1 Pedro
KAPITULO 4
C. Sinasandatahan ang Kanilang mga Sarili ng Kaisipan ni Kristo para sa Pagbabatá
4:1-6
1 Kung paano ngang si Kristo ay anagbatá 1sa laman, ay 2sandatahan din naman ninyo ang inyong mga sarili ng 3gayunding kaisipan, sapagka’t siya na 4nagbatá sa laman ay tumigil na mula sa 5kasalanan,
2 1Upang huwag na kayong mamuhay sa mga pita ng mga tao sa inyong nalalabing panahon sa laman, kundi sa kalooban ng Diyos.
3 Sapagka’t na ang nakaraang panahon upang gawin ang 1hangad ng mga Hentil, na lumakad sa 2kahalayan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga pag-iinuman, at sa mga 3labag sa batas na pagsamba sa mga diyus-diyusan,
4 1Ikinatataka nila ang bagay na ito na kayo ay hindi 2nakikitakbong kasama nila sa gayong 3pagpapakalabis ng kaguluhan, kung kaya’t kayo ay 4pinagsasalitaan ng masama;
5 1Na sila ay 2magbibigay-sulit sa Kanya na handang 3humatol sa mga buháy at sa mga patay.
6 Sapagka’t dahil dito ay ipinahayag din noon ang ebanghelyo sa mga 1patay, upang sila ay 2mahatulan ayon sa mga tao sa laman, datapuwa’t mangabuhay sa 3espiritu ayon sa Diyos.
D. Naglilingkod bilang Mabubuting Katiwala ng Iba’t Ibang Biyaya ng Diyos
4:7-11
7 Nguni’t ang 1wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na; kayo nga ay 2magpakahinahon sa kaisipan at 3magpakahinahon sa mga panalangin,
8 Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pag-iibigan, sapagka’t ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.
9 Na mangagpatuluyan kayo sa isa’t isa nang walang bulung-bulungan,
10 Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa’t isa, ay ipaglingkod sa inyu-inyo rin na gaya ng mabubuting katiwala ng 1iba’t ibang biyaya ng Diyos.
11 Na kung ang sinuman ay nagsasalita, gaya ng sa mga 1orakulo ng Diyos; kung ang sinuman ay naglilingkod, gaya ng sa kalakasang 2itinutustos ng Diyos; upang ang Diyos ay maluwalhati sa lahat ng bagay 3sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, na sa 4Kanya ang 5kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailanman. Amen.
E. Nagagalak dahil sa Pakikibahagi sa mga Pagdurusa ni Kristo
4:12-19
12 Mga minamahal, huwag kayong 1magtaka tungkol sa 2tila apoy na mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo ay 3subukin, na waring ang nangyayari sa inyo ay 1kataka-takang bagay;
13 Bagkus kayo ay magalak, sapagka’t nakikibahagi kayo sa mga pagdurusa ni Kristo, upang sa paghahayag ng Kanyang kaluwalhatian kayo naman ay magalak nang labis na galak.
14 1Kung kayo ay inalipusta dahil sa 2pangalan ni Kristo, kayo ay pinagpala, sapagka’t 3ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay 4nagpapahingalay sa ibabaw ninyo.
15 Huwag mangyari na ang sinuman sa inyo ay magdusa ng gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng 1mapanghimasok sa mga bagay ng iba;
16 Nguni’t kung ang isang tao ay magbatá bilang isang 1Kristiyano, huwag siyang mahiya; kundi 2luwalhatiin niya ang Diyos sa pangalang ito.
17 Sapagka’t dumating na ang panahon para sa 1paghuhukom na magsimula sa 2bahay ng Diyos; at kung sa atin, 3ano kaya ang wakas ng mga 4hindi nagsisitalima sa ebanghelyo ng Diyos?
18 At kung 1ang matuwid ay 2makaliligtas nang may kahirapan, 3saan kaya magsisiharap ang di-makadiyos at ang makasalanan?
19 Kaya’t ang 1nangagbabatá naman ayon sa 2kalooban ng Diyos ay 3ipagkatiwala ang kanilang mga 4kaluluwa sa 5paggawa ng mabuti sa tapat na 6Lumalang.