2 Timoteo
KAPITULO 2
IV. Ang Tagapagbakuna-isang Guro, isang Kawal,
isang Nakikipaglaban sa mga Laro,
isang Magsasaka, at isang Manggagawa
2:1-15
1 Ikaw nga, anak ko, ay 1magpakalakas sa 2biyayang nasa loob ni Kristo Hesus,
2 At ang mga 1bagay na narinig mo sa akin sa gitna ng maraming saksi ang siya mo ring 2ipagkatiwala sa mga taong 3tapat, na makapagtuturo naman sa iba.
3 Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting 1kawal ni Kristo Hesus.
4 Walang sinumang naglilingkod bilang kawal ang 1nagsasangkot ng kanyang sarili sa mga bagay ng 2buhay na ito, upang siya ay kalugdan niyaong nagtala sa kanya sa pagkakawal.
5 At kung ang sinuman ay 1makikipaglaban naman sa mga laro, siya ay hindi 2puputungan maliban na siya ay makipaglabang matuwid.
6 Ang nagpapagal na 1magsasaka ang siyang dapat unang makabahagi sa mga bunga.
7 Isipin mo ang sinasabi ko, sapagka’t bibigyan ka ng Panginoon ng pang-unawa sa lahat ng mga bagay.
8 Alalahanin mo si Hesu-Kristo, na 1ibinangon mula sa mga patay, sa 2binhi ni David, ayon sa 3aking ebanghelyo;
9 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala, na tulad sa isang kriminal, nguni’t ang salita ng Diyos ay 1hindi natatanikalaan.
10 Kaya tinitiis ko ang lahat ng mga bagay dahil sa mga 1hinirang, upang makamtan din nila ang kaligtasang nasa loob ni Kristo Hesus 2na may walang hanggang kaluwalhatian.
11 Tapat ang salita: 1Sapagka’t kung tayo ay 2namatay na kasama Niya, 3mabubuhay rin naman tayong kasama Niya;
12 Kung tayo ay 1magtitiis, 2maghahari rin tayong kasama Niya; kung ikakaila natin Siya, 3ikakaila rin Niya tayo;
13 Kung tayo ay hindi mga tapat, Siya ay nananatiling 1tapat, sapagka’t 2hindi Niya maipagkakaila ang Kanyang Sarili.
14 Paalalahanan mo sila sa mga bagay na ito, na sila ay pagbilinan nang taimtim sa paningin ng Panginoon, na huwag makipagtalo tungkol sa mga salita na hindi mapakikinabangan, sa 1ikapapahamak ng mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong iharap ang iyong sarili na aprubado sa Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya, na 1ipinaliliwanag nang matuwid ang salita ng 2katotohanan.
V. Ang Pagkalat ng Pagbabà-
Katulad ng Ganggrena
2:16-26
16 Datapuwa’t ilagan mo ang mga 1di-banal, at walang kabuluhang usapan, sapagka’t ang mga ito ay magpapatuloy sa higit na 2di-pagkamakadiyos,
17 At ang kanilang salita ay 1kakalat na gaya ng 2ganggrena, na sa mga ito ay kabilang si Himeneo at si Fileto,
18 Na tungkol sa 1katotohanan ay 2nangasinsay, na nagsasabing ang pagkabuhay na muli ay 3nakaraan na, at ibinabagsak ang 4pananampalataya ng ilan.
19 Gayunpaman, ang matibay na 1pundasyon ng Diyos ay nananatili na may ganitong 2tatak, Nakikilala ng Panginoon ang mga Kanya, at, Hayaang lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na sumasambit sa pangalan ng Panginoon.
20 1Datapuwa’t sa isang 2malaking bahay ay hindi lamang may mga 3sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang 4kahoy at lupa, at ang ilan ay sa ikapupuri, at ang ilan ay sa ikasisirang-puri;
21 Kung kaya nga ang sinumang 1naglilinis ng kanyang sarili mula sa 2mga ito ay magiging sisidlang 3sa ikapupuri, pinabanal, kapaki-pakinabang sa may-ari, nahahanda sa lahat ng mabuting gawa.
22 Datapuwa’t layuan mo ang masasamang 1pita ng kabataan, at habulin mo ang 2katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, kapayapaan, kasama ng mga 3nagsisitawag sa Panginoon mula sa isang 4pusong dalisay.
23 Nguni’t tanggihan mo ang mga 1hangal at 2mangmang na pagtatanong, yamang nalalaman mo na ang mga ito ay 3namumunga ng mga pagtatalo;
24 At ang isang alipin ng Panginoon ay hindi dapat makipagtalo, kundi maamo sa lahat; makapagtuturo, matiisin,
25 Na itinutuwid nang may kaamuan ang mga sumasalungat, baka sakaling sila ay pagkalooban ng Diyos ng 1pagsisisi sa 2lubos na ikaaalam ng katotohanan,
26 At sila ay 1makabalik sa kahinahunan ng kaisipan mula sa 2silo ng 3Diyablo, na bumihag sa kanila, 4tungo sa Kanyang kalooban.