2 Corinto
KAPITULO 4
B. Ikinikilos nang Wasto ang Kanilang mga Sarili
para sa Pagsilay ng Liwanag ng Ebanghelyo
ng Kaluwalhatian ni Kristo
4:1-6
1 1Kaya nga, sa pagkakaroon namin ng 2ministeryong ito, ayon sa tinanggap naming 3kaawaan, ay hindi kami pinanghihinaan ng loob;
2 Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiya-hiyang bagay na nangatatago, na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni 1binabantuan ang mga salita ng Diyos, kundi sa paghahayag ng 2katotohanan ay ipinagkakapuri ang aming sarili sa bawa’t budhi ng tao sa harapan ng Diyos.
3 At kung ang aming ebanghelyo ay 1natatalukbungan pa, ito ay may talukbong sa mga yaong napapahamak,
4 Na 1binulag ng 2diyos ng kapanahunang ito ang mga 3kaisipan ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila ay huwag 4sumilay ang 5liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Kristo, na Siyang larawan ng Diyos.
5 1Sapagka’t hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Kristo Hesus bilang 2Panginoon, at kami ay gaya ng inyong mga 3alipin dahil kay Hesus.
6 1Sapagka’t ang Diyos na nagsabi, Sisilay ang ilaw mula sa kadiliman, ang Siyang sumilay 2sa 3aming mga puso, 4upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa 5mukha ni Hesu-Kristo.
C. Ipinamumuhay ang Isang Naipako sa krus na Buhay
para sa Kahayagan ng Pagkabuhay na muling Buhay
sa pamamagitan ng Humihigit na Kapangyarihan
ng Kayamanan na nasa mga Sisidlang Lupa
4:7-18
7 1Nguni’t taglay namin ang 2kayamanang ito sa mga sisidlang lupa, upang ang 3kahigtan ng kapangyarihan ay magmula sa Diyos, at hindi mula sa aming sarili.
8 Sa magkabi-kabila ay 1nangagigipit kami, gayon man ay hindi 2nagsisikip; 3nangatitilihan, gayon man ay hindi 4nangawawalan ng pag-asa;
9 1Pinag-uusig, gayon man ay hindi 2pinababayaan; inilulugmok, gayon man ay hindi 3nangasisira;
10 Laging saanman ay tinataglay sa katawan ang 1paglalagay sa kamatayan kay Hesus, 2upang ang 3buhay ni Hesus ay mahayag naman sa aming katawan.
11 Sapagka’t kaming nangabubuhay ay laging dinadala sa kamatayan dahil kay Hesus, upang ang buhay naman ni 1Hesus ay mahayag sa aming 2lamang may kamatayan.
12 Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa’t ang 1buhay ay sa inyo.
13 At yamang may 1gayunding 2espiritu ng pananampalataya, na ayon sa nasusulat, Sumampalataya ako, kaya nga ako ay nagsalita; kami naman ay nagsisisampalataya, kaya kami naman ay nangagsasalita;
14 Na aming nalalaman na ang nagbangon sa Panginoong Hesus ang 1magbabangon din sa amin kasama ni Hesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.
15 Sapagka’t ang lahat ng mga bagay ay para sa inyo, upang ang 1biyaya, na pinananagana sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
16 Kaya nga hindi kami pinanghihinaan ng loob; bagama’t ang aming 1panlabas na tao ay 2nasisira, ang aming 1panloob na tao naman ay 3napapabago sa araw-araw.
17 Sapagka’t ang aming magaang 1kapighatian na panandalian lamang ang siyang gumagawa sa amin ng 2lalu’t lalong bigat ng 3kaluwalhatiang 4walang hanggan,
18 Samantalang hindi namin isinasaalang-alang ang mga 1bagay na nakikita, kundi ang mga 2bagay na hindi nakikita; sapagka’t ang mga bagay na nakikita ay pansamantala, datapuwa’t ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.