1 Juan
KAPITULO 3
1 1Masdan ninyo kung anong 2pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng 3Ama, upang tayo ay matawag na mga 4anak ng Diyos; at tayo ay gayon nga. 5Dahil dito, hindi tayo 6nakikilala ng sanlibutan, 7sapagka’t Siya ay hindi nakilala nito.
2 Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Diyos, at 1hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. 2Nalalaman nating kung 3Siya ay mahayag, tayo ay magiging katulad Niya, sapagka’t Siya ay ating 4makikitang gaya ng 3Kanyang Sarili.
3 At ang sinumang mayroon ng 1pag-asang ito sa Kanya ay 2nagpapadalisay ng kanyang sarili, gaya naman ng yaong Isa na dalisay.
4 Ang sinumang 1gumagawa ng kasalanