KAPITULO 25
5 1
O, pagkalihis, mali.
8 1Tingnan ang tala 11 sa kap. 22.
9 1Inihantad nito ang kabulukan ng isa pang pulitikong Romano. Tingnan ang tala 13 sa kapitulo 23 at 273 sa kapitulo 24.
11 1O, magbigay sa akin bilang isang pabor sa kanila (gayundin ang b. 16).
11 2Para sa kanyang pagsasanggalang, nais ni Pablo na umapela kay Cesar (tingnan ang mga tala 11 sa kap. 22 at 322 sa kap. 26). Ito ay makatutupad sa kanyang ninanais na makita ang Roma para sa pagpapalawig ng patotoo ng Panginoon (19:21; 23:11). Kung wala ang pag-apelang ito, tiyak na napatay siya ayon sa sabwatan ng mga Hudyo (cf. 23:12-15; 25:1-3, 9), at hindi niya naisulat ang kanyang huling walong Sulat. Bago ang kanyang pag-apela sa Roma, aanim na Sulat pa lamang ang kanyang naisulat: 1 at 2 Tesalonica, Galacia, Roma, at ang 1 at 2 Corinto. Noong panahon ng una niyang pagkabilanggo sa Roma, isinulat niya ang Colosas, Efeso, Filipos, at Filemon. Matapos ang una niyang pagkabilanggo saka niya isinulat ang 1 Timoteo, Tito, at Hebreo, at sa kanyang ikalawang pagkabilanggo ay isinulat niya ang 2 Timoteo. Kung wala itong huling walong Sulat, anong kakulangan ang tataglayin ng dibinong pahayag at anong kalugihan ang babatahin ng ekklesia! Ang kanyang pag-apela ay nagbigay ng malaking pakinabang at kabutihan sa kapakanan ng Panginoon.
11 3Cesar Nero.
12 1Ang konseho ng lalawigang Romano na binubuo ng mga konsehal o tasador na pinili ng gobernador ng lalawigan, na madalas pagkonsultahan ng gobernador tungkol sa isang apela na katulad ng kay Pablo.
13 1Si Herodes Agripa II na siyang namumuno sa dakong hilaga at silangan ng Galilea, isang Hudyo ayon sa relihiyon, anak ni Herodes na binanggit sa kapitulo 12.
13 2Kapatid na babae ni Drusila, asawa ni Felix (24:24). Siya ay kapatid rin ni Agripa na kanyang kinakasama sa makasalanang pamamaraan. Muling ipinakikita nito ang kabulukan ng mga pulitiko sa loob ng pulitikang Romano. Tingnan ang tala 13 sa kapitulo 23.
19 1Tingnan ang tala 221 sa kap. 17.
20 1O, nalilito, yaon ay, hindi malaman kung ano ang gagawin.
23 1Tingnan ang tala 311 sa kap. 21.
25 1Ito ang kataas-taasang kapangyarihan ng Panginoon.
26 1Tumutukoy sa mga pangulong kapitan at sa mga kilalang ginoo na naroroon (b. 23)