2 Tesalonica
KAPITULO 2
B. Ang Pagwawasto—Sa Maling Pananaw
Tungkol sa Araw ng Pagparito ng Panginoon
2:1-12
1 Ngayon ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, 1tungkol sa 2pagparito ng ating Panginoong Hesu-Kristo, at sa ating 3pagkakatipon sa Kanya,
2 Upang huwag kayong madaling matigatig 1sa inyong kaisipan, at huwag din naman kayong mabagabag maging 2sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na tila dumating na ang 3kaarawan ng Panginoon;
3 Huwag kayong 1padaya kanino man sa anumang paraan; sapagkat ito ay hindi darating, malibang dumating muna ang 2apostasia, at mahayag ang 3tao ng 4katiwalian, ang anak ng kapahamakan,
4 Na sumasalansang at 1nagmamataas laban sa lahat ng tinatawag na Diyos o sinasamba; anupa’t siya ay uupo sa 2templo ng Diyos, magtatanyag ng kanyang sarili na siya ay Diyos.
5 Hindi ba ninyo naaalaala nang ako ay kasama pa ninyo ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito?
6 At ngayon nalalaman ninyo ang 1nakapipigil, upang siya ay mahayag sa kanyang sariling 2panahon.
7 Sapagkat ang 1hiwaga ng 2katiwalian ay gumagawa na; lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa 3alisin siya.
8 At kung magkagayon ay mahahayag yaong tiwali (na 1papatayin ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng 2hininga ng Kanyang bibig, at lilipulin sa pamamagitan ng 3pagkahayag ng Kanyang 4pagparito),
9 Na ang kanyang pagparito ay 1ayon sa paggawa ni Satanas, na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kamangha-manghang 2kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak, sapagkat hindi nila tinanggap ang pag-ibig ukol sa katotohanan, upang sila ay mangaligtas.
11 At dahil 1dito, ipinadadala sa kanila ng Diyos ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan,
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi 1nangalugod sa kalikuan.
C. Ang Karagdagang Pagpapalakas-loob
2:13-3:5
13 Ngunit kami ay dapat magpasalamat sa Diyos tuwina para sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa 1pagkakahirang sa inyo ng Diyos 2buhat noong pasimula sa inyong ikaliligtas sa pamamagitan ng 3pagpapabanal ng Espiritu at ng inyong 4pananampalataya sa katotohanan,
14 1Sa kalagayan ding ito ay tinawag Niya kayo sa pamamagitan ng aming ebanghelyo, upang magkamit ng 2kaluwalhatian ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
15 Kaya nga, mga kapatid, kayo ay tumayong matibay, at inyong panghawakan ang mga 1aral na sa inyo ay itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.
16 Ngayon ang ating 1Panginoong Hesu-Kristo Mismo, at ang Diyos na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng 2walang hanggang kaaliwan at 3mabuting pag-asa sa loob ng 4biyaya,
17 Ay magbigay-aliw nawa sa inyong mga puso, at patatagin kayo sa bawat mabuting gawa at salita.