1 Corinto
KAPITULO 12
X. Tinutuos ang ukol sa mga Kaloob
12:1-14:40
A. Ang Namamahalang Prinsipyo
12:1-3
1 Ngayon tungkol sa 1mga espiritwal na kaloob, mga kapatid, hindi ko ibig na hindi kayo mangakaalam.
2 Nalalaman ninyo na nang kayo ay mga Hentil pa, kayo ay 1dinala sa mga piping diyos-diyosan, maging anuman ang paraan ng pagkadala sa inyo.
3 Kaya’t ipinatatalastas ko sa inyo na walang sinumang 1nagsasalita sa loob ng Espiritu ng Diyos ang nagsasabi, 2Si Hesus ay isinumpa; at 3walang sinumang makapagsasabi, Panginoong Hesus, maliban sa loob ng Espiritu Santo.
B. Ang Paghahayag ng Espiritu
sa pamamagitan ng Iba’t ibang Kaloob
12:4-11
4 1Bagama’ t may 2iba’ t ibang 3kaloob, datapuwa’t iisa rin namang Espiritu;
5 At may iba’t ibang 1ministeryo, datapuwa’t iisa rin namang Panginoon;
6 At may iba’t ibang 1kinalabasan ng paggawa, datapuwa’t iisa rin namang 2Diyos na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.
7 Datapuwa’t sa bawa’ t isa ay ibinibigay ang 1kahayagan ng Espiritu, 2upang pakinabangan naman.
8 Sapagka’t sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu, ay ibinibigay ang isang 1salita ng karunungan, at sa iba ay isang 1salita ng kaalaman, ayon din naman sa iisang Espiritu;
9 Sa iba ay ang 1pananampalataya sa gayunding Espiritu, at sa iba ay ang mga 2kaloob ng pagpapagaling sa iisang Espiritu;
10 At sa iba ay ang mga kinalabasan ng paggawa ng mga 1gawa ng kapangyarihan, at sa iba ay 2propesiya, at sa iba ay ang 3pagkilala sa mga espiritu; at sa iba ay ang iba’t ibang 4wika, at sa iba ay ang 5pagpapaliwanag ng mga wika.
11 Datapuwa’t ang lahat ng ito ay ginagawa ng iisa at ng gayunding Espiritu, na ibinabahagi sa bawa’t isa ayon sa kanyang paglalayon.
C. Iisang Katawan na may Maraming Sangkap
12:12-27
1. Ang Pagkakabuo ng Katawan
bb. 12-13
12 1Sapagka’t kung paanong ang katawan ay iisa at may maraming sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan bagama’t marami ay iisang katawan, gayundin naman si 2Kristo;
13 Sapagka’t sa 1iisang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat sa 2iisang Katawan, maging tayo ay 3Hudyo o Griyego, maging mga 4alipin o mga laya, at tayong lahat ay 5pinainom sa iisang Espiritu.
2. Hindi Maaaring Magkulang ng Isang Sangkap
bb. 14-22
14 Sapagka’t ang katawan din ay hindi iisang sangkap kundi marami.
15 Kung sasabihin ng paa, Sapagka’t hindi ako kamay ay hindi ako sa katawan, hindi ng dahil dito ay hindi sa katawan.
16 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka’t hindi ako mata ay hindi ako sa katawan, hindi ng dahil dito ay hindi sa katawan.
17 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang kabuuan ay pawang pakinig, saan naroroon ang pang-amoy?
18 Datapuwa’t ngayon ay inilagay ng Diyos ang mga sangkap, ang bawa’t isa sa kanila, sa katawan, ayon sa Kanyang minagaling.
19 At kung ang lahat nga ay pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?
20 Datapuwa’t maraming sangkap nga, nguni’t iisa ang katawan.
21 At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kailangan; at gayundin naman ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.
22 Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari ay lalong mahihina.
3. Ang Paghuhusay sa mga Sangkap
bb. 23-27
23 At yaong mga sangkap ng katawan na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ay ibinibihis natin ang lalong saganang kapurihan, at sa mga sangkap nating walang kagandahan ay may lalong saganang kagandahan;
24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan. Datapuwa’t 1hinusay ng Diyos ang katawan nang sama-sama, binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan,
25 Upang huwag magkaroon ng 1pagkakabaha-bahagi sa katawan, kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng 2magkakatulad na pangangalaga sa isa’t isa.
26 At kung ang isang sangkap ay nagdurusa, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdurusang kasama niya; o kung ang isang sangkap ay naluluwalhati, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.
27 Kayo nga ang Katawan ni Kristo, at bawa’t isa ay sangkap Niya.
D. Ang Pagtatalaga ng mga Kaloob
12:28-31
28 At ang Diyos ay naglagay ng ilan sa 1ekklesia: unang-una ay 2mga apostol, ikalawa ay 3mga propeta, ikatlo ay 4mga guro; saka 5mga gawa ng kapangyarihan, saka mga 6kaloob ng pagpapagaling, 7mga pagtulong, 8mga pamamahala, at iba’t ibang 9wika.
29 Lahat ba ay mga apostol? Lahat ba ay mga propeta? Lahat ba ay mga guro? Lahat ba ay mga manggagawa ng mga kapangyarihan?
30 Lahat ba ay may mga kaloob na pagpapagaling? Lahat ba ay nangagsasalita ng 1mga wika? 2Lahat ba ay nangagpapaliwanag?
31 Datapuwa’t nasain ninyo nang 1masidhi ang 2mga lalong dakilang kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang 3daang ekselente.