2 Corinto
KAPITULO 12
2. Ipinagmamapuri ang Pangitain at Pahayag ng Panginoon sa Kanya
12:1-10
1 1Kinakailangang ako ay magmapuri, bagaman ito ay hindi kapaki-pakinabang; nguni’t aking 2sasaysayin ang mga 3pangitain at mga pahayag ng Panginoon.
2 Nakikilala ko ang isang 1lalake kay Kristo, labing-apat na taon na ang nakararaan (kung sa katawan, ay hindi ko alam, o kung sa labas ng katawan, ay hindi ko alam—Diyos ang nakaaalam), na 2inagaw 3hanggang sa 4ikatlong langit.
3 1At nakikilala ko ang taong yaon (kung sa katawan o sa 2labas ng katawan ay hindi ko alam—Diyos ang nakaaalam),
4 Na kung paanong siya ay 1inagaw tungo sa 2paraiso, at nakarinig ng mga salitang di-masambit na hindi dapat salitain ng tao.
5 Tungkol sa taong yaon ako ay magmamapuri, nguni’t tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban sa aking mga kahinaan.
6 Sapagka’t kung iibigin kong magmapuri, hindi ako magiging mangmang, sapagka’t sasalitain ko ang katotohanan; nguni’t 1nagpipigil ako, baka ang sinuman ay mag-akalang ako ay higit sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.
7 At upang ako ay huwag magpalalo nang labis dahil sa 1lumalampas-na-kataasan ng mga pahayag, binigyan ako ng isang 2tinik sa laman, na isang sugo ni Satanas, upang ako ay 3tampalin niya, nang ako ay huwag magpalalo nang labis.
8 Tungkol dito ay makatlo akong nanalangin sa Panginoon upang ilayo ito sa akin.
9 At Siya ay nagsabi sa akin, Ang Aking 1biyaya ay 2sapat sa iyo, sapagka’t ang Aking 3kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t ako ay magmamapuri nang may malaking kagalakan sa aking mga kahinaan upang ang kapangyarihan ni Kristo ay 4magtabernakulo sa akin.
10 Kaya nga ako ay 1nalulugod sa mga kahinaan, sa mga 2pagkakakutya, sa mga 3pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga 4paghihinagpis, dahil kay Kristo; sapagka’t kung kailan ako 5mahina, saka naman ako 5malakas.
3. Ipinagmamapuri ang mga Tanda ng Kanyang Pagkaapostol
12:11-18
11 Ako ay naging mangmang; pinilit ninyo ako. Ako sana ay dapat ninyong purihin; sapagka’t sa anuman ay hindi ako naging huli sa mga 1super-apostol, bagaman ako ay walang kabuluhan.
12 Tunay na ang mga 1tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis, sa pamamagitan ng mga 2tanda at mga 3kababalaghan at ng mga 4gawang makapangyarihan.
13 Sapagka’t ano nga ang inyong 1ikinahuli sa ibang mga ekklesia, kundi ang ako ay hindi naging isang pasanin sa inyo? 2Ipagpatawad ninyo sa akin ang ganitong kawalan ng katarungan.
14 Narito, ito ang ikatlong ulit na ako ay handang pumariyan sa inyo, at ako ay hindi magiging pasanin; sapagka’t hindi ko hinahangad ang inyo, kundi kayo; sapagka’t hindi nararapat ipag-ipon ng mga anak ang mga magulang, kundi ng mga magulang ang mga anak.
15 At ako ay 1gugugol nang may malaking kagalakan at 2pagugugol nang lubusan sa kapakanan ng inyong mga kaluluwa, kahit pa nga nang dahil sa pag-ibig ko sa inyo nang lalong higit, ako ay inibig nang kaunti.
16 Datapuwa’t 1magkagayon man, ako ay hindi nakabigat sa inyo bagama’t may ilan sa inyo ang nagsasabi na dahil sa 2pagkatuso ko, kayo ay hinuli ko sa daya.
17 Kayo ba ay aking pinagsamantalahan sa pamamagitan ninuman na aking isinugo sa inyo?
18 Pinamanhikan ko si Tito at isinugo kong kasama niya ang kapatid. Kayo ba ay pinagsamantalahan ni Tito? Hindi ba kami ay nagsilakad sa iisang 1espiritu? Hindi ba kami ay nagsisunod sa gayunding mga hakbang?
E. Sa pamamagitan ng Awtoridad na Ibinigay sa Kanya
12:19-13:10
19 Sa buong panahong ito inaakala ninyo na ipinagtatanggol namin ang aming mga sarili sa inyo. 1Sa harap ng Diyos, 1sa loob ni Kristo, kami ay nagsasalita; datapuwa’t ang lahat ng bagay, mga minamahal, ay para sa inyong ikatatayo.
20 Natatakot nga ako, na baka pagpariyan ko, kayo ay masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko, at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo: baka sa anumang paraan ay magkaroon ng 1pagtatalo, paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampi-kampi, mga 2paninirang-puri, mga 3bulung-bulungan, mga 4kapalaluan, mga 5kaguluhan;
21 Baka pagpariyan kong muli, ako ay pababain ng Diyos ko sa harapan ninyo, at ako ay magdadalamhati dahil sa marami sa nangagkasala noong una at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kahalayan na ginawa nila.