2 Pedro
KAPITULO 3
D. Ang Paghahatol Diyos sa mga Ereheng Manunuya
3:1-9
1 Ito nga ang ikalawang sulat, mga minamahal, na isinusulat ko sa inyo; at sa dalawang ito ay ginigising ko ang inyong tapat na kaisipan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa inyo,
2 Upang maalala ninyo ang mga 1salitang ipinahayag noong una ng mga banal na propeta, at ang 1utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol;
3 Na malaman muna ninyo ito, na sa mga 1huling araw ay magsisiparito ang mga 2manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kani-kanilang masasamang pita,
4 At magsisipagsabi, Nasaan ang 1pangako ng Kanyang 2pagparito? Sapagka’t buhat nang araw na mangatulog ang mga 3magulang, ang lahat ng bagay ay nangagpapatuloy na gaya ng kalagayan nila mula noong ang paglalang.
5 Sapagka’t dahil sa kanilang sariling pananadya, 1ito ay ikinubli sa kanila, na sa pamamagitan ng 2salita ng Diyos ay nagkaroon ng 3sangkalangitan 4mula noong unang panahon, at ng 3lupang 5umiral mula sa tubig at sa pamamagitan ng tubig.
6 Na sa pamamagitan din 1nito, ang 2sanlibutan 3noon, na 4inapawan ng tubig, ay 5napahamak.
7 Ngunit ang sangkalangitan at ang lupa 1ngayon, sa pamamagitan ng 2gayon ding salita, ay 3iniingatang talaga para sa 4apoy, itinataan sa araw ng 5paghuhukom at 6paglipol sa mga 7di-makadiyos na tao.
8 Datapuwa’t huwag ninyong hayaan ang isang bagay na ito na 1makubli sa inyo, mga minamahal, na ang 2isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.
9 1Hindi inaantala ng Panginoon ang tungkol sa pangako, na gaya ng 2pag-aantalang ipinapalagay ng 3iba, kundi 4mapagpahinuhod sa inyo, na ang sinuman ay hindi Niya ibig 5mapahamak, kundi ang 6lahat ay 7magsipagsisi.
E. Ang Paghahatol ng Diyos
sa Sangkalangitan at sa Lupa
3:10-12
10 Datapuwa’t ang 1kaarawan ng Panginoon ay 2darating na gaya ng isang magnanakaw, 3na sa araw na yaon ang 4sangkalangitan ay mapaparam na kasabay ng isang 5malaking ugong, at ang mga 6elemento ay 7mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga 8gawang nasa lupa ay pawang 7masusunog.
11 1Ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw nang ganito, anong uri ng mga tao kayo nararapat maging 2sa banal na paraan ng pamumuhay at pagkamakadiyos,
12 Na ating 1hinihintay at pinadadali ang 2pagdating ng 3kaarawan ng Diyos, na dahil 4dito ang sangkalangitan, na pinaningas, ay mapupugnaw, at ang mga elemento ay matutunaw sa matinding init?
F. Paghihintay sa Bagong Langit at Bagong Lupa
na Punung-punô ng Katuwiran ng Diyos
3:13
13 ngunit ayon sa Kanyang 1pangako ay naghihintay tayo sa 2bagong langit at sa bagong lupa, na 3tinatahanan ng 4katuwiran.
G. Paghahanda para sa Darating na Paghahatol
3:14-16
1. Masumpungan sa loob ng Kapayapaan sa Paningin ng Panginoon
b. 14
14 Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo ay nagsisipaghintay sa mga bagay na ito, pagsikapan ninyong 1masumpungan kayo sa loob ng kapayapaan, na 2walang dungis at walang kapintasan sa paningin Niya;
2. Maligtas Mula sa Kapahamakan
bb. 15-16
15 At inyong 1ariin na ang 2pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay 3pagliligtas, na gaya 4rin naman ni Pablo na ating minamahal na kapatid, ayon sa karunungang ibinigay sa kanya, ay sinulatan kayo,
16 Gayundin naman sa 1lahat ng kanyang mga sulat, na roon ay sinasalita ang 2mga bagay na ito, na roon ay may ilang bagay na mahirap unawain, na 3pinipilipit ng mga walang pagkakaalam at ng mga walang katatagan, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa 2ibang mga Kasulatan, sa 4ikapapahamak ng kanilang sarili.
IV. Konklusyon-
Magsipag-ingat at Magsilago sa Biyaya
at sa Pagkakilala sa Panginoon
3:17-18
17 Kaya nga, mga minamahal, yamang nalalaman na ninyo noong una pa ang mga bagay na ito, 1magsipag-ingat kayo, baka kung 2matangay kayo sa pamamagitan ng kamalian ng mga 3tiwali, ay 4mahulog kayo mula sa inyong sariling katatagan.
18 Datapuwa’t 1magsilago kayo sa 2biyaya at sa 3pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo. Suma 4Kanya nawa ang kaluwalhatian ngayon at hanggang sa araw rin ng kawalang-hanggan. Amen.