2 Corinto
KAPITULO 6
G. Gumagawang Kasama ang Diyos sa pamamagitan ng Umaangkop-sa-lahat na Buhay
6:1-7:16
1. Ang Gawain ng Ministeryo ng Pakikipagkasundo
6:1-2
1 1At yamang 2kasama Siyang gumagawa ay 3ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang 4biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan;
2 Sapagka’t sinasabi Niya, Sa panahong kaaya-aya ay pinakinggan kita, at sa araw ng pagliligtas ay sinaklolohan kita; narito, ngayon ang panahong 1lubhang katanggap-tanggap; narito, ngayon ang araw ng 2kaligtasan.
2. Ang Sapat na Buhay para sa Ministeryo ng Pakikipagkasundo
6:3-13
3 1Na hindi nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anuman, upang ang aming 2ministeryo ay huwag mapulaan;
4 Datapuwa’t sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili bilang mga tagapaglingkod ng Diyos, sa maraming 1pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga 2pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
5 Sa mga latay, sa mga pagkakabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga pagpapagal, sa mga 1pagpupuyat, sa mga 2pag-aayuno,
6 Sa kalinisan, sa 1kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa isang banal na 2espiritu, sa 1pag-ibig na hindi pakunwari,
7 Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos; sa pamamagitan ng mga 1sandata ng katuwiran 2sa kanan at sa kaliwa,
8 Sa pamamagitan ng 1kaluwalhatian at ng kasiraang-puri, sa pamamagitan ng 2masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga 3mandaraya gayunman ay mga tapat,
9 Waring 1hindi mga kilala, gayon man ay mga kilalang-kilala, tulad sa 2nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay, gaya ng mga 3dinidisiplina, nguni’t hindi pinapatay,
10 Tulad sa 1nangalulungkot, gayon man ay laging nangagagalak, tulad sa mga 2dukha, gayon man ay nangagpapayaman sa marami, gaya ng 3walang anumang pag-aari, gayon man ay mayroon ng lahat ng mga bagay.
11 Ang aming bibig ay 1bukás para sa inyo, O mga taga-Corinto, ang aming puso ay 1napalawak;
12 1Sa amin ay hindi kayo nasisikipan, kundi 2nasisikipan kayo 1sa inyong mga sariling 3panloob na bahagi;
13 Kaya nga bilang 1ganti sa gayong bagay, nangungusap akong gaya sa mga 2anak, maging 3malawak naman kayo.
3. Isang Tahas na Pagpapaalaala at Panghihikayat ng Ministeryo ng Pakikipagkasundo
6:14-7:1
14 1Huwag kayong makipamatok 2nang kabilan sa mga di-mananampalataya; sapagka’t anong 3samahan mayroon ang katuwiran at kalikuan, o anong pakikisalamuha mayroon ang liwanag sa kadiliman?
15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Kristo kay Belial, o anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa di-mananampalataya?
16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyos-diyosan? Sapagka’t tayo ang templo ng 1Diyos na buháy; gaya ng sabi ng Diyos, Mananahan Ako sa kanila, at lalakad Ako sa kanila; at Ako ay magiging Diyos nila, at sila ay magiging bayan Ko.
17 Kaya nga, magsialis kayo sa kanila at 1magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong magsihipo ng mga 2bagay na marumi, at kayo ay Aking 3tatanggapin;
18 At Ako ay magiging 1isang Ama sa inyo, at kayo ay magiging mga anak na lalake at 2mga anak na babae sa Akin, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.