1 Pedro
KAPITULO 5
V. Ang Pagpapastol ng mga Matanda at ang Gantimpala Nito
5:1-4
A. Ang mga Tularan ng Nagpapastol
bb. 1-3
1 1Kaya nga sa 2mga matanda sa inyo, ako ay namamanhikan, akong 3kasamang matanda ninyo at isang 4saksi sa mga pagdurusa ni Kristo, na 5may bahagi rin sa kaluwalhatiang malapit nang mahayag:
2 Na 1pastulin ninyo ang 2kawan ng Diyos na nasa inyo, na 3pangasiwaan ito hindi sa paraang napipilitan, kundi kusang-loob, ayon sa 4Diyos; ni hindi dahil sa paghahangad ng mahalay na kapakinabangan, kundi sa karubduban,
3 Ni hindi rin gaya ng 1nagpapapanginoon sa 2ipinagtagubiling bahagi sa inyo, kundi kayo ay 3maging mga tularan ng 4kawan.
B. Ang Gantimpalang mula sa Pangulong Pastol
b. 4
4 At pagkahayag sa Pangulong Pastol, magsisitanggap kayo ng 1di-kumukupas na putong ng kaluwalhatian.
VI. Ang Makapangyarihang Kamay ng Diyos at ang Gol Nito
5:5-11
A. Magpakumbaba sa ilalim ng Makapangyarihang Kamay ng Diyos
bb. 5-9
5 Gayundin naman, kayong mga kabataan ay magpasakop sa 1matatanda, at kayong lahat ay 2magbigkis ng 3kapakumbabaan sa pakikitungo sa isa’t isa; sapagka’t 4sinasalansang ng Diyos ang mga palalo, subali’t binibigyan Niya ng 6biyaya ang mga 7mapagpakumbaba.
6 Kaya’t kayo ay mag 1pakumbaba sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos, upang kayo ay Kanyang 2itaas sa takdang panahon,
7 Na inyong 1ilagak sa Kanya ang 2lahat ng inyong 3kabalisahan, sapagka’t 4Siya ay nagmamalasakit sa inyo.
8 Kayo ay maging 1mahinahon; 2magbantay kayo. Ang inyong 3katunggali, ang 4Diyablo, na gaya ng leong 5umuungal ay 6gumagala, na 7naghahanap ng masisila niya;
9 Na siya ay 1labanan ninyong matatag sa inyong 2pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayunding 3pagdurusa ay nagaganap sa inyong 4mga kapatid na nasa sanlibutan.
B. Pinasakdal at Pinatatag ng Diyos ng Buong Biyaya
bb. 10-11
10 1Datapuwa’ t ang Diyos ng 2buong biyaya, na sa inyo ay tumawag 3tungo sa Kanyang walang hanggang kaluwalhatian 4kay Kristo, pagkatapos na kayo ay makapagbatá nang sandaling panahon, ang 5Siya Mismong 6magpapasakdal, 7magpapatibay, 8magpapalakas at 9magtatatag-ng-saligan sa inyo.
11 Suma Kanya nawa ang 1kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailanman. Amen.
VII. Konklusyon
5:12-14
A. Patotoo ng Tunay na Biyaya ng Diyos
b. 12
12 Sa pamamagitan ni Silvano, ang tapat na kapatid, ayon sa aking palagay sa kanya, ay sinulatan ko kayo nang maikli, na aking ipinamamanhik at lubos na 1sinasaksihan na ito ang 2tunay na biyaya ng Diyos; na magsitibay kayo rito.
B. Mga Pagbati
bb. 13-14
13 Binabati kayo ng mga 1kasamang-hinirang na nasa 2Babilonia at ni 3Marcos na aking anak.
14 Magbatian kayo ng halik ng pag-ibig. 1Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na 2nasa loob ni Kristo.