2 Pedro
KAPITULO 2
III. Ang Dibinong Pamahalaan
2:1-3:16
A. Ang Paghahatol ng Diyos sa mga Bulaang Guro
2:1-3
1 1Nguni’t may nagsilitaw rin naman sa bayan na mga abulaang propeta, na gaya rin naman sa inyo na magkakaroon ng mga bbulaang guro, na 2clihim na magpapasok ng mga 3nakapapahamak na 4erehiya na dmagtatatwa pati sa 5ePanginoon na fbumili sa kanila, na magdadala sa kanilang sarili ng madaling 6pagkapuksa.
2 At maraming 1magsisisunod sa kanilang mga kahalayan, na dahil sa kanila ay aalipustahin ang 2daan ng katotohanan.
3 At dahil sa kasakiman gagamitin nila ang mga pakunwaring salita upang kayo ay ipangalakal, na ang 1hatol nga sa kanila mula 2noong una ay hindi nagluluwag, at ang kanilang 3pagkapuksa ay hindi umiidlip.
B. Ang Paghahatol ng Diyos sa mga Anghel at sa mga Tao
2:4-9
4 Sapagka’t kung ang Diyos ay hindi nagpatawad sa mga 1anghel na nagkasala, kundi sila ay ibinigay sa mga hukay ng kadiliman, at itinapong paibaba sa 2Tartaro, upang itaan 3para sa 4paghuhukom,
5 At ang sinaunang sanlibutan ay hindi pinatawad, datapuwa’t iningatan si Noe, ang 1ikawalo, isang tagapangaral ng 2katuwiran, noong Kanyang dalhin ang isang baha sa sanlibutan ng mga di-makadiyos;
6 At ang mga lunsod ng Sodoma at Gomorra ay hinatulan Niya ng 1pagkalipol at Kanyang pinapaging-abo, upang maging halimbawa sa mga naglalayong 2mamuhay ng di-makadiyos na buhay;
7 At iniligtas ang matuwid na si Lot, na 1nahahapis sa mahahalay na 2paraan ng pamumuhay ng mga 3tiwali
8 (Sapagka’t ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay pinahihirapan araw-araw ang kanyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya sa kanilang mga gawang laban sa kautusan);
9 Ang Panginoon ay marunong magligtas sa 1mga makadiyos sa pagsubok at magtaan sa 2mga di-matuwid sa ilalim ng kaparusahan 3para sa 4araw ng 5paghuhukom;
C. Ang mga Kasamaan ng mga Bulaang Guro at ang Kaparusahan sa Kanila sa ilalim ng Paghahatol ng Diyos
2:10-22
10 At lalung-lalo na ang 1mga nagsisilakad nang ayon sa laman sa nakarurungis na pitang masama, at nangapopoot sa 2pagkapanginoon. Mga pangahas, 3mapagsariling-kalooban, hindi sila natatakot na magsialipusta sa mga 4maykapangyarihan,
11 Samantalang ang mga 1anghel, bagama’t lalong dakila sa lakas at kapangyarihan, ay 2hindi nagdadala ng paghahatol na may alipusta laban 1sa kanila sa harapan ng Panginoon.
12 Datapuwa’t ang mga ito, na gaya ng mga 1hayop na 2walang bait, na talagang ipinanganak 3upang hulihin at 4lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman, sa kanila ring 5pagpapasamâ ay malilipol sila;
13 1Na nagbabatá ng 2kalikuan na akabayaran ng 2gawang liko, inaaring isang bkasayahan ang magpakalayaw kung araw; mga 3cdungis at kapintasan, na nagpapakalayaw sa kanilang mga daya, samantalang sila ay dnakikipagpiging sa inyo;
14 Na 1may mga matang puspos ng pangangalunya at hindi tumitigil sa pagkakasala, na nagrarahuyo sa mga kaluluwang hindi matatag, na may pusong sanay sa kasakiman, mga anak ng sumpa;
15 Na pagkaalis sa 1matuwid na daan ay naligaw sila, palibhasa ay 2nagsisunod sa daan ni 3Balaam na anak ni Beor, na umibig sa kabayaran ng kalikuan,
16 Datapuwa’t siya ay sinaway dahil sa kanyang sariling pagsalangsang isang 1asnong pipi ang nagsalita sa tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.
17 Ang mga ito ay mga 1bukal na walang tubig at mga ulap na tinangay ng unos, na sa kanila ay itinaan ang 2kapusikitan ng kadiliman.
18 Sapagka’t sa pagsasalita ng mga kapalaluang walang kabuluhan, ay nirarahuyo nila sa pamamagitan ng masasamang pita ng laman, sa 1kahalayan, yaong mga bahagyang nagsisitakas sa mga 2namumuhay sa kamalian,
19 Na kanilang pinangangakuan ng kalayaan, samantalang sila mismo ay mga alipin ng 1kabulukan; sapagka’t ang nadaig ninuman ay naging alipin din naman niyaon.
20 Sapagka’t kung pagkatapos na sila ay makatakas sa mga pagkahawa sa sanlibutan sa pamamagitan ng lubos na pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo, at muling masala-salabid ng mga ito, sila ay nadaig, ang huling kalagayan nila ay sumamâ kaysa noong una.
21 Sapagka’t magaling pa kung hindi nila nakilala nang lubos ang 1daan ng katuwiran, kaysa, pagkatapos na makilala ito nang lubos ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
22 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay: Nagbabalik na muli ang 1aso sa kanyang sariling suka, at ang babaeng baboy, na nahugasan, sa paglulubalob sa putik.