2 Tesalonica
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-2
1 Si Pablo at si Silvano at si Timoteo, sa 1ekklesia ng mga taga-2Tesalonica na nasa Diyos na ating Ama at Panginoong Hesu-Kristo:
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
II.Ang Nilalaman—Pagpapalakas-loob at Pagwawasto
hinggil sa Pinabanal na Pamumuhay para sa Buhay-Ekklesia
1:3-3:15
A.Ang Pagpapalakas-loob—
Maging Karapat-dapat sa Pamumuhay
ng nasa Kaharian ng Diyos
1:3-12
3 Kami ay dapat na magpasalamat sa Diyos tuwina dahil sa inyo, mga kapatid, gaya ng nararapat, sapagkat ang inyong 1pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pag-ibig ng isa’t isa ay sumasagana,
4 Anupa’t amin mismong ipinagmamapuri kayo sa mga ekklesia ng Diyos dahil sa inyong 1pagtitiis at pananampalataya sa gitna ng lahat ng mga pag-uusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis—
5 Na isang malinaw na palatandaan ng 1matuwid na paghatol ng Diyos, upang kayo ay ariing karapat-dapat sa 2kaharian ng Diyos, na dahil dito ay nangagbabata rin naman kayo;
6 Yamang ito ay matuwid sa Diyos na gantihan ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,
7 At kayong mga pinipighati ay bigyan ng 1kapahingahan na kasama namin sa pagpapakita ng Panginoong Hesus mula sa langit kasama ang mga anghel ng Kanyang kapangyarihan, na nasa nag-aalab na apoy,
8 Na maghihiganti sa mga hindi nagsisikilala sa Diyos, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa ebanghelyo ng ating Panginoong Hesu-1Kristo;
9 Na siyang tatanggap ng kaparusahan, ang walang hanggang kapahamakan, at mawawalay sa 1harapan ng Panginoon at sa kaluwalhatian ng Kanyang kapangyarihan,
10 Kapag paririto Siya upang 1maluwalhati sa Kanyang mga banal, at upang Siya ay maging kahanga-hanga sa araw na yaon sa lahat ng mga nagsisampalataya (sapagkat ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).
11 Dahil din dito ay lagi namin kayong ipinapanalangin, upang kayo ay ariing karapat-dapat ng ating Diyos sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawat 1mabuting kaluguran ng kabutihan at gawa ng pananampalataya,
12 Upang ang pangalan ng ating Panginoong Hesus ay maluwalhati sa inyo, at kayo sa Kanya, ayon sa 1biyaya ng ating Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo.