KAPITULO 3
4 1
Tayo ay kailangan munang kumbinsihin ng Diyos ukol sa Kanyang katuwiran bago tayo magsisi at manampalataya sa Kanya. Kaya nga, inari muna natin Siyang matuwid saka Niya tayo inaring-matuwid.
7 1Sa Griyego ay kaparehong salita ng katotohanan (realidad). Dito at sa bersikulo 8 ng kapitulo 15 ang salitang ito ay tumutukoy sa pagiging tunay, sinseridad, hindi pagiging sinungaling, katapatan at pagiging mapananaligan ng Diyos bilang isang dibinong kagalingan (tingnan ang tala 6 6 sa I Juan 1, ikapitong aytem).
12 1Kagandahang-loob.
17 1Tayong mga makasalanan ay hindi nakakikilala noon sa daan ng kapayapaan, subali’t ngayon tayo ay may kapayapaan sapagka’t tayo ay may kapayapaan sa Diyos.
19 1Ang intensiyon ng Diyos sa pagbibigay ng kautusan ay upang ihantad ang tao, upang supilin ang tao, at upang maingatan o mabantayan para kay Kristo ang mga hinirang na tao ng Diyos nang sa gayon ay madala sila kay Kristo (tingnan ang Gal. 3:23-24 pati ang mga tala).
21 1Ang katuwiran ng Diyos na nahayag sa ebanghelyo (1:17) ay ang saligan at pundasyon ng pamamahagi Niya ng Kanyang Sarili tungo sa loob ng tao sa Kanyang Bagong Tipang ekonomiya. Ang katuwirang ito ay walang kinalaman sa kautusan ng Diyos sa Kanyang Lumang Tipang ekonomiya. Tingnan ang Fil. 3:9 at tala.
21 2Ang mga Hudyo ay naghabol sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa kautusan, subali’t hindi nila natamo ang katuwiran ng Diyos, sapagka’t ang makalamang tao ay hindi maaaring ariing-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa kautusan (b. 20). Subali’t ang katuwiran ng Diyos ay nahayag sa atin sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo nang bukod sa kautusan (1:17).
21 3Tingnan ang tala 17 1 sa kap. 1.
22 1Lit. pananampalataya ni Hesu- Kristo o ang pananampalataya na nasa loob ni Hesu-Kristo; nagpapakita na tayo ay sumampalataya sa Panginoong Hesus sa pamamagitan ni Hesu-Kristo Mismo bilang ating pananampalataya. Tayo ay sumampalataya sa Panginoong Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pananampalataya katulad ng nasa bersikulo 26, Gal. 2:16, 20, 3:22; Efe. 3:12; Fil. 3:9.
Ang pananampalataya ay may tatak nito at nagmula rin sa tatak nito. Ang tatak na ito ay si Hesus, ang Diyos na naging laman. Kapag ang tao ay nakarinig ng tungkol sa Kanya, nakilala Siya, pinahahalagahan Siya at minamahalaga Siya, sasanhiin Niya na mamunga ng pananampalataya sa loob ng tao, at sasanhiin ang tao na sumampalataya sa Kanya. Sa gayon Siya ay naging ang pananampalataya tungo sa Kanya sa loob ng tao. Kaya, ang pananampalatayang ito ay nagiging ang pananampalataya sa loob Niya, at ang pananampalataya na nagmumula sa Kanya.
Sa Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos, ninanais ng Diyos na ang tao ay sumampalataya kay Hesus, ang Diyos na naging laman. Kung ang tao ay hindi sasampalataya sa Kanya sa ganitong paraan, siya ay nakagawa ng isang namumukod-tanging kasalanan sa harap ng Diyos (Juan 16:9); kung ang tao ay sasampalataya sa Kanya, siya ay magkakaroon ng sukdulang katuwiran sa harap ng Diyos at siya ay aariing- matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang ito. Kasabay nito, dinadala ng pananampalatayang ito tungo sa loob ng tao ang tatak nito ang nagkatawang taong Diyos. Siya ang katuwiran ng Diyos at Siya ay ibinigay ng Diyos doon sa mga nagtataglay ng Kristo sa kanilang loob upang maging kanilang katuwiran (Jer. 23:6). Lahat ng ito ay nagmumula sa at sa pamamagitan ng pananampalatayang nasa loob Niya at nabibilang sa Kanya (cf. Heb. 12:2).
