1 Timoteo
KAPITULO 6
XII. Pakikitungo sa mga Alipin
at sa mga Mangingibig ng Salapi
6:1-10
1 Ituring ng lahat ng mga alipin, na nangasa ilalim ng pamatok, ang kanilang mga sariling panginoon na karapat-dapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Diyos at ang 1pagtuturo ay huwag 2malapastangan.
2 At yaong mga may panginoong nagsisisampalataya, huwag mong hayaang hamakin nila sila, sapagkat sila ay mga kapatid; manapa ay paglingkuran nila sila bilang mga alipin, sapagkat mga mananampalataya at mga minamahal ang mga nakikinabang sa kanilang paglilingkod. Iyong ituro at ipanghikayat ang mga bagay na ito.
3 Kung ang sinuman ay nagtuturo 1nang naiiba, at hindi sumasang-ayon sa 2malulusog na salita, samakatwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Hesu-Kristo, at sa aral na ayon sa 3pagkamakadiyos,
4 Siya ay 1nabulag ng kapalaluan, walang nalalamang anuman, kundi 2sakit na niya ang mga pagtatanong at mga pagtatalo tungkol sa mga salitang pinagmumulan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga 3pag-aalipusta, mga masasamang akala,
5 Mga 1walang katapusang pagtataltalan ng mga taong masasama ang kaisipan at 2salat sa 3katotohanan, na 4nagsisipag-akala na ang pagkamakadiyos ay paraan ng kapakinabangan.
6 Datapuwa’t ang pagkamakadiyos na may 1kasiyahan ay 2malaking kapakinabangan;
7 Sapagkat 1wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anuman.
8 Ngunit kung tayo ay may pagkain at 1pananamit ay 2masiyahan na tayo roon.
9 Datapuwa’t ang mga 1nagsisipagpasiyang yumaman ay nangahuhulog sa tukso at sa 2silo at sa maraming 3pitang hangal at nakasasama, na siyang 4naglulubog sa mga tao sa 5pagkasira at pagkawasak.
10 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay 1isang ugat ng lahat ng uri ng kasamaan, na sa 2pagnanasa ng ilan ay 3nangasinsay sa 4pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming kalumbayan.
XIII. Isang Tao ng Diyos
6:11-21a
11 Datapuwa’t ikaw, O 1tao ng Diyos, tumakas ka sa mga bagay na ito, at habulin mo ang 2katuwiran, ang 3pagkamakadiyos, ang 4pananampalataya, ang 5pag-ibig, ang 6pagtitiis, ang 7kaamuan.
12 Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya; manangan ka sa 1buhay na walang hanggan kung 2saan ka tinawag, at 3nagpahayag ng mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming saksi.
13 Ipinagbibilin ko sa iyo sa harapan ng Diyos, na 1nagbibigay ng buhay sa lahat ng mga bagay, at sa harapan ni Kristo Hesus, na sumaksi sa mabuting pagpapahayag sa harapan ni Poncio Pilato,
14 Na tuparin mo ang 1utos nang walang dungis, walang kapintasan, hanggang sa 2pagpapakita ng ating Panginoong Hesu-Kristo,
15 1Na sa sariling kapanahunan 2nito ay ipahahayag 3Niya, na pinagpala at tanging Makapangyarihan, 4Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon,
16 Na Siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di-malapitan; na hindi nakita o makikita ninuman, suma Kanya nawa ang karangalan at 1kapangyarihang walang hanggan. Amen.
17 Pagbilinan mo ang mayayaman sa kasalukuyang kapanahunan na huwag magsipagmataas-sa-kaisipan, ni maglagak ng kanilang pag-asa sa mga kayamanang di-mananatili, kundi sa Diyos na siyang nagbibigay nang sagana sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating katamasahan;
18 Na sila ay magsigawa ng 1mabuti, na sila ay 2magsiyaman sa mabubuting gawa, na sila ay maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi,
19 Na magtipon bilang kayamanan para sa kanilang sarili ng isang mabuting 1pundasyon para sa hinaharap, upang sila ay makapanangan sa 2buhay na tunay na buhay.
20 O Timoteo, ingatan mo ang 1ipinagkatiwala sa iyo, umiwas ka sa mga usapang di-banal na walang kabuluhan at sa mga pagsalungat ng 2huwad na tinatawag na kaalaman,
21 Na palibhasa ay pinaniniwalaan ng ilan ay 1nangamintis hinggil sa pananampalataya.
XIV. Konklusyon
6:21b
cAng biyaya ay ay sumainyo nawa.