2 Timothy
KAPITULO 4
VIII. Ang Pangganyak sa Tagapagbakuna-
Ang Darating na Gantimpala
4:1-8
1 Taimtim kong ipinagbibilin sa iyo sa paningin ng Diyos at ni Kristo Hesus, na Siyang nalalapit nang 1humatol sa mga buháy at sa mga patay, at sa pamamagitan ng 2Kanyang pagpapakita at sa pamamagitan ng Kanyang kaharian:
2 Ipahayag mo ang 1salita; 2maging handa ka 3napapanahon man o hindi; 4sumawata ka, manaway ka, manghikayat ka, na may 5buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
3 Sapagkat darating ang 1panahon na hindi nila tatanggapin ang 2malusog na pagtuturo, kundi, ayon sa kanilang sariling masasamang pita ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong 3kikiliti sa tainga,
4 At ang kanilang tainga ay 1ilalayo sa 2katotohanan, at ibabaling sa mga 3katha-katha.
5 Subalit ikaw, maging mahinahon ka sa kaisipan sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng isang ebanghelista, 1lubos na ganapin mo ang iyong 2ministeryo.
6 Sapagkat ako ay 1ibinubuhos na, at ang panahon ng aking 2pagpanaw ay dumating na.
7 1Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, 2natapos ko na ang aking 3takbo, naingatan ko na ang pananampalataya;
8 1Buhat ngayon, 2natataan sa akin ang 3putong ng katuwiran, na igagawad sa akin ng Panginoon na 4matuwid na Hukom sa 5araw na yaon; at hindi lamang sa akin, bagkus sa lahat din naman ng mga umiibig sa Kanyang 6pagpapakita.
IX. Ang Kinalabasan ng Pagbabà-
Iniibig ang Pangkasalukuyang Kapanahunan
at Gumagawa ng Maraming Kasamaan
4:9-18
9 Magsikap kang pumarito nang madali sa akin;
10 Sapagkat ako ay pinabayaan ni Demas, palibhasa ay 1iniibig niya ang pangkasalukuyang kapanahunan, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si Tito ay sa 2Dalmacia.
11 Si Lucas lamang ang kasama ko. Kunin mo si Marcos, at isama mo, sapagkat siya ay napakikinabangan ko sa ministeryo.
12 Si Tiquico ay isinugo ko na sa Efeso.
13 Pagparito mo, dalhin mo ang 1balabal na iniwan ko kay Carpo sa 2Troas, at ang mga 3balumbon, lalung-lalo na ang mga pergamino.
14 Ginawan ako ng maraming kasamaan ni Alejandro na panday-tanso; gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kanyang mga gawa.
15 Mag-ingat ka rin naman sa kanya, sapagkat lubha niyang sinalungat ang aming mga salita.
16 Walang sumama sa akin sa una kong pagsasanggalang, bagkus pinabayaan ako ng lahat; huwag nawang ibilang ito nang laban sa kanila.
17 Datapuwa’t ang Panginoon ay tumayong kasama ko, at ako ay pinalakas, upang sa pamamagitan ko ang pagtatanyag ay maganap nang lubos, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Hentil; at ako ay iniligtas sa 1bibig ng leon.
18 Ako ay ililigtas ng Panginoon sa bawat gawang masama, at ako ay ililigtas Niya tungo sa Kanyang 1makalangit na kaharian, suma Kanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
X. Konklusyon
4:19-22
19 Batiin mo si Prisca at si Aquila at ang sambahayan ni Onesiforo.
20 Si Erasto ay nanatili sa Corinto, datapuwa’t si Trofimo ay iniwan ko sa 1Mileto na 2may sakit.
21 Sikapin mong makaparito bago magtaglamig. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.
22 Nawa sumaiyong 1espiritu ang Panginoon. Nawa sumaiyo ang 2biyaya.