 1hindi upang kami ay lumabas na aprubado, kundi upang gawin ninyo ang mabuti, kahit kami ay maging gaya ng disaprobado.
8 1Sapagka’t kami ay walang anumang magagawang laban sa 2katotohanan, kundi para sa katotohanan.
9 Sapagka’t kami ay nangagagalak kung kami ay 1mahihina at kayo ay malalakas; at ito naman ay idinadalangin namin, samakatuwid ay ang inyong 2pagpapasakdal.
10 Dahil dito ay isinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako ay wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa awtoridad na ibinigay sa akin ng Panginoon sa ikatatayo at hindi sa ikagigiba.
VI. Konklusyon
13:11-14
A. Mga Pangwakas na Panghihikayat
bb.11-12
11 Sa katapus-tapusan, mga kapatid, 1mangagsigalak kayo! 2Mangagpakasakdal kayo, 3mangagsilakas ang loob ninyo; 4mangagkaisa kayo ng pag-iisip, 5mangabuhay kayo sa kapayapaan, at ang Diyos ng 6pag-ibig at ng kapayapaan ay sasainyo.
12 Mangagbatian ang isa’t isa sa inyo ng 1banal na halik.
B. Pagbati
b.13
13 Binabati kayo ng lahat ng mga banal.
C. Pagpapala
b. 14
14 Ang 1biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, at ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikipagsalamuha ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat.