2 Pedro
KAPITULO 1
I. Pambungad-sa mga Mananampalatayang
Inukulan ng Magkakatulad
na Mahalagang Pananampalataya
1:1-2
1 Si 1Simon Pedro, isang 2alipin at apostol ni Hesu-Kristo, sa 3mga 4inukulan ng 5magkakatulad na mahalagang 6pananampalataya na kasama 7namin 8sa 9katuwiran ng ating 10Diyos at Tagapagligtas na Hesu-Kristo:
2 Biyaya at kapayapaan ang sa inyo ay 1maparami 2sa loob ng lubos na 3pagkakilala sa Diyos at kay 4Hesus na ating Panginoon;
II. Ang Dibinong Panlaan
1:3-21
A. Ang Pamamahagi ng Dibinong Kapangyarihan
bb. 3-11
1. Ang Lahat ng Bagay na may Kaugnayan sa Buhay
at Pagkamakadiyos kasama ng Dibinong Kalikasan
bb. 3-4
3 Yamang 1ipinagkaloob sa atin ng Kanyang 2dibinong kapangyarihan ang 3lahat ng bagay na may kaugnayan sa 4buhay at 5pagkamakadiyos, 6sa pamamagitan ng 7lubos na pagkakilala sa 8Kanya na tumawag sa atin 9sa Kanyang Sariling 10kaluwalhatian at 11kagalingan,
4 Na 1sa pamamagitan ng 2mga ito ay ipinagkaloob Niya sa atin ang Kanyang mga mahalaga at 3napakadakilang pangako, upang sa pamamagitan ng 4mga ito ay makabahagi kayo sa dibinong kalikasan, 5yamang nakatakas sa nasa sanlibutan na 6kabulukang 7mula sa masamang pita.
2. Ang Pag-unlad sa pamamagitan ng Paglago sa Buhay
tungo sa Masaganang Pagpasok sa Walang Hanggang Kaharian
bb. 5-11
5 At dahil din dito, sa 1pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sipag, ay 2magtustos kayo nang masagana sa inyong 3pananampalataya ng 4kagalingan, at sa kagalingan, ng 5kaalaman,
6 At sa kaalaman, ng 1pagpipigil-sa-sarili, at sa pagpipigil-sa-sarili, ng 2pagtitiis, at sa pagtitiis, ng 3pagkamakadiyos,
7 At sa pagkamakadiyos, ng 1pag-ibig sa mga kapatid, at sa pag-ibig sa mga kapatid, ng 2pag-ibig.
8 Sapagka’t kung 1nasa inyo 2ang mga bagay na ito at 3nananagana, ay hindi kayo 4mabubuuang mga 5tamad o mga 6walang bunga 7tungo sa lubos na 8pagkakilala sa ating Panginoong Hesu-Kristo;
9 Sapagka’t yaong wala ng 1mga bagay na ito ay bulag, na ang 2nakikita lamang ay ang nasa malapit, na 3nakalimot na sa paglilinis ng kanyang dating mga kasalanan.
10 1Kaya, mga kapatid, lalo ninyong pagsikapang 2magpakatatag sa pagkatawag at pagkapili sa inyo, sapagka’t sa paggawa ninyo ng 3mga bagay na ito ay hindi kayo matitisod kailanman.
11 Sapagka’t sa gayon ay 1itutustos sa inyo nang mayaman at masagana ang pagpasok sa 2walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.
B. Ang Pagliliwanag ng Dibinong Katotohanan
bb. 12-21
1. Sa pamamagitan ng Kaluwalhatian ng Pagsasaksi ng mga Apostol
bb. 12-18
12 Kaya’t magiging handa akong lagi na ipaalala sa inyo ang mga bagay na ito, bagama’t inyong nalalaman, at napatitibay kayo sa katotohanang 1nasa inyo.
13 At itinuturing kong matuwid, hanggang ako ay nasa 1tabernakulong ito, na gisingin ko kayo sa pamamagitan ng isang paalala,
14 Yamang aking nalalaman na dumarating nang madali ang 1paghuhubad ko ng aking tabernakulo, na gaya 2rin ng ginawang malinaw sa akin ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
15 At ako ay magsusumikap din upang pagkaraan ng aking 1exodo ay lagi ninyong magunita ang mga bagay na ito;
16 Sapagka’t kami ay hindi 1nagsisunod sa mga 2kathang ginawa nang may katusuhan, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at 3pagparito ng ating Panginoong Hesu-Kristo, kundi kami ay naging mga 4saksing nakakita ng Kanyang 5kamaharlikahan.
17 Sapagka’t Siya ay tumanggap sa Diyos Ama ng karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa Kanya ang isang tinig mula sa 1maringal na kaluwalhatian: Ito ang Aking sinisintang Anak, na Siya Kong kinalulugdan.
18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nagmumula sa langit, nang kami ay kasama Niya sa banal na bundok.
2. Sa pamamagitan ng Liwanag ng Salita ng mga Propeta
bb. 19-21
19 1At kami ay mayroong lalong matatag na salita ng mga propeta, na kung inyong sinusundan ay mabuti ang inyong ginagawa, na gaya ng isang 2ilawang nagliliwanag sa isang 3dakong madilim, hanggang sa 4pagbubukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumisilang sa inyong mga puso;
20 Na maalaman muna ito, na walang propesiya ng Kasulatan ang nagbuhat sa 1sariling 2pagpapaliwanag;
21 1Sapagka’t kailanman ay walang propesiya na 2dinala ng kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Diyos, na 2dinadala ng Espiritu Santo.