2 Corinto
KAPITULO 5
D. Umaasam na Mabihisan ng Binagong-anyong Katawan
5:1-8
1 1Sapagka’t nalalaman namin na kung ang aming 2panlupang bahay na 3tabernakulo ay masira, kami ay may isang 4gusaling mula sa Diyos, isang 5bahay na hindi gawa sa pamamagitan ng mga kamay, walang hanggan, 6sa sangkalangitan.
2 Sapagka’t tunay na sa 1ganito kami ay nagsisihibik, umaasam na 2mabihisan ng aming 3tahanang mula sa langit,
3 Na kung mabihisan nga niyaon ay hindi kami masusumpungang 1hubad.
4 Sapagka’t tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nangagsisihibik, na 1nangabibigatan; 2hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami ay mabihisan, upang 3ang may kamatayan ay 4lulunin ng buhay.
5 Ngayon Siya na 1gumawa sa amin para sa mismong bagay ring ito ay ang Diyos, na nagbigay sa amin ng 2prenda ng Espiritu.
6 Kaya nga kami ay laging malakas ang loob, at nalalaman namin na samantalang kami ay 1nangasatahanan sa katawan, kami ay 1wala sa tahanan, hiwalay sa Panginoon.
7 (Sapagka’t 1nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng 2paningin);
8 Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang 1maging wala sa tahanan sa labas ng katawan, at mapasatahanan na kasama ng Panginoon.
E. Masidhing-nagnanasa
na Bigyang-kaluguran ang Panginoon
sa pamamagitan ng Pamumuhay tungo sa Kanya
5:9-15
9 Kaya’t kami naman ay 1masidhing-nagnanasa, maging 2sa tahanan man o wala man sa tahanan, na maging kalugud-lugod sa Kanya.
10 1Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa 2luklukan ng paghahatol ni Kristo, upang 3tumanggap ng kaukulang ganti ang bawa’t isa para sa mga bagay na ginawa 4sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o 5masama.
11 1Yamang nalalaman nga ang 2pagkatakot sa Panginoon, aming 3hinihikayat ang mga tao, nguni’t kami ay nangahayag sa Diyos; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.
12 Hindi namin muling ipinagkakapuri ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng pagkakataong magmapuri dahil sa amin, upang kayo ay mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagmamapuri sa panlabas na 1anyo, at hindi sa 2puso.
13 Sapagka’t kung kami ay maging mga 1hibang, ito ay para sa Diyos; o kung kami ay maging 2matino sa kaisipan, ito ay para sa inyo.
14 Sapagka’t ang 1pag-ibig ni Kristo ay 2pumipilit sa amin, na 3ipinasiya namin ang ganito, na ang 4Isa ay namatay dahil sa lahat; 5kung gayon ang lahat ay nangamatay;
15 At Siya ay namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay 1huwag nang mabuhay pa tungo sa kanilang sarili, kundi 2tungo sa Kanya na namatay dahil sa kanila at muling binuhay.
F. Naatasan ng Ministeryo ng Pakikipagkasundo
para sa Bagong Nilalang ng Panginoon
5:16-21
16 1Kaya nga mula ngayon ay hindi namin 2nakikilala ang sinumang ayon sa laman; bagama’t 2nakilala namin si Kristo ayon sa laman, nguni’t sa ngayon ay hindi na namin Siya 2nakikilala nang gayon.
17 1Kaya’t kung ang sinuman ay 2nasa loob ni Kristo, siya ay isang 3bagong nilalang; ang mga 4dating bagay ay nagsilipas na; 5narito, 6ang mga ito ay pawang naging mga bago.
18 Datapuwa’t ang 1lahat ng mga bagay ay pawang 2sa Diyos, na ipinakipagkasundo tayo sa Kanya rin sa pamamagitan ni Kristo, at nagbigay sa amin ng ministeryo ng pakikipagkasundo;
19 Samakatwid, ang Diyos sa loob ni Kristo ay ipinakipagkasundo ang sanlibutan sa Kanya rin, hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga pagsasalangsang, at 2ipinagkakatiwala sa amin ang 1salita ng pakikipagkasundo.
20 Kami nga ng dahil kay Kristo ay mga 1embahador, na waring namamanhik ang Diyos sa pamamagitan namin; kami ay namamanhikan sa inyo sa pangalan ni Kristo, na kayo ay 2makipagkasundo sa Diyos.
21 Yaong 1hindi nakakilala ng kasalanan ay Kanyang ginawang 2kasalanan dahil sa atin, upang tayo ay maging 3katuwiran ng Diyos 4sa loob Niya.