1 Corinto
KAPITULO 13
E. Ang Ekselenteng Daan para sa Paggamit ng mga Kaloob
13:1-13
1. Ang Pangangailangan sa Pag-ibig
bb. 1-3
1 Kung ako ay magsalita sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ako ay nagiging 1tansong tumutunog, o isang 1pompiyang na tumataginting.
2 At kung ako ay may propesiya, at malaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at kung ako ay may buong pananampalataya na anupa’t makapagpapalipat ng mga bundok, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.
3 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung 1ibigay ko ang aking katawan 2upang ako ay makapagmapuri, datapuwa’t wala akong pag-ibig, ako ay walang pakikinabangan.
2. Ang Kahulugan ng Pag-ibig
bb. 4-7
4 Ang 1pag-ibig ay nagpapahinuhod, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi nagpapalalo,
5 Hindi nag-uugali ng hindi nababagay, hindi naghahanap ng kanyang sariling kapakinabangan, hindi kaagad napagagalit, hindi inaalumana ang masama,
6 Hindi nagagalak sa 1kalikuan, kundi nakikigalak sa 1katotohanan;
7 Lahat ay 1binabatá, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
3. Ang Pangingibabaw-sa-lahat ng Pag-ibig
bb. 8-13
8 Ang pag-ibig ay hindi 1napapawi 2kailanman; kahit maging mga propesiya, ang mga ito ay mangatatapos; o maging mga wika, ang mga ito ay titigil; o maging kaalaman, ito ay mawawala.
9 Sapagka’t nakaaalam tayo nang bahagya, at nakapagpopropesiya tayo nang bahagya;
10 Nguni’t 1kapag ang yaong 2ganap ay dumating, 3ang bahagya ay matatapos.
11 1Nang ako ay 2bata pa, nagsalita akong gaya ng bata, nag-isip akong gaya ng bata, 3nangatuwiran akong gaya ng bata; 4ngayong maganap ang aking pagkatao ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
12 Sapagka’t 1ngayon ay nakakikita tayo nang malabo 2sa pamamagitan ng isang salamin, nguni’t 3pagkatapos ay makikita natin nang mukhaan; 1ngayon ay nakaaalam ako nang bahagya, nguni’t 3pagkatapos ay makaaalam ako ng gaya naman ng pagkakaalam sa akin.
13 Datapuwa’t ngayon ay nananatili ang tatlong ito: ang 1pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.