2 Corinto
KAPITULO 8
IV. Ang Pagsasalamuha ng Apostol ukol sa Pagtutustos sa mga Banal na Nangangailangan
8:1-9:15
A. Ang Biyaya mula sa Apat na Partido
8:1-15
1 Bukod dito, mga kapatid, ipinatatalastas namin sa inyo ang 1biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa mga ekklesia ng Macedonia,
2 Kung paanong sa maraming 1pagiging aprubado sa kapighatian, ang kasaganaan ng kanilang kagalakan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang pagiging 2bukas-palad.
3 Sapagka’t ayon sa kanilang kaya, nagpapatotoo ako, at higit pa sa kanilang kaya, nagbigay sila nang 1mula sa kanilang sariling kalooban,
4 Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa 1biyayang ito at sa pakikipagsalamuha sa pagtutustos sa mga banal;
5 At ito ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay 1muna nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon, 2at sa amin, 3sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos.
6 Anupa’t namanhik kami kay Tito na, yamang siya ang nagsimula noon, siya na 1rin ang kumumpleto 2sa inyo ng 3biyayang ito.
7 Datapuwa’t yamang kayo ay nagsisisagana sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at sa pananalita, at sa kaalaman, at sa buong 1masikap-na-pag-iingat, at sa 2pag-ibig na nasa loob ninyo na 3nagmula sa amin ay magsisagana naman kayo sa 4biyayang ito.
8 Hindi ako nangungusap na tulad sa nag-uutos, kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng masikap-na-pag-iingat ng iba sa katapatan din naman ng inyong pag-ibig;
9 Sapagka’t nalalaman ninyo ang 1biyaya ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na bagaman Siya ay mayaman, gayunman ay nagpakarukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng Kanyang karukhaan ay magsiyaman kayo.
10 At sa ganito ay ibinibigay ko ang isang 1kuru-kuro; sapagka’t ito ay kapaki-pakinabang sa inyo, kayong naunang nangagsimula na may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi sa pagnanais din naman.
11 Datapuwa’t ngayon ay kumpletuhin din naman ninyo ang paggawa, upang kung paanong nagkaroon ng pagiging handa sa pagnanais, ay gayundin namang magkaroon ng kakumpletuhan ayon sa inyong kaya.
12 Sapagka’t kung ang pagiging handa ay nariyan, ito ay katanggap-tanggap ayon sa kung ano ang tinataglay ng isa, hindi ayon sa di-tinataglay ng isa.
13 Sapagka’t ito ay hindi upang ang iba ay magaanan at kayo ay mabigatan,
14 Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: sa panahong ito ang inyong kasaganaan ay naging para sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging para sa inyong kakulangan, nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakapantay-pantay;
15 Gaya ng nasusulat, 1Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis, at ang nagtipon ng kaunti ay hindi nagkulang.
B. Iniisip ang Gawain na Kapuri-puri
8:16-24
16 Datapuwa’t salamat sa Diyos, na naglalagay sa puso ni Tito ng gayunding 1masikap-na-pag-iingat sa inyo.
17 Sapagka’t tunay na tinanggap niya ang 1pamanhik, palibhasa ay lubhang masikap, napariyan siya sa inyo sa kanyang sariling kalooban.
18 At isinugo naming kasama niya ang kapatid na ang kapurihan sa ebanghelyo ay kilala sa lahat ng mga ekklesia.
19 At hindi lamang gayon, kundi siya rin naman ang itinalaga ng mga ekklesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa 1biyayang ito, na pinangangasiwaan namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon Mismo, at upang ipakita ang aming pagiging handa,
20 Na 1iniiwasan ito, na kami ay masisi ninuman tungkol sa 2kasaganaang ito na aming pinangangasiwaan;
21 Sapagka’t 1iniisip namin ang mga bagay na kapuri-puri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, bagkus sa paningin din naman ng mga tao.
22 At aming isinugo kasama nila ang 1ating kapatid, na aming nasubok nang madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa’t ngayon ay lalo pang masikap, dahil sa malaking tiwala niya sa inyo.
23 Tungkol kay Tito, siya ay aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo; o sa ating mga kapatid, sila ay mga 1apostol ng mga ekklesia, at kaluwalhatian ni Kristo.
24 Inyo ngang ipakita sa kanila, sa harapan ng mga ekklesia, ang katunayan ng inyong pag-ibig, at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo.