1 Pedro
KAPITULO 1
I. Pambungad-sa mga Nakikipamayang Mananampalatayang nasa ilalim ng Paggawa ng Tres-unong Diyos
1:1-2
1 Si 1Pedro, na 2apostol ni Hesu-Kristo, sa mga 3hinirang na 4nakikipamayang nasa 5pangangalat sa 6Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia,
2 1Ayon sa 2paunang-kaalaman ng Diyos Ama, sa 3pagpapabanal ng Espiritu, 4tungo sa 5pagtalima kay Hesu-Kristo at 6pagwiwisik ng dugo Niya: 7Biyaya at 8kapayapaan nawa ang sa inyo ay 9maparami.
II. Ang Ganap na Pagliligtas ng Tres-unong Diyos at ang mga Kinalabasan Nito
1:3-25
A. Ang Pagsisilang na muli ng Ama tungo sa isang Buháy na Pag-asa, isang Mana na Inilaan sa mga Kalangitan at Handang Maihayag sa Huling Panahon
bb. 3-9
3 1Pagpalain nawa ang 2Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na ayon sa Kanyang malaking 3awa ay 4nagsilang na muli sa atin 5tungo sa isang 6buháy na pag-asa 7sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ni Hesu-Kristo mula sa mga patay,
4 1Tungo sa isang 2manang 3di-nasisira at walang dungis at di-kumukupas, na 4inilaan sa mga kalangitan para sa inyo,
5 Na 1iniingatan 2ng kapangyarihan ng Diyos 3sa pamamagitan ng pananampalataya 4tungo sa 5kaligtasan na nakahandang ihayag sa 6huling panahon;
6 Kung 1saan nagagalak kayo nang labis, bagama’t sa sandaling panahon sa ngayon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo ng iba’t ibang 2pagsubok,
7 Upang ang 1pagsubok sa inyong pananampalataya, na 2lalong 3mahalaga kaysa sa gintong nasisira at nasusubok ng apoy, ay masumpungan 4sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa 5paghahayag kay Hesu-Kristo;
8 Na hindi ninyo nakikita ay inyong 1iniibig; na bagama’t ngayon ay hindi ninyo Siya nakikita, gayunman ay inyong 2sinasampalatayanan, at kayo ay nagagalak nang labis na may di-masambit at 3puspos ng niluwalhating kagalakan,
9 1Na inyong tinatamo ang resulta ng inyong pananampalataya, ang apagkaligtas ng inyong mga 2bkaluluwa;
B. Ang Paggamit ng Espiritu -sa pamamagitan ng Pagpopropesiya ng mga Propeta at Pagpapahayag ng mga Apostol
bb. 10-12
10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay naghanap at nagsiyasat nang masusi ang mga 1propeta, na nagsipagpropesiya tungkol sa 2biyayang darating sa inyo,
11 Na 1nagsisiyasat kung 2kailan at anong uring panahon ginawang malinaw ng Espiritu 3ni Kristo na sumasa kanila, nang patotohanan noong una pa ang mga 4pagbabatá 5ni Kristo at ang mga 6kaluwalhatian pagkatapos ng mga ito;
12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, inihahain nila ang mga 1bagay na ito, na ngayon ay ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga 2nagsipahayag sa inyo ng ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na isinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito ay ninanasang 3mamasdan ng mga anghel.
C. Ang Pagtutubos ni Kristo-batay sa Pagsilang na muli na Sinanhi ng Walang Kasiraang Binhi,sa pamamagitan ng Buháy na Salita ng Diyos upang Makapamuhay Tayo ng may Kabanalan, sa pamamagitan ng Banal na Kalikasan at sa pamamagitan ng Pagmamahalan ng mga Kapatiran na Pinangyari ng Paglilinis ng Nagpapabanal na Katotohanan
bb. 13-25
13 1Kaya’t inyong abigkisan ang mga baywang ng inyong kaisipan, na maging 2bmahinahon kayo, at inyong ilagak nang lubusan ang inyong 3pag-asa sa 4cbiyayang dadalhin sa inyo sa dpaghahayag kay Hesu-Kristo.
14 Bilang mga anak ng pagtalima, huwag kayong 1mapawangis sa inyong dating masasamang pita nang kayo ay nasa kawalang-kaalaman;
15 Nguni’t ayon sa 1Banal na Isa na sa inyo ay tumawag, 2magpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay;
16 Sapagka’t nasusulat, Kayo ay magpakabanal sapagka’t Ako ay banal.
17 At kung inyong tinatawag na 1Ama ang Siyang walang itinatanging tao, na 2humahatol ayon sa 3gawa ng bawa’t isa, ay gugulin ninyo ang panahon ng inyong paglalakbay sa 4pagkatakot,
18 Na inyong nalalamang kayo ay tinubos hindi ng mga bagay na nasisira, ng 1pilak o ginto, mula sa inyong 2walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang,
19 Kundi ng 1mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, yaon ay, ang dugo ni Kristo;
20 Na 1nakilala na noong-una pa bago pa man itinatag ang sanlibutan, nguni’t inihayag sa mga 2huling panahon dahil sa inyo,
21 Na 1sa pamamagitan Niya ay nanampalataya kayo sa Diyos, na sa Kanya ay nagbangon mula sa mga patay at sa Kanya ay 2nagbigay ng kaluwalhatian, upang ang inyong 3pananampalataya at pag-asa ay mapasa Diyos.
22 Yamang 1nilinis ninyo ang inyong mga 2kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagtalima sa 3katotohanan 4tungo sa 5pag-ibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay magmahalan kayo nang buong ningas mula sa inyong puso sa isa’t isa,
23 1Yamang aisinilang na muli kayo, hindi sa 2bbinhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng cbuháy at namamalaging salita ng Diyos.
24 Sapagka’t ang lahat ng 1laman ay gaya ng damo, at ang lahat ng kaluwalhatian nito ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta,
25 Datapuwa’t ang 1salita ng 2Panginoon ay namamalagi magpakailanman. At ito ang salitang ipinahayag sa inyo bilang 3ebanghelyo.