1 Corinto
KAPITULO 11
3. Tinutularan ang Apostol
11:1
VIII. Tinutuos ang ukol sa Pagtatakip sa Ulo
11:2-16
A. Ang Ulo sa Sansinukob
bb. 2-3
2 Kayo nga ay aking pinupuri, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at naiingatan ninyong matibay ang 1mga turo, na gaya ng pagkakabigay ko sa inyo.
3 Datapuwa’t ibig kong malaman ninyo na ang 1Ulo ng bawa’t lalake ay si Kristo, at ang 2ulo ng babae ay ang lalake, at ang 3Ulo ni Kristo ay ang Diyos.
B. Ang Pagtatakip sa Ulo
bb. 4-6
4 Ang bawa’t lalakeng nananalangin o 1nagpopropesiya na may takip ang ulo ay 2naglalagay ng kanyang ulo sa kahihiyan.
5 Datapuwa’t ang bawa’t babaeng nananalangin o nagpopropesiya na 1walang takip ang ulo ay naglalagay ng kanyang ulo sa kahihiyan; sapagka’t ito ay iisang bagay at parehong bagay ng gaya sa isang 2inahitan.
6 Sapagka’t kung ang babae ay hindi natatakpan, ay pagupit naman; nguni’t kung kahiya-hiya sa babae ang pagupit o paahit ay 1magtakip siya.
C. Ang mga Dahilan
bb. 7-15
7 Sapagka’t katotohanang ang lalake ay hindi dapat magtakip sa kanyang ulo, palibhasa ay 1larawan siya at kaluwalhatian ng Diyos; nguni’t ang babae ay siyang 2kaluwalhatian ng lalake.
8 Sapagka’t ang lalake ay hindi mula sa babae, kundi ang 1babae ay mula sa lalake;
9 Sapagka’t hindi rin 1nilalang ang lalake dahil sa babae kundi ang 2babae dahil sa lalake.
10 Dahil dito, nararapat na ang babae ay magkaroon ng tanda ng 1awtoridad sa kanyang ulo 2dahil sa mga anghel.
11 Gayunman, 1sa loob ng Panginoon, ang babae ay hindi maaaring wala ang lalake at ang lalake ay hindi maaaring wala ang babae.
12 Sapagka’t kung paanong ang babae ay mula sa lalake, gayundin naman ang lalake ay 1sa pamamagitan ng babae; datapuwa’t ang lahat ng mga bagay ay mula sa Diyos.
13 Kayu-kayo ang humatol: Nararapat bang manalangin ang babae sa Diyos nang walang takip?
14 Hindi ba ang 1kalikasan din ang nagtuturo sa inyo, na kung ang lalake ay may mahabang buhok, ito ay isang kahihiyan sa kanya;
15 Datapuwa’t kung ang babae ang may mahabang buhok, ito ba ay isang kaluwalhatian sa kanya? Sapagka’t ang buhok ay ibinigay sa kanya na pantakip
D. Walang Pagtatalu-talo
b. 16
16 Datapuwa’t kung tila mapagtalu-talo ang sinuman, wala kaming 1gayong ugali ni ang 2mga ekklesia man ng Diyos.
IX. Tinutuos ang ukol sa Hapunan ng Panginoon
11:17-34
A. Ang Pagwiwika sa Kaguluhan bb.
17-22
17 1Datapuwa’ t sa 2pagtatagubilin nito sa inyo ay hindi ko kayo pinupuri, sapagka’t kayo ay nangagkakatipon hindi sa lalong ikabubuti kundi sa lalong ikasasama.
18 Sapagka’t unang-una, nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo 1sa ekklesia, mayroon sa inyong mga pagkakabaha-bahagi, at may kaunting paniniwala ako.
19 Sapagka’t tunay na sa inyo ay may mga 1pagkakabukud-bukod, upang yaong mga 2aprubado na ay 3mangahayag sa inyo.
20 Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi upang kayo ay magsikain ng 1hapunan ng Panginoon;
21 Sapagka’t sa inyong pagkain, ang bawa’t isa ay kumukuha ng kaniyang sariling 1hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang isa pa ay lasing.
22 Ano! Wala ba kayong mga bahay na inyong makakainan at maiinuman? O winawalang halaga ba ninyo ang ekklesia ng Diyos at hinihiya ninyo ang mga wala? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo ba ay aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
B. Ang Pagliliming-muli sa Kahulugan
bb. 23-26
23 Sapagka’t tinanggap ko sa Panginoon ang ibinigay ko naman sa inyo, na ang Panginoong Hesus nang gabing Siya ay 1ipagkanulo ay dumampot ng tinapay,
24 At nang Siya ay makapagpasalamat ay Kanyang 1pinira-piraso, at sinabi, Ito ay Aking katawan na para sa inyo; gawin ninyo ito 2sa 3pag-aalaala sa Akin.
25 At gayundin naman Kanyang hinawakan ang saro pagkatapos na makapaghapunan, na nagsasabi, Ang 1sarong ito ay ang bagong tipan sa Aking dugo; gawin ninyo ito sa tuwing kayo ay 2magsisiinom, 3sa pag-aalaala sa Akin.
26 Sapagka’t sa tuwing kakanin ninyo ang tinapay na ito, at iinumin ang saro, ay 1inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon 2hanggang sa dumating Siya.
C. Ang Pangangailangan sa Pagsisiyasat at Pagkilala
bb. 27-29
27 Kaya’t ang sinumang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na 1di-nararapat, ay 2magkakasala sa katawan at sa dugo ng Panginoon.
28 Datapuwa’t 1siyasatin ng tao ang kanyang sarili, at saka kumain ng tinapay at uminom sa saro.
29 Sapagka’t ang kumakain at umiinom ay kumakain at umiinom ng 1kahatulan sa kanyang sarili kung hindi niya 2kinikilala 3ang katawan.
D. Ang Pagdidisiplina ng Panginoon
bb. 30-34
30 Dahil 1dito ay marami sa inyo ang 2mahihina at masasakitin, at hindi kakaunti ang 3nangatutulog.
31 Datapuwa’t kung ating 1kikilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan;
32 Datapuwa’t kung tayo ay 1hinahatulan ng Panginoon ay dinidisiplina tayo upang huwag tayong 2mahatulang kasama ng sanlibutan.
33 Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo ay mangagsasalu-salo sa pagkain, ay 1mangaghintayan kayo.
34 Kung ang sinuman ay nagugutom, kumain siya sa bahay, upang ang inyong pagtitipun-tipon ay huwag maging sa paghahatol. At ang 1mga natitirang bagay ay aking aayusin pagpariyan ko.