1 Tesalonica
KAPITULO 3
D. Ang Pagpapatatag Nito
3:1-13
1. Ang Pagpapalakas-loob
para sa Pananampalataya at Pag-ibig
bb. 1-12
1 Kaya’t nang hindi na kami makatiis ay minagaling naming maiwang nag-iisa sa 1Atenas,
2 At aming isinugo si Timoteo, na aming kapatid at 1kamanggagawa ng Diyos sa ebanghelyo ni Kristo, upang patatagin kayo at 2palakasin ang inyong loob alang-alang sa inyong pananampalataya,
3 Upang walang sinuman ang 1mabagabag ng mga kapighatiang ito; sapagka’t kayo rin ang nangakaaalam na 2itinalaga kami sa bagay na ito;
4 Sapagka’t kahit na nang kami ay kasama ninyo, 1sinabi namin noong una sa inyo na kami ay nangagbabata ng kapighatian; gaya nga ng nangyari, at nalalaman ninyo.
5 Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis, ako ay nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anumang paraan kayo ay natukso ng 1manunukso, at ang aming pagpapagal ay 2mawalan ng kabuluhan.
6 Datapuwa’t si Timoteo, na kararating lamang 1sa amin ngayon buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pag-ibig, at lagi ninyo kaming inaalaalang mabuti, na ninanasang makita kami gaya naman namin sa inyo;
7 Dahil dito ay 1naaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo, sa lahat ng aming 2pangangailangan at kapighatian, sa pamamagitan ng inyong pananampalataya;
8 Sapagka’t ngayon ay 1nabubuhay kami, kung kayo ay 2maninindigang matibay sa Panginoon.
9 Sapagka’t ano ngang pasasalamat ang aming maibabalik sa Diyos dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Diyos,
10 Gabi’t araw ay idinadalangin namin nang buong ningas na aming makita ang inyong mukha, at aming 1mapasakdal kung ano ang kulang sa inyong pananampalataya?
11 Ngayon ay 1patnubayan nawa ng ating Diyos Mismo at Ama, at ng ating Panginoong Hesus, ang aming paglalakbay sa inyo;
12 At sanhiin ng Panginoon na paramihin at pasaganahin kayo sa 1pag-ibig sa isa’t isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;
2. Pag-asa ang Pampalakas-loob
b. 13
13 1Upang patatagin Niya ang inyong mga 2puso, na walang maipipintas sa 3kabanalan sa harapan ng ating Diyos at Ama, sa 4pagparito ng ating Panginoong Hesus kasama ang lahat ng Kanyang mga 5banal6.