1 Tesalonica
KAPITULO 5
G. Ang Pagiging Mapagbantay at ang Katimpian Nito
5:1-11
1. Ang Kaarawan ng Panginoon Darating gaya ng isang Magnanakaw
bb. 1-3
1 Datapuwa’t tungkol sa mga 1kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anuman,
2 Sapagkat kayo mismo ay mga lubos na nangakaaalam, na ang pagdating ng 1kaarawan ng Panginoon ay 2gaya ng isang magnanakaw sa gabi.
3 Kapag sinabi nila, Kapayapaan at katiwasayan, pagkagayon ay darating sa kanila ang biglang pagkawasak na gaya ng pagdaramdam sa panganganak ng babaeng nagdadalang-tao, at sila ay hindi makatatakas sa anumang paraan.
2. Ang Pag-iingat ng Pananampalataya, Pag-ibig, at Pag-asa
bb. 4-11
4 Ngunit kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang abutan kayo ng araw na yaon nang gaya ng isang magnanakaw;
5 Sapagkat kayong lahat ay pawang mga anak ng liwanag at mga anak ng araw. Tayo ay hindi nabibilang sa gabi, ni sa kadiliman man.
6 Kaya nga, huwag tayong 1mangatulog na gaya ng iba, kundi tayo ay 2mangagbantay at maging mapagtimpi;
7 Sapagkat ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi, at ang 1nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi;
8 Datapuwa’t mga anak tayo ng araw, maging mapagtimpi tayo, isinusuot ang 1baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at ang 1turbante na 2pag-asa ng 3kaligtasan;
9 Sapagkat tayo ay 1hindi itinalaga ng Diyos sa kapootan, kundi sa pagtatamo ng 2kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo,
10 Na 1namatay para sa atin, upang tayo, maging 2gising o 3tulog man, ay mangabuhay 4kasama Niya.
11 Kaya palakasin ninyo ang loob ng isa’t isa, at itayo ng bawat isa ang iba, gaya ng inyong ginagawa.
H. Ang Pakikipagtulungan Nito
5:12-24
1. Ang Pakikipagtulungan ng mga Mananampalataya—
Ipamuhay ang Espirituwal at Pinabanal na Pamumuhay
bb. 12-22
12 Datapuwa’t ipinakikiusap namin sa inyo, mga kapatid, na inyong 1kilalanin 2ang nangagpapagal sa inyo, at 3nangangunguna sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalala sa inyo;
13 At inyong lubos na 1igalang sila sa pag-ibig dahil sa kanilang gawa. Magsama-sama kayong 2mapayapa.
14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga 1magugulo, palakasin ang mga 2mahihinang-loob, alalayan ang mga 3mahihina, at maging 4mapagpahinuhod kayo sa lahat.
15 Tingnan nga ninyo na walang gaganti kaninuman ng masama sa masama, ngunit 1habulin ninyong lagi ang mabuti, para sa isa’t isa at para sa lahat.
16 1Mangagalak kayong lagi;
17 1Magsipanalangin kayo nang walang patid;
18 1Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; 2sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Kristo Hesus para sa inyo.
19 1Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu;
20 Huwag ninyong 1hamakin ang mga 2pagpopropesiya;
21 Kundi 1subukin ninyo ang lahat ng mga bagay; panghawakan ninyo nang matibay ang mabuti.
22 Layuan ninyo ang bawa’t 1anyo ng masama.
2. Ang Gawain ng Diyos—Pagpapabanal at Pag-iingat sa mga Mananampalataya
bb. 23-24
23 1At 2pakabanalin kayong 3lubos ng 4Diyos Mismo ng kapayapaan, at ang inyong 5espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang 6buo, na walang kapintasan, 7sa 8pagparito ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
24 Tapat Yaong sa inyo ay tumatawag, na gagawa 1rin naman nito.