2 Corinto
KAPITULO 7
1 1Yamang taglay natin ang mga 2pangakong ito, mga minamahal, magsipaglinis tayo mula sa lahat ng 3karumihan ng laman at ng espiritu, na 4pinasasakdal ang kabanalan sa 5takot sa Diyos.
4. Ang Matalik na Pagmamalasakit sa mga Mananampalataya
ng Nagtutustos na Buhay ng Apostol
7:2-16
2 1Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso; hindi namin 2ginawan ng mali ang sinuman, hindi namin pinasamâ ang sinuman, hindi kami nanamantala kaninuman.
3 Hindi ko sinasabi ito upang kayo ay hatulan, sapagka’t nasabi ko na noong una, na kayo ay 1nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.
4 Lubos ang katapangan ko sa inyo, lubos ang pagmamapuri ko dahil sa inyo; ako ay napuspos ng 1kaaliwan, nag-uumapaw ako sa 1kagalakan sa lahat ng aming kapighatian.
5 Sapagka’t nang magsidating kami sa Macedonia ang aming 1laman ay hindi nagkaroon ng kapahingahan bagkus kami ay napighati sa lahat ng paraan; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga pagkatakot.
6 Gayunman ang Diyos na umaaliw sa mga 1inilulugmok ang 2umaliw sa amin sa pamamagitan ng 3pagdating ni Tito;
7 At hindi lamang sa kanyang 1pagdating, bagkus maging sa kaaliwan na inialiw sa kanya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong pagdadalamhati, ang inyong kasigasigan para sa akin, anupa’t ako ay lubha pang nagalak.
8 Sapagka’t kung ako ay nakapagpalumbay sa inyo sa aking 1sulat, hindi ako nagsisisi, bagama’t 2aking ikinalungkot sapagka’t akin ngang talastas na ang sulat na yaon ay 3nakapagpalumbay sa inyo, bagama’t sa maikling panahon lamang.
9 Ngayon ay nagagalak ako, hindi dahil sa kayo ay napalumbay, kundi dahil sa kayo ay napalumbay sa 1ikapagsisisi; sapagka’t kayo ay 2napalumbay sa paraang ukol sa Diyos, upang sa anuman ay huwag kayong magkaroon ng kalugihan dahil sa amin.
10 Sapagka’t ang kalumbayang ayon sa Diyos ay gumagawa ng pagsisisi tungo sa 1ikaliligtas, hindi sa 2ikalulungkot; datapuwa’t ang kalumbayang ayon sa sanlibutan ay 2gumagawa ng kamatayan.
11 Narito nga, itong inyong ikinalulumbay nang ayon sa Diyos, anong 1masikap na pag-iingat ang sa inyo ay 2ginawa, 3oo’ t anong 4pagtatanggol ng inyong sarili, oo’t anong 5pagkagalit, oo’t anong 6pagkatakot, oo’t anong 7pananabik, oo’t anong 8kasigasigan, oo’t anong 9paghihiganti! Sa lahat ng panig ipinagkakapuri ninyo ang inyong mga sarili na kayo ay dalisay sa 10bagay na yaon.
12 Kaya nga, bagama’t ako ay sumulat sa inyo, ito ay hindi dahil doon sa 1gumawa ng kamalian, ni dahil doon sa 2nagbata ng kamalian, kundi upang 3maihayag sa inyo ang inyong 4masikap na pag-iingat sa amin sa harapan ng Diyos.
13 Kaya’t kami ay pawang nangaaliw. At sa aming pagkaaliw ay 1bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni 2Tito, sapagka’t ang kanyang 3espiritu ay pinanariwa ninyong lahat.
14 Sapagka’t kung ako ay nagmapuri ng anuman sa kanya dahil sa inyo, hindi ako napahiya; datapuwa’t kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, gayundin naman ang aming pagmamapuri na ginawa sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo.
15 At ang kanyang 1pag-ibig ay lubha pang nananagana sa inyo, samantalang naaalaala niya ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya ay tinanggap ninyo na may takot at panginginig.
16 Ako ay nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong 1lubos na pagtitiwala sa inyo.