1 Timoteo
KAPITULO 2
IV. Ang Panalangin para sa Kaligtasan ng Tao
2:1-7
1 Akin ka ngang hinihikayat, unang-una sa lahat ng mga bagay na 1manaing, manalangin, 2mamagitan, at magpasalamat patungkol sa lahat ng mga tao;
2 Patungkol sa mga hari at sa lahat ng nangasa mataas na katungkulan, upang tayo ay makapamuhay nang 1panatag at tahimik sa loob ng buong 2pagka-makadiyos at 3kahinahunan ng pagiging kagalang-galang.
3 Ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa paningin ng ating Tagapagligtas na Diyos,
4 Na Siyang may ibig na ang 1lahat ng mga tao ay maligtas at 2lubos na makaalam ng katotohanan.
5 Sapagka’t may 1isang Diyos at may isang 2Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang 3Taong si Kristo Hesus,
6 Na 1nagbigay ng Kanyang Sarili na 2pantubos sa lahat, na 3patotoong mahahayag sa sariling kapanahunan nito;
7 Na dito ay itinalaga akong 1tagapagbalita at apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), guro ng mga Hentil sa 2pananampalataya at katotohanan.
V. Ang Normal na Buhay sa Ekklesia
2:8-15
8 Ibig ko ngang ang mga kalalakihan ay 1manalangin sa bawa’t dako, na nagtataas ng mga 2kamay na 3banal, na walang 4galit at 5pakikipagtalo.
9 1Gayundin naman, gayakan ng mga babae ang kanilang sarili ng 2maayos na pananamit na may 3kahinhinan at 4kahinahunan, hindi nang may nakatirintas na buhok at ginto o mga perlas o mamahaling damit;
10 Kundi, ng yaong umaangkop sa mga babae na nagpapahayag ng 1makadiyos na pagpipitagan, sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11 Ang babae ay mag-aral sa loob ng 1katahimikan na may buong 2pagpapasakop;
12 Nguni’t hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay 1magturo, ni magkaroon ng awtoridad sa lalake, kundi 2manahimik.
13 Sapagka’t si 1Adam ang siyang unang 2nilalang, saka si Eva;
14 At si 1Adam ay hindi nadaya, kundi ang 2babae sa pagiging nadaya ay nahulog sa pagsalansang.
15 Nguni’t maliligtas siya sa pamamagitan ng 1panganganak, kung sila ay mananatili sa 2pananampalataya at pag-ibig at sa kabanalan na may 3kahinahunan.