1 Juan
KAPITULO 5
1 Ang sinumang 1nananampalataya na si Hesus ay ang Kristo ay ipinanganak ng Diyos, at ang bawa’t umiibig sa Nanganak ay umiibig din sa ipinanganak Niyaon.
2 Dito ay ating nalalaman na tayo ay nagsisiibig sa mga anak ng Diyos, kapag 1iniibig natin ang Diyos at 2ginagawa ang Kanyang mga utos.
3 Sapagka’t ito ang 1pag-ibig sa Diyos, na ating 2tinutupad ang Kanyang mga utos; at ang Kanyang mga utos ay hindi 3mabibigat,
C. Ang Daigin ang Sanlibutan, Kamatayan, Kasalanan,
ang Diyablo, at ang mga Diyus-diyusan
5:4-21
1. Sa pamamagitan ng Buhay na Walang Hanggan
na nasa Anak
bb. 4-13
4 Sapagka’t ang 1bawa’t bagay na 2ipinanganak ng Diyos ay 3dumaraig sa 4sanlibutan; at ito ang tagumpay na dumaig sa sanlibutan-ang ating 5pananampalataya.
5 At sino ang dumaraig sa sanlibutan, kundi siya na 1nananampalatayang si Hesus ay ang Anak ng Diyos?
6 Ito ay 1Siya na naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo2, si Hesu-Kristo; hindi 3sa tubig lamang, bagkus 3sa tubig at 3sa dugo; at ang Espiritu ay Siyang 4nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay ang 5katotohanan.
7 Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo,
8 Ang Espiritu at ang tubig at ang dugo, at ang tatlo ay 1para sa isa.
9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang 1patotoo ng Diyos; sapagka’t ito ang patotoo ng Diyos na Kanyang ipinatotoo tungkol sa Kanyang Anak.
10 Ang 1nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili. Ang hindi nananampalataya sa Diyos ay ginagawang isang sinungaling ang Diyos, sapagka’t siya ay hindi sumasampalataya sa patotoong ipinatotoo ng Diyos tungkol sa Kanyang Anak.
11 At ito ang patotoo, na tayo ay 1binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kanyang Anak.
12 Siya na 1may Anak ay may buhay; siya na walang Anak ng Diyos ay walang buhay.
13 Ang 1mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo upang inyong malamang kayo ay may buhay na walang hanggan, sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.
2. Sa pamamagitan ng Panalangin
na Nagbibigay-buhay sa Tao
bb. 14-17
14 At 1ito ang 2lakas ng loob na nasa atin tungo sa Kanya, na kung tayo ay 3humihingi ng anumang bagay na ayon sa Kanyang kalooban, tayo ay dinidinig Niya.
15 At kung ating 1nalalaman na tayo ay dinirinig Niya sa anumang ating 2hingin, ating nalalaman na nasa atin ang mga kahilingang ating hinihingi sa Kanya.
16 Kung makita ninuman na ang kanyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi 1ikamamatay, siya ay 2mananalangin at kanyang 3bibigyan siya ng 4buhay, sa mga yaong nagkakasala ng hindi ikamamatay. May 5kasalanang ikamamatay; hindi ko sinasabi na idalangin niya ang tungkol dito.
17 Lahat ng 1kalikuan ay kasalanan, at may kasalanang hindi ikamamatay.
3. Sa pamamagitan ng Tunay na Diyos
bilang ang Buhay na Walang Hanggan
bb. 18- 21
18 Nalalaman natin na ang sinumang 1ipinanganak ng Diyos ay hindi nagkakasala, datapuwa’t 2siya na ipinanganak ng Diyos ay 3nag-iingat sa kanyang sarili, at hindi siya 4hinihipo ng 5masamang isa.
19 Nalalaman natin na tayo ay 1sa Diyos, at ang 2buong sanlibutan ay 3nakahilig sa 4masamang isa.
20 At nalalaman natin na 1naparito ang Anak ng Diyos, at tayo ay binigyan ng 2pang-unawa upang ating 3makilala 4Siya na 5tunay; at tayo ay 6nasa loob Niya na tunay, 7sa loob ng Kanyang Anak na si Hesu-Kristo. 8Ito ang tunay na Diyos at ang buhay na walang hanggan.
21 1Mumunting anak, 2mangag-ingat kayo sa mga 3diyus-diyusan.