1 Juan
KAPITULO 4
2. Sa pamamagitan ng Pagsubok sa mga Espiritu
4:1-6
1 Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang 1bawa’t espiritu, kundi inyong 2subukin 1ang mga espiritu kung sila ba ay sa Diyos, sapagka’t maraming 3bulaang propeta ang nagsilabas na tungo sa sanlibutan.
2 Dito ay nakikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos: ang bawa’t 1espiritung nagpapahayag na si Hesu-Kristo ay naparitong 2nasa laman ay mula sa Diyos,
3 At ang bawa’t 1espiritung hindi nagpapahayag kay Hesus, ay hindi mula sa Diyos; at ito ay ang espiritu ng 2antikristo, na inyong narinig na darating, at ngayon ay nasa sanlibutan na.
4 Kayo ay 1mula sa Diyos, 2mumunting anak, at inyong dinaig 3sila, sapagka’t lalong dakila 4Siyang nasa inyo kaysa 5siyang nasa sanlibutan.
5 Sila ay 1mula sa sanlibutan; kaya’t sila ay 1nagsasalita mula sa sanlibutan, at ang sanlibutan ay nakikinig sa kanila.
6 Tayo ay 1mula sa Diyos: ang nakakikilala sa Diyos ay nakikinig sa atin; ang 2hindi mula sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. 3Mula rito ay ating nakikilala ang 4Espiritu ng 5katotohanan at ang 4espiritu ng panlilinlang.
3. Sa pamamagitan ng Diyos (bilang ang Pinakamataas na Pag-ibig) at ng Masaganang Espiritu
4:7-5:3
7 Mga minamahal, 1mangag-ibigan tayo sa isa’t isa, sapagka’t ang 2pag-ibig ay mula sa Diyos, at ang bawa’t 3umiibig ay 4ipinanganak ng Diyos at 5nakakikilala sa Diyos.
8 Ang hindi umiibig ay 1hindi nakakikilala sa Diyos, sapagka’t ang Diyos ay 2pag-ibig.
9 Dito nahayag ang pag-ibig ng Diyos 1sa atin, na isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak, ang tanging bugtong na Anak sa 2sanlibutan upang tayo ay 3mabuhay sa pamamagitan Niya.
10 1Narito ang pag-ibig, hindi sa tayo ay umibig sa Diyos, kundi Siya ang umibig sa atin, at nagsugo ng Kanyang Anak na 2pampalubag-loob hinggil sa ating mga kasalanan.
11 Mga minamahal, kung tayo ay inibig nang gayon ng Diyos, nararapat naman na 1mangag-ibigan tayo sa isa’t isa.
12 Kailanman ay walang sinumang 1nakakita sa Diyos; kung tayo ay 2nangag-iibigan sa isa’t isa, ang Diyos ay nananahan sa atin, at ang 3Kanyang pag-ibig ay 4napasasakdal sa atin.
13 Sa 1ganito ay nalalaman natin na tayo ay 2nananahan sa Kanya at Siya sa atin, na binigyan Niya tayo 3ng Kanyang Espiritu.
14 At ating nakita at pinatototohanang 1isinugo ng Ama ang Anak bilang Tagapagligtas ng 2sanlibutan.
15 Ang sinumang 1nagpapahayag na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananahan sa kanya, at siya sa Diyos.
16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang 1pag-ibig ng Diyos 2sa atin. Ang Diyos ay 3pag-ibig, at ang 4nananahan sa pag-ibig ay 5nananahan sa Diyos, at ang 6Diyos ay nananahan sa kanya.
17 1Dito ay 2naging sakdal ang pag-ibig sa atin, upang tayo ay magkaroon ng 3lakas ng loob sa araw ng 4paghahatol, sapagka’t kung ano ang 5Isang yaon ay gayundin naman tayo sa sanlibutang ito.
18 1Walang takot sa loob ng pag-ibig, kundi ang 2sakdal na pag-ibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka’t ang takot ay may kaparusahan, at ang natatakot ay 3hindi pa napasakdal sa pag-ibig.
19 Tayo ay umiibig, sapagka’t Siya ang 1unang umibig sa atin.
20 Kung sinasabi ng sinuman, Ako ay umiibig sa Diyos, at 1napopoot sa kanyang kapatid, siya ay isang sinungaling; sapagka’t ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi makaiibig sa Diyos na hindi niya nakikita.
21 At ang utos na ito na mula sa Kanya ay nasa atin, na ang umiibig sa Diyos ay dapat umibig din sa kanyang kapatid.