23 1Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ang Diyos Mismo na nahayag. Kapag ang Diyos ay nahahayag, ang Kanyang kaluwalhatian ay nakikita ng tao. Ang tao ay ginawa ng Diyos ayon sa Kanyang larawan upang Siya ay maihayag ng tao para sa Kanyang kaluwalhatian. Subali’t ang tao ay nagkasala, sumuway sa kabanalan at kaluwalhatian ng Diyos sa halip na ihayag ang Diyos, hinahayag ang kasalanan at ang kanyang makasalanang sarili. Kaya ang tao ay hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang ganitong hindi pagkaabot sa kaluwalhatian at kahayagan ng Diyos ay kasalanan. Tayong mga makasalanan ay hindi lamang nasa ilalim ng mga kahilingan ng kabanalan at katuwiran ng Diyos bagkus nasa ilalim din ng mga kahilingan ng kaluwalhatian ng Diyos. Tayong lahat ay nagkasala sa kabanalan ng Diyos, sumuway sa matuwid na kautusan ng Diyos, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya, lahat tayo ay nasa ilalim ng paghahatol ng Diyos.
24 1Ang tao ay inaaring-matuwid ng Diyos ayon sa pamantayan ng Kanyang katuwiran. Ito ang ginawa Niya sa pamamagitan ng pagtutubos ni Kristo.
24 2Yamang binayaran na ni Kristo ang halaga para sa ating mga kasalanan at sa Kanyang pagtutubos ay tinupad na ang lahat ng mga kahilingan ng Diyos sa atin, tayo ay kailangang ariing- matuwid ng Diyos nang walang bayad ayon sa Kanyang katuwiran. Ito ay dahil sa Kanyang biyaya at hindi sa ating mga gawa.
24 3Binili sa isang halaga. Ang tao ay talagang pag-aari ng Diyos subali’t dahil sa mga kasalanan ay nawala. Hindi matupad ng tao ang mga dakilang kahilingan ng kabanalan, katuwiran, at kaluwalhatian ng Diyos. Subali’t sa pamamagitan ni Kristo ay binayaran ng Diyos ang isang malaking halaga para sa atin, sa gayon muli Niya tayong naangkin. Tayo ay tinubos ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus (Gal. 3:13; Tito 2:14; I Ped. 2:24; 3:18). Ang Kanyang dugo ang nagsagawa ng walang hanggang pagtutubos para sa atin (I Ped. 1:18-19).
25 1Sa Lumang Tipan, ang pampalubag loob na takip na nasa ibabaw ng kaban bilang isang sagisag, ay nakakubli, ito ay nakatago sa Kabanal-banalan; sa Bagong Tipan, si Kristo, ang tunay na pampalubagloob na takip ay nakahantad, ito ay laan para sa lahat.
25 2
Ito ay sinagisag ng takip ng kaban sa Exo. 25:17. Ang kaban ay ang dakong pinagtatagpuan ng Diyos at ng tao. Ang kautusan ng sampung utos ay nasa loob ng kaban; sa pamamagitan ng banal at matuwid na kahilingan nito, inihahantad at kinokondena nito ang mga kasalanan ng mga taong dumudulog upang kaugnayin ang Diyos. Nguni’t sa pamamagitan ng takip ng kaban na winisikan ng nagtutubos na dugo sa araw ng katubusan, ang buong situwasyon sa panig ng mga nagkasala ay lubos na natakpan. Kaya, sa ibabaw ng takip na ito ay nakikipagtagpo ang Diyos sa Kanyang bayan na sumuway sa Kanyang matuwid na kautusan; at ngayon, sa pamamahala, ay wala nang anumang pagsalungat sa Kanyang katuwiran, dito sa ibabaw ng takip, na nasa ilalim ng pagmamasid ng mga lumililim na querubin na nagtataglay ng Kanyang kaluwalhatian. Sa gayon ay pinaglulubag ang suliranin sa pagitan ng tao at ng Diyos upang makapagpatawad ang Diyos, at magkaroon ng awa at biyaya sa mga tao. Ito ay sumasagisag kay Kristo bilang ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan sa harap ng Diyos (Juan 1:29), binigyang-kasiyahan ang buong kahilingan ng kabanalan, katuwiran, at kaluwalhatian ng Diyos. Kaya nga, napalalampas ng Diyos ang mga kasalanan ng tao na naganap nang panahong yaon. At, upang maipakita ang Kanyang katuwiran, ito ay kailangan Niyang gawin. Ito ang tinutukoy ng bersikulong ito.
Ang salitang Hebreo para sa takip ng kaban ay
kapporeth
. Isinalin ng Septuagint ang salitang ito bilang
hilasterion
na nangangahulugang dako ng pampalubag (nagpapahiwatig ng pagpapatawad, maawain-ang pagpapatawad sa Hebreo 8:12 at ang maawain sa tala 13
1
sa Lucas 18 sa Griyego ay may parehong salitang-ugat). Isinalin ito ng King James Version (KJV) bilang “luklukan ng awa”, tinutukoy ang lugar kung saan ipinakita ng Diyos ang Kanyang awa at biyaya sa mga tao. Ginamit ni Pablo ang
hilasterion
para sa takip ng kaban na binanggit sa Heb. 9:5. Ginagamit ng Roma 3:25 ang salitang ito upang ilarawan ang luklukan sa ibabaw ng kaban na sumasagisag kay Kristo bilang ang nagpapalubag loob na lugar na itinatag ng Diyos.
Bukod sa
hilasterion
, ang Bagong Tipan ay gumagamit ng dalawang katawagan na may parehong salitang-ugat upang ipakita na inalis ni Kristo ang ating kasalanan, pinapaglubag-loob ang ating kaugnayan sa Diyos. Ang unang salita ay
hilaskomai
(Heb. 2:17) na nangangahulugang paglubagin, ipagkasundo sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan sa kahilingan ng isa, gawin ang dalawang panig na payapa sa isa’t isa; ang isa pang katawagan ay
hilasmos
(I Juan 2:2; 4:10) tumutukoy sa pampalubag-loob na bagay, pampalubag-loob na hain. Si Kristo nang dahil sa ating kasalanan ay naging ang pampalubag-loob (Heb. 2:17). Sa ganito, Siya ay naging pampalubag-loob na bagay, yaon ay, ang pampalubag-loob na hain sa pagitan natin at ng Diyos (I Juan 2:2; 4:10). Siya ang pampalubag-loob na takip kung saan ay naipakikita ng Diyos ang Kanyang awa sa atin katulad ng sinagisag ng takip ng kaban (Heb. 9:5).
Lit. sa loob ng Kanyang dugo.
25 4Sa kapanahunan ng Lumang Tipan ang mga kasalanan ng mga tao ay hindi inalis kundi tinakpan lamang ng dugo ng haing sumagisag kay Kristo. Linampasan ng Diyos ang mga tinakpang kasalanan hanggang sa dumating na si Kristo bilang ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan (Juan 1:29). Si Kristo ay namatay sa krus; inalis ng Kanyang nagtutubos na dugo ang mga tinakpang kasalanan, ang mga linampasang kasalanan ng mga tao. Sa bagay ng paglampas sa kanilang mga kasalanan, ang Diyos ay nagpakita ng Kanyang katuwiran sa mga Lumang Tipang banal.
26 1Ang pag-aaring-matuwid ng Diyos sa ating mga mananampalataya ay ang ipakita ang Kanyang katuwiran sa mga taong sumasampalataya kay Hesus sa Bagong Tipang kapanahunan.
26 2O, pananampalataya ni Hesus o ang pananampalataya sa loob ni Hesus (tingnan ang tala 22 1 ).
30 1Sa pag-aaring-matuwid ng Diyos sa mga nasa pagtutuli, yaong mga nasa katayuan ng pagiging bayan ng Diyos, ang pinagmumulan ng pagka-aring-matuwid ay ang pananampalataya; kaya ang pagkaaring-matuwid ay mula sa pananampalataya. Sa mga di-pagtutuli naman, yaon ay ayon sa katayuan, mga taong malalayo sa Diyos, mga taong di-bayan ng Diyos; upang sila ay ariing-matuwid ng Diyos, ang pananampalataya ang landas upang maabot nila ang wastong katayuan, kaya ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya.