Mga Gawa
KAPITULO 22
1 Mga ginoo, mga kapatid na lalake, at mga ama, pakinggan ninyo ang aking 1pagtatanggol na gagawin ko ngayon sa inyo.
2 At nang marinig nilang sila ay kinausap niya sa 1diyalektong Hebreo, sila ay naging lalong tahimik. At sinabi niya,
3 Ako ay isang Hudyo, ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa’t pinapag-aral sa lunsod na ito sa paanan ni Gamaliel, tinuruan ayon sa kahigpitan ng kautusan ng ating mga ama, palibhasa ay masikap para sa Diyos, na gaya ninyong lahat ngayon.
4 At aking inusig ang 1daang ito hanggang sa kamatayan, tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan kapwa ang mga lalake at mga babae,
5 Gaya rin ng mataas na saserdote at lahat ng 1kapulungan ng mga matanda na nagpapatotoo para sa akin; na sa kanila ay tumanggap ako ng mga sulat para sa mga kapatid na lalake, at pumunta sa Damasco upang dalhin ko sa Herusalem ang mga nangaroon na nangagapos upang maparusahan.
6 Ngayon nangyari na habang ako ay naglalakbay at papalapit sa Damasco, nang magtatanghaling-tapat, biglang may isang 1matinding liwanag mula sa langit ang nagliwanag sa palibot ko,
7 At ako ay napasubasob sa lupa at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo 1Ako inuusig?
8 At ako ay sumagot, Sino Ka ba, 1Panginoon? At sinabi Niya sa akin, Ako ay si Hesus, ang Nazareno, na iyong inuusig.
9 At nakita ng mga kasama ko ang liwanag, datapuwa’t hindi nila 1narinig ang tinig ng Isa na nagsasalita sa akin.
10 At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, pumaroon ka sa Damasco, at doon ay 1sasabihin sa iyo ang tungkol sa lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo.
11 At nang 1hindi ako makakita dahil sa kaluwalhatian ng liwanag na yaon, inakay ako ng mga kasamahan ko at nakarating sa Damasco.
12 At isang 1Ananias, isang lalakeng masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na pinatototohanang mabuti ng lahat ng mga Hudyong nagsisitahan doon,
13 Ang lumapit sa akin, at nang nakatayo na sa aking tabi ay nagsabi sa akin, Saulo, kapatid, 1tanggapin mo ang iyong paningin! At sa oras ding yaon ay tumingin ako sa kanya.
14 At sinabi niya, Ang Diyos ng ating mga ama ay nagtalaga sa iyo upang malaman ang Kanyang kalooban, at makita ang Matuwid, at marinig ang tinig ng Kanyang bibig;
15 Sapagka’t ikaw ay magiging isang saksi sa Kanya sa lahat ng mga tao ng mga bagay na iyong nakita at narinig.
16 At ngayon, bakit ka nag-aatubili? Tumindig ka at 1magpabautismo at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na 2tumatawag sa 3Kanyang pangalan.
17 At nangyari na nang ako ay nakabalik na sa Herusalem at nang ako ay nananalangin sa templo, ako ay nakapasok sa isang 1pagkawala-ng-diwa,
18 At Siya ay nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka kaagad sa Herusalem, sapagka’t hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo tungkol sa Akin.
19 At aking sinabi, Panginoon, nalalaman nila na aking ibinibilanggo at hinahampas ang mga nagsisisampalataya sa Iyo sa bawa’t sinagoga,
20 At nang ang dugo ng Iyong saksing si Esteban ay pinadaranak, ako rin mismo ay nakatayo sa malapit at sinasang-ayunan at iniingatan ang mga kasuotan ng mga pumatay sa kanya.
21 At sinabi Niya sa akin, Yumaon ka, sapagka’t susuguin kita sa mga Hentil sa malayo.
(4) Iginapos ng mga Romano
22:22-29
22 At kanilang pinakinggan siya hanggang sa salitang ito, at sila ay nangagtaas ng kanilang tinig, na nangagsasabi, alisin ang ganyang tao mula sa lupa sapagka’t siya ay hindi nararapat mabuhay!
23 At habang sila ay nangagsisigawan, at ipinaghahagisan ang kanilang mga kasuotan at nangagsasabog ng alabok sa hangin,
24 Ang 1pangulong kapitan ay nag-utos na siya ay ipasok sa kuwartel, na sinasabing siya ay dapat sulitin sa pamamagitan ng paghahampas upang kanyang matiyak kung ano ang dahilan at sila ay nangagsisigawan ng gayon laban sa kanya.
25 Subali’t habang siya ay idinidipa at tinatalian 1ng katad, 2sinabi ni Pablo sa senturyong nakatayo sa malapit, Matuwid ba sa iyo na hampasin ang isang taong Romano at hindi pa nahahatulan?
26 At nang ito ay marinig ng senturyon, siya ay naparoon sa pangulong kapitan at ipinaalam ito, na sinasabi, Ano po ang gagawin ninyo? Sapagka’t ang taong ito ay isang Romano.
27 At lumapit ang pangulong kapitan at nagsabi sa kanya, Sabihin mo sa akin, ikaw ba ay isang Romano? At sinabi niya, Oo.
28 At sumagot ang pangulong kapitan, Aking nakamit ang pagkamamamayang ito sa pamamagitan ng isang malaking halaga ng salapi. At sinabi ni Pablo, Datapuwa’t ako ay katutubong Romano.
29 Sa gayon, kapagdaka ay nagsilayo sa kanya ang mga magsusulit sana sa kanya; at ang pangulong kapitan din ay natakot, nang matanto na siya ay isang Romano at dahil sa kanyang paggapos sa kanya.
(5) Ipinagtatanggol ang Kanyang Sarili sa harap ng Sanedrin
22:30-23:10
30 At nang sumunod na araw, sa hangaring malaman ang katotohanan kung bakit siya isinakdal ng mga Hudyo, kanyang pinawalan siya at inatasan ang mga pangulong saserdote at ang buong 1Sanedrin na magsama-sama; at ipinanaog si Pablo at iniharap sa kanila.