3 Juan
KAPITULO 1
I. Pambungad
bb. 1-4
A. Umiibig sa loob ng Katotohanan
b. 1
1 Ang 1matanda, kay 2Gayo na minamahal, na aking iniibig sa loob ng 3katotohanan.
B. Umuunlad sa Lahat ng Bagay,
Malusog sa Pangangatawan
b. 2
2 Minamahal, aking 1ninanais na hinggil sa 2lahat ng bagay ay 3umunlad ka at maging 4malusog sa iyong pangangatawan, na gaya ng 3pag-unlad ng iyong 5kaluluwa.
C. Lumalakad sa loob ng Katotohanan
bb. 3-4
3 Sapagka’t ako ay labis na 1nagalak sa pagdating ng mga kapatid at sa kanilang pagpapatotoo sa 2iyong katotohanan, yaon ay, sa 3paglakad mo sa loob ng 4katotohanan.
4 Sa ganang akin, wala nang higit pang malaking kagalakan kaysa mga bagay na ito, na marinig ko na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa 1katotohanan.
II. Pagpapatuloy sa mga Naglalakbay na Manggagawa
bb. 5-8
A. May Katapatan, sa loob ng Pag-ibig, at Nararapat sa Diyos
bb. 5-6
5 Minamahal, ginagawa mo nang may katapatan ang 1anumang iyong nagawa para sa mga kapatid, at ito ay para sa mga 2estranghero,
6 Na nangagpatotoo sa iyong 1pag-ibig sa harapan ng 2ekklesia, na 3magiging magaling ang iyong gagawin kung 4tutulungan mo sila 5nang nararapat sa Diyos, sa kanilang paglalakbay;
B. Nagiging mga Kamanggagawa sa loob ng Katotohanan
bb. 7-8
7 Sapagka’t dahil sa 1Pangalan, ay nagsihayo sila na walang kinukuhang anuman mula sa mga 2Hentil.
8 Nararapat nga nating 1tangkilikin ang mga gayon, upang tayo ay maging kamanggagawa sa loob ng 2katotohanan.
III. Hindi Pagtulad sa Masama Kundi sa Mabuti
bb. 9-12
A. Ang Nagtataas-sa-sarili at Dominanteng si Diotrefes-
isang Masamang Tularan
bb. 9-11
9 Ako ay sumulat ng ilang bagay sa 1ekklesia, datapuwa’t si 2Diotrefes na ibig 3maging pangunahin sa kanila, ay hindi kami 4tinatanggap.
10 Kaya’t kung pumariyan ako, ipaaalala ko ang mga gawang kanyang ginagawa, na 1nagngangawa ng 2masasamang salita laban sa amin; at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi rin niya tinatanggap ang mga kapatid, at yaong mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila sa ekklesia.
11 Minamahal, huwag mong tularan ang 1masama, kundi ang mabuti. Ang 2gumagawa ng mabuti ay 3sa Diyos; ang 4gumagawa ng masama ay 5hindi nakakita sa Diyos.
B. Ang may Mabuting Patotoo na si Demetrio-
isang Mabuting Tularan
b. 12
12 Si 1Demetrio ay pinatotohanan ng 2lahat, at ng 3katotohanan mismo; at 4kami rin ay nagpapatotoo, at nalalaman mo na ang aming patotoo ay 5tunay.
IV. Konklusyon
bb. 13-14
A. Umaasa sa Higit na Matalik na Pagsasalamuha
bb. 13-14a
13 Maraming bagay pa ang isusulat ko sa iyo, subali’t hindi ko ibig isulat sa iyo sa pamamagitan ng tinta at panulat;
14 Datapuwa’t 1inaasahan kong makita kang madali, at tayo ay magkakausap ng 2mukhaan.
B. Ang Pagbabatian sa Isa’t Isa
b. 14b
Sumaiyo nawa ang kapayapaan. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo sa pangalan ang mga kaibigan.