Ang Sumulat: Apostol Pablo (1:1).
Panahon ng Pagkasulat: Noong mga 67 A.D., noong panahon ng ikalawang pagkabilanggo ni Pablo, nang siya ay malapit nang mamartir (4:6).
Lugar ng Pinagsulatan: Bilangguan sa Roma (1:16-17).
Ang Tumanggap: Si Timoteo (1:2).
Paksa: Ang Pagbabakuna laban sa Pagbabà ng Ekklesia
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1-2)
II. Ang mga Dibinong Panustos para sa Pagbabakuna—isang Dalisay na Budhi, Tapat na Pananampalataya, ang Dibinong Kaloob, isang Malakas na Espiritu, Walang Hanggang Biyaya, Di-nasisirang Buhay, ang Malusog na Salita, at ang Nananahanang Espiritu (1:3-14)
III. Ang Pangunahing Salik ng Pagbabà—Pagtalikod sa Apostol at sa Kanyang Ministeryo (1:15-18)
IV. Ang Tagapagbakuna—isang Guro, isang Kawal, isang Nakikipaglaban sa mga Laro, isang Magsasaka, at isang Manggagawa (2:1-15)
V. Ang Pagkalat ng Pagbabà —Katulad ng Ganggrena (2:16-26)
VI. Ang Paglala ng Pagbabà—Nagiging Mahihirap Tiisin na Panahon ng Panlilinlang sa mga Tao (3:1-13)
VII. Ang Panlunas na Bakuna—Ang Dibinong Salita (3:14-17)
VIII. Ang Pangganyak sa Tagapagbakuna—Ang Darating na Gantimpala (4:1-8)
IX. Ang Kinalabasan ng Pagbabà—Iniibig ang Pangkasalukuyang Kapanahunan at Gumagawa ng Maraming Kasamaan (4:9-18)
X. Konklusyon (4:19-22)