1 Timoteo
KAPITULO 3
VI. Ang mga Episkopo at mga Diyakono
para sa Administrasyon ng Ekklesia
3:1-13
1 Tapat ang salita: Kung ang sinuman ay 1nagnanais na 2mangasiwa, nagnanasa siya ng isang mabuting gawa.
2 Dapat nga na ang 1episkopo ay 2walang kapintasan, 3asawa ng isang babae lamang, 4mapagpigil, 5mahinahon ang kaisipan, 6maayos, 7bukas ang tahanan sa mga panauhin, 8makapagtuturo,
3 1Hindi malabis na manginginom, 2hindi mapagbuhat ng kamay kundi 3may pagtitimpi, 4hindi mapakipagtalo, 5hindi maibigin sa salapi;
4 1Namamahalang mahusay sa kanyang sariling sambahayan, na napasusunod ang kanyang mga anak nang may buong 2kahinahunan ng pagiging-kagalang-galang;
5 (Nguni’t kung ang sinuman nga ay hindi marunong mamahala sa kanyang sariling sambahayan, paano nga siyang makapamamahala sa ekklesia ng Diyos?
6 Hindi isang 1bago pa lamang nananampalataya, baka sa 2pagkabulag sa kapalaluan ay mahulog siya sa 3kahatulan ng Diyablo.
7 Bukod dito ay dapat din naman siyang magkaroon ng 1mabuting patotoo sa mga 2nangasa labas, upang hindi siya 3mahulog sa pagdudusta at silo ng 4Diyablo.
8 Gayundin naman, ang mga 1diyakono ay dapat na maging 2mahinahon sa pagiging-kagalang-galang, 3hindi nagdadalawang-dila, 4hindi sugapa sa maraming alak, 5hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan,
9 Na iniingatan ang 1hiwaga ng pananampalataya sa isang 2dalisay na budhi.
10 At ang mga ito rin naman ay 1subukin muna; kung 2walang kapintasan ay hayaan silang 3maglingkod.
11 Gayundin naman, ang mga 1babae ay dapat na maging 2mahinahon sa pagiging-kagalang-galang, 3hindi mapanirang-puri, 4mapagpigil, 5tapat sa lahat ng mga bagay.
12 Ang mga diyakono ay dapat na may 1iisang asawa lamang, na 2pinamamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang mga sariling sambahayan.
13 Sapagka’t ang nangaglilingkod nang mabuti ay nangagtatamo para sa kanilang sarili ng isang 1mabuting katayuan, at 2ibayong katapangan sa 3pananampalataya na nasa loob ni Kristo Hesus.
VII. Ang Pangsyon ng Ekklesia-
Ang Bahay ng Diyos na Buhay
at ang Haligi at Saligan ng Katotohanan
3:14-16
14 Ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, na umaasang makararating ako sa inyo nang madali;
15 Nguni’t kung ako ay magluwat nang mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung 1paano ang dapat na ugaliin ng isa sa 2bahay ng Diyos, na siyang ekklesia ng 3Diyos na buháy, at 4haligi at 5saligan ng 6katotohanan.
16 At walang pagtatalo, dakila ang 1hiwaga ng pagkamakadiyos! 2Siya ay 3nahayag sa laman, 4inaring-matuwid sa loob ng Espiritu, 5nakita ng mga anghel, 6ipinangaral sa mga bansa, 7sinampalatayanan sa sanlibutan, 8tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.