1 Pedro
KAPITULO 3
5. Sa Buhay-may-asawa
3:1-7
1 1Gayundin naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sari-sariling asawa, upang kahit na may sinuman sa kanilang hindi tumalima sa 2salita ay matamo nang walang 2salita sa pamamagitan ng ugali ng kani-kaniyang asawang babae,
2 Sa pagkamasid nila sa inyong ugaling 1dalisay 2na 3may pagkatakot;
3 Na ang inyong paggayak ay huwag maging ang panlabas na 1paghihiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit,
4 Kundi ang 1natatagong tao ng pusong may gayak na walang kasiraan ng espiritung maamo at tahimik, na may malaking halaga sa paningin ng Diyos.
5 Sapagka’t noong unang panahon ay ganito ring nagsigayak ang mga babaeng banal, na nagsi-asa sa Diyos, nagpasakop sa kani-kanilang asawa,
6 Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na tinawag niyang panginoon; na kayo ang mga anak niya ngayon kung nagsisigawa kayo ng mabuti at hindi kayo natatakot sa anumang 1kasindakan.
7 Gayundin naman kayong mga asawang lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyu-inyong asawa 1ayon sa pagkakilala, na 2pakundanganan ang babae, na gaya ng 3higit na mahinang 4sisidlan, yamang kayo rin ay kasamang tagapagmana ng 5biyaya ng buhay, upang ang inyong mga pananalangin ay huwag mahadlangan.
6. Sa Pangkalahatang Buhay
3:8-13
8 Sa katapus-tapusan, kayong lahat ay magkaisang kaisipan, maging madamayin, nagmamahal sa mga kapatid, maging mahabagin, magkaroon ng kaisipan;
9 Na huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng alipusta ang pang-aalipusta, kundi ng 1pagpapala, sapagka’t 2dahil dito kayo ay tinawag upang kayo ay magmana ng pagpapala.
10 Sapagka’t ang magnais na umibig sa buhay at makakita ng 1mabubuting araw, ay magpigil ng kanyang dila sa masama at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita nang may daya.
11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; hanapin ang kapayapaan at magsikap na matamo ito;
12 Sapagka’t ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, at ang Kanyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing, subali’t ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.
13 At sino ang mamiminsala sa inyo kung kayo ay maging mapagmalasakit sa mabuti?
B. Dahil sa Kalooban ng Diyos, Nagbatá para sa Katuwiran gaya ng Ginawa ni Kristo
3:14-22
14 Datapuwa’t kung magbatá kayo nang dahil sa katuwiran ay pinagpala kayo; at huwag kayong matakot sa kanilang panakot, ni huwag kayong ,
15 Kundi inyong 1ariing-banal si Kristo bilang Panginoon sa inyong mga puso, na lagi kayong handa sa pagsagot sa bawa’t tao na humihingi sa inyo ng 2paliwanag tungkol sa 3pag-asang nasa inyo, nguni’t sa kaamuan at 4pagkatakot;
16 Na taglay ang mabuting 1budhi, upang sa mga bagay na salitain laban sa inyo bilang manggagawa ng kasamaan, ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay sa loob ni 2Kristo ay mangapahiya.
17 Sapagka’t lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng Diyos, na kayo ay magbatá dahil sa paggawa ng mabuti kaysa sa paggawa ng masama.
18 Sapagka’t si Kristo man ay namatay ring minsan dahil sa mga 1kasalanan, ang matuwid 2para sa mga di-matuwid, upang tayo ay madala Niya sa Diyos, Siyang pinatay sa laman, nguni’t binuhay sa 3espiritu;
19 Na sa 1espiritu ring iyan Siya ay pumunta sa mga 2espiritung nasa 3bilangguan, Siya ay 4nagproklama,
20 Sa mga noong unang panahon ay mga 1suwail, nang ang pagpapahinuhod ng Diyos ay nanatili noong mga araw ni aNoe, habang inihahanda ang arka, na sa loob nito ay kakaunti, yaon ay, walong kaluluwa, ang 2nangaligtas 3sa pamamagitan ng tubig:
21 1Na sagisag ng bautismo na ngayon ay nagligtas sa inyo, 2hindi sa pag-aalis ng karumihan ng laman, kundi sa 3paghiling ng isang mabuting budhi sa Diyos, sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ni Hesu-Kristo,
22 1Na nasa kanan ng Diyos, pagkaakyat Niya sa , ang mga at ang mga awtoridad at ang mga kapangyarihan ay ipinasakop sa Kanya.