2 Corinto
KAPITULO 3
B. Ang Pangsyon at Kakayahan Nito
3:1-6
1 1Sinisimulan ba naming muling ipagkapuri ang aming sarili? O kami ba ay nangangailangan, gaya ng iba, ng mga sulat ng papuri sa inyo, o mula sa inyo?
2 Kayo ay ang 1aming sulat, na nasusulat sa 2aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao;
3 Yamang nahahayag na kayo ay isang 1sulat ni Kristo na 2inihain namin, hindi isinulat ng tinta, kundi 3ng Espiritu ng Diyos na buháy; hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng 4pusong laman.
4 At ang gayong pagtitiwala sa Diyos ay taglay namin sa pamamagitan ni Kristo.
5 Hindi sa kami ay 1sapat na sa aming sarili upang ibilang ang anuman na mula sa ganang aming sarili, kundi ang aming 1kasapatan ay mula sa Diyos,
6 Na 1ginagawa naman kaming sapat na mga 2tagapaglingkod ng bagong tipan, 3hindi ng 4titik, kundi ng 5Espiritu; sapagka’t ang 6titik ay pumapatay, datapuwa’t ang 7Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
C. Ang Kaluwalhatian at Higit-na-Kagalingan Nito
3:7-11
7 Ngayon kung ang 1ministeryo ng kamatayan, na nasusulat at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may 2kaluwalhatian, anupa’t ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kanyang mukha, na ang kaluwalhatiang ito ay lumilipas,
8 Paanong hindi lalong magkakaroon ng 1kaluwalhatian ang 2ministeryo ng Espiritu?
9 Sapagka’t kung ang ministeryo ng 1kondenasyon ay may kaluwalhatian, bagkus pa ngang higit na 2sagana sa kaluwalhatian ang ministeryo ng 3katuwiran.
10 Sapagka’t katotohanang ang 1naluwalhati ay 2hindi naluwalhati 3sa bagay na ito, nang dahil sa kaluwalhatiang nangingibabaw.
11 Sapagka’t kung ang 1lumilipas ay dumating 2sa pamamagitan ng kaluwalhatian, lalo pa ang yaong nananatili ay 2nasa kaluwalhatian.
III. Ang mga Tagapaglingkod ng Bagong Tipan
3:12 – 7:16
A. Binubuo ng Panginoon bilang ang Nagbibigay-buhay at Nagtatranspormang Espiritu
3:12-18
12 Yaman ngang may gayong 1pag-asa, gumagamit kami nang buong 2katapangan,
13 At hindi gaya ni Moises, na nagtalukbong ng kanyang mukha, upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig 1sa katapusan niyaong lumilipas.
14 Datapuwa’t ang kanilang mga 1kaisipan ay nagsitigas; sapagka’t hanggang sa araw na ito, kapag binabasa ang lumang tipan, ang talukbong ding yaon ay nananatili, na hindi pa sila nakatanggap ng pahayag na 2ito ay naalis na sa pamamagitan ni Kristo.
15 Datapuwa’t hanggang sa araw na ito, tuwing binabasa si 1Moises, may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso;
16 Nguni’t tuwing bumabaling 1ito sa Panginoon, ang talukbong ay naaalis.
17 1Nguni’ t ang 2Panginoon ang 3Espiritu, at kung saan naroroon ang 4Espiritu ng Panginoon, doon ay may 5kalayaan.
18 1Ngunit 2tayong lahat na 3walang talukbong ang mukha, na 4tumitingin at umaaninag gaya ng isang 5salamin sa 6kaluwalhatian ng Panginoon, ay 7natatransporma tungo sa 8gayunding larawan 9mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng 10mula sa 1Panginoong Espiritu.