1 Pedro
KAPITULO 2
III. Ang Paglago sa Buhay at ang mga Resulta Nito
2:1-10
A. Lumalago sa pamamagitan ng Pagkain
ng Gatas ng Salita tungo sa Lubos na Kaligtasan
bb. 1-3
1 1Kaya’ t sa pag-aalis ng lahat ng 2kasamaan at lahat ng pandaraya at pagpapaimbabaw at mga pananaghili at lahat ng paninirang-puri,
2 Gaya ng mga 1bagong silang na sanggol, nasain ninyo ang 2walang dayang gatas 3ng salita, upang sa pamamagitan nito ay 4magsilago kayo 5sa ikaliligtas,
B. Natransporma tungo sa Ikatatayo ng isang Espirituwal na Bahay para sa Pananahanan ng Diyos, isang Banal na Pagkasaserdote para sa Paglilingkod sa Diyos
(bb. 4-8)
4 Na kayo ay magsilapit sa Kanya, na isang 1Batong buháy, na itinakwil na ng mga tao, datapuwa’t sa Diyos ay hirang, 2minahalaga,
5 Kayo rin naman, na gaya ng mga 1batong buháy, ay 2itinatayong isang 3espirituwal na 4bahay, upang maging isang 5banal na 6pagkasaserdote, na sa pamamagitan ni Hesu-Kristo ay maghandog ng mga 7espirituwal na hain na katanggap-tanggap sa Diyos;
6 Sapagka’t ito ang nilalaman ng Kasulatan: Narito, Aking inilalagay sa Sion ang 1isang Batong hirang, isang 2panulok na Batong 3minahalaga, at ang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapapahiya.
7 Sa inyo ngang mga nananampalataya, Siya ay 1mahalaga; datapuwa’t sa mga hindi nananampalataya, Isang Batong itinakwil ng mga 2tagapagtayo, Ito ay 3naging pangulo ng panulok;
8 At, Isang Batong 1katitisuran at Batong pambuwal; sila ay natitisod sa 2salita, palibhasa ay mga suwail, na 3dito rin naman sila itinalaga.
C. Ipahayag ang mga Kagalingan ng Tumatawag na Isa
bb. 9-10
9 Datapuwa’t kayo ay isang 1lahing hirang, isang 2maharlikang pagkasaserdote, isang bansang 3banal, isang 4bayang pag-aaring sarili ng Diyos, upang inyong 5ipahayag ang mga 6kagalingan Niyaong tumawag sa inyo mula sa 7kadiliman tungo sa Kanyang kagila-gilalas na 7liwanag;
10 1Na dati-rati ay hindi isang bayan, datapuwa’t ngayon ay bayan ng Diyos; na noon ay hindi nagsipagtamo ng awa, datapuwa’t ngayon ay nagsipagtamo ng awa.
IV. Ang Buhay-Kristiyano at ang mga Pagbabatá Nito
2:11-4:19
A. Isang Buhay na nasa Magaling na Gawi sa Pakikitungo sa Lahat ng Tao sa Lahat ng Panig
2:11-3:13
1. Bilang mga Nakikipamayan sa gitna ng mga Hentil
2:11-12
11 Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga manlalakbay at nakikipamayan na magsipagpigil kayo sa 1masasamang pita ng laman, na nakikipaglaban sa 1kaluluwa,
12 Na kayo ay magkaroon ng 1gawi ng buhay na 2magaling sa gitna ng mga Hentil, upang, sa mga bagay na sinasalita nila laban sa inyong tulad sa nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita, ay luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng 3pagdalaw.
2. Pakikitungo sa Pantaong Institusyon
2:13-17
13 1Kayo ay pasakop sa bawa’t pantaong 2institusyon 3alang-alang sa Panginoon, maging sa hari na kataas-taasan,
14 O sa mga gobernador na isinugo niya para sa paghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti;
15 Sapagka’t siyang kalooban ng Diyos, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga 1taong hangal;
16 Na gaya ng mga laya, at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi gaya ng mga alipin ng Diyos.
17 Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang 1pagkakapatiran. Matakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari.
3. Ang Pakikitungo ng mga Alipin sa mga Panginoon
2:18-20
18 Mga alila, kayo ay magsipasakop na may buong 1pagkatakot sa inyong mga panginoon, hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, bagkus din naman sa mga baluktot.
19 Sapagka’t ito ay 1biyaya, kung dahil sa 2budhing ukol sa Diyos ay magtiis ang sinuman ng mga kalumbayan, na magbatá nang 3di-matuwid.
20 Sapagka’t anong kapurihan nga, kung kayo ay nagkakasala at kayo ay tinatampal, ay inyong tanggapin na may pagtitiis? Nguni’t kung kayo ay gumagawa ng mabuti at kayo ay nagbabatá, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito ay biyaya sa Diyos.
4. Ang Halimbawa ni Kristo
2:21-25
21 Sapagka’t sa 1ganitong bagay kayo ay tinawag, sapagka’t si Kristo man ay nagbatá dahil sa inyo, na kayo ay iniwanan ng 2halimbawa upang kayo ay magsisunod sa mga hakbang Niya;
22 Na Siya ay hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang Kanyang bibig;
23 Na, nang Siya ay alipustain, ay hindi gumanti ng pag-alipusta; nang Siya ay nagdusa, ay hindi nagbanta, kundi patuloy na ipinagkakatiwala ang 1lahat sa Kanya na 2humahatol nang matuwid;
24 Na Siya Mismo ang 1nagdala ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa 2kahoy, upang 3pagkamatay natin sa mga kasalanan ay 4mabuhay tayo sa 5katuwiran; na dahil sa Kanyang mga 6sugat ay 7nagsigaling kayo.
25 Sapagka’t kayo ay gaya ng mga tupang naliligaw, datapuwa’t ngayon ay 1nagsibalik na sa 2Pastol at 3Episkopo ng inyong mga 4kaluluwa.