2 Corinto
KAPITULO 11
C. Sa pamamagitan ng Kanyang Paninibugho para kay Kristo
11:1-15
1 Kahimanawari ay mapagtiisan ninyo ako sa kaunting 1kamangmangan; nguni’t tunay na ako ay inyong pinagtitiisan.
2 Sapagka’t ako ay naninibugho tungkol sa inyo ng 1paninibugho ng Diyos; sapagka’t kayo ay aking ipinakipagtipan sa isang Asawang Lalake, upang iharap na isang 2dalagang dalisay kay Kristo;
3 Nguni’t ako ay natatakot, baka sa anumang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kanyang katusuhan, ang inyong mga 1pag-iisip ay mapasama mula sa 2kapayakan at kadalisayan na tungo kay Kristo.
4 Sapagka’t kung yaong pumaparito ay nangangaral ng 1ibang Hesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo ay nagsisitanggap ng 1ibang espiritu, na hindi ninyo tinanggap, o 1ibang ebanghelyo, na hindi ninyo tinanggap, pinagtitiisan nga ninyo siya 2nang mabuti.
5 Sapagka’t inaakala kong sa anuman ay hindi ako huli sa mga 1super-apostol.
6 Datapuwa’t kahit na ako ay 1di-bihasa sa pananalita, gayon man ay hindi sa kaalaman; sa katunayan, sa lahat ng paraan sa lahat ng mga bagay ay ipinahayag namin ito sa inyo.
7 Ako nga ba ay nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo ay mangataas dahil sa ipinahayag sa inyo na walang bayad ang ebanghelyo ng Diyos?
8 Aking sinamsaman ang ibang ekklesia, sa pagtanggap ng upa sa kanila, upang ipaglingkod ko sa inyo;
9 At nang ako ay kaharap ninyo at ako ay kapusin ako ay hindi naging pasan sa kanino man; sapagka’t ang mga kapatid nang sila ay manggaling sa Macedonia ay pinunuan ang aking kakapusan; at sa lahat ng mga bagay ay pinag-ingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at mag-iingat nga ako.
10 Ang 1katotohanan ni Kristo ay nasa akin upang ang pagmamapuring ito ay hindi mapigilan hinggil sa akin sa mga rehiyon ng Acaya.
11 Bakit? Sapagka’t hindi ko ba kayo iniibig? Nalalaman ng Diyos!
12 Datapuwa’t ang aking ginagawa ay siya ko ring gagawin, upang maputol ko ang pagkakataon sa mga nagnanasa ng pagkakataon, upang sa anumang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya lamang namin.
13 Sapagka’t ang mga gayong tao ay mga 1bulaang apostol, mga mandarayang manggagawa, na 2nangagkukunwaring mga apostol ni Kristo.
14 At hindi kataka-taka, sapagka’t si 1Satanas man ay nagkukunwaring anghel ng 2liwanag.
15 Hindi nga malaking bagay na ang kanyang mga ministro naman ay magkunwaring mga 1ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.
D. Sa pamamagitan ng Kanyang Napilitang Pagmamapuri
11:16 -12:18
1. Ipinagmamapuri ang Kanyang Katayuan, Pagpapagal, at mga Kapighatian
11:16-33
16 Muli kong sinasabi, Huwag isipin ng sinuman na ako ay mangmang; nguni’t kung gayon, gayon man ay tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.
17 Ang sinasalita ko ay hindi ko sinasalita ayon sa Panginoon, kundi gaya ng sa kamangmangan, sa 1pagtitiwalang ito ng pagmamapuri.
18 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako naman ay magmamapuri.
19 Sapagka’t pinagtitiisan ninyo na may kasayahan ang mga mangmang, palibhasa ay 1marurunong kayo;
20 Sapagka’t inyong pinagtitiisan ang sinuman, kung kayo ay inaalipin, kung kayo ay sinasakmal, kung kayo ay 1binibihag, kung siya ay nagpapalalo, kung kayo ay hinahampas sa mukha.
21 Sinasalita ko sa paraan na may 1kapulaan, na wari ay naging mahina kami; nguni’t kung ang sinuman ay matapang sa anuman, nagsasalita ako sa kamangmangan, ako ay matapang din naman.
22 1Sila ba ay mga Hebreo? Ako man! Sila ba ay mga Israelita? Ako man! Sila ba ay binhi ni Abraham? Ako man!
23 Sila ba ay mga ministro ni Kristo? (Ako ay nangungusap na waring nasisiraan ng bait) lalo pa ako; sa pagpapagal ako ay lubhang sagana, sa pagkakabilanggo ay higit na madalas, sa mga palo ay 1labis-labis, sa mga ikamamatay ay malimit.
24 Sa mga Hudyo ay makalimang tumanggap ako ng kulang na lang ng isa at tig-aapatnapung palo na.
25 Makatlong ako ay pinalo ng mga 1panghampas, minsan ako ay binato, 2makatlong 3nawasak ang daong na sinasakyan ko; isang gabi at isang araw na ako ay nasa kalaliman ng dagat;
26 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga panganib sa mga 1ilog, sa mga panganib sa mga 2tulisan, sa mga panganib sa aking mga kalahi, sa mga panganib sa mga Hentil, sa mga panganib sa lunsod, sa mga panganib sa ilang, sa mga panganib sa dagat, sa mga panganib sa gitna ng mga 3bulaang kapatid;
27 Sa pagpapagal at sa kahirapan, sa mga 1pagpupuyat ay madalas, sa 2gutom at uhaw, sa mga 2pag-aayuno ay madalas, sa 3lamig at 4kahubaran;
28 1Bukod sa mga bagay na yaon ay may 2dumadagan sa akin sa araw-araw, ang 3kabalisahan para sa lahat ng mga ekklesia.
29 Sino ang nanghina, at ako ay hindi nanghina? Sino ang natitisod, at ako ay hindi 1nagdaramdam?
30 Kung kinakailangang ako ay magmapuri, ako ay magmamapuri sa mga 1bagay na nauukol sa aking kahinaan.
31 Ang Diyos at Ama ng Panginoong Hesus, na pinagpala magpakailan pa man, ang nakaaalam na ako ay hindi nagsisinungaling.
32 Sa Damasco, binantayan ng 1gobernador, na nasasakop ng Haring Aretas, ang lunsod ng mga taga-Damasco upang ako ay hulihin,
33 At sa isang durungawan ay inihugos ako sa pader, sa pamamagitan ng isang balaong, at ako ay nakatakas sa kanyang mga kamay.