1 Tesalonica
KAPITULO 4
E. Ang Paghikayat Nito
4:1-12
1. Ang Pagpapakabanal laban sa Pakikiapid
bb. 1-8
1 1Katapus-tapusan nga, mga kapatid, kayo ay aming hinihilingan at hinihikayat sa Panginoong Hesus, na ayon sa tinanggap ninyo sa amin, kung paanong kayo ay dapat magsilakad at mangagbigay-lugod sa Diyos, na gaya nga ng inyong paglakad, ay lalo kayong magsipanagana.
2 Sapagkat talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Hesus.
3 Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, samakatwid ay ang inyong 1pagpapakabanal; na kayo ay magpigil sa 2pakikiapid;
4 Na ang bawat isa sa inyo ay makaalam kung paano 1taglayin ang kanyang sariling 2sisidlan sa 3pagpapakabanal at kapurihan,
5 Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Hentil na 1hindi nakakikilala sa Diyos;
6 Na sinuman ay huwag 1lumapastangan at 2mandaya sa kanyang kapatid sa 3bagay na ito, sapagkat ang Panginoon ay 4mapaghiganti sa lahat ng mga 5bagay na ito, na gaya naman ng aming sinabi na noong una sa inyo at mahigpit naming ipinagtagubilin.
7 Sapagkat tayo ay tinawag ng Diyos hindi 1sa 2karumihan kundi 3sa 4pagpapakabanal.
8 1Kaya ang 2nagtatakwil ay hindi nagtatakwil sa tao, kundi sa Diyos, na nagbibigay rin sa inyo ng Kanyang 3Espiritu Santo.
2. Ang Pag-iibigan ng Kapatiran
bb. 9-10
9 Datapuwa’t tungkol sa 1pangkapatirang pag-ibig ay hindi ninyo kailangan na kayo ay sulatan ko, sapagkat kayo mismo ay naturuan ng Diyos na 2mag-ibigan sa isa’t isa;
10 Sapagkat katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nasa buong Macedonia. Ngunit aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na kayo ay lalong magsipanagana,
3. Ang Nararapat na Paglakad
bb. 11-12
11 At 1nasain ninyo nang masidhi na maging tahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at mangagpagal sa pamamagitan ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;
12 Upang kayo ay magsilakad nang nararapat tungo sa mga nasa labas, at kayo ay hindi mangailangan ng anuman.
F. Ang Pag-asa Nito
4:13-18
1. Para sa mga Namatay na Mananampalataya
bb. 13-14
13 Ngunit hindi namin ibig na kayo ay di-makaalam, mga kapatid, tungkol sa mga 1natutulog, upang kayo ay huwag malumbay na gaya ng iba na walang pag-asa.
14 Sapagkat kung tayo ay nagsisisampalatayang si Hesus ay namatay at nabuhay na muli, gayundin naman ang mga natutulog, sa pamamagitan ni Hesus, ay dadalhin ng Diyos kasama Niya.
2. Para sa mga Nabubuhay at Natitirang Mananampalataya
bb. 15-18
15 Sapagkat ito ay sinasabi namin sa inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong nabubuhay, na natitira hanggang sa 1pagparito ng Panginoon, ay hindi mauuna sa anumang paraan sa nangatutulog;
16 Sapagkat ang Panginoon Mismo ay bababa mula sa langit na may isang 1sigaw ng pag-uutos, may tinig ng arkanghel, at may 2trumpeta ng Diyos, at ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na muli;
17 Pagkagayon, tayong nabubuhay, na natitira, ay 1aagawing kasabay nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon 2sa himpapawid; at sa ganito ay makakapiling natin ang Panginoon magpakailanman.
18 Sa gayon, palakasin ninyo ang loob ng isa’ t isa sa pamamagitan ng mga salitang ito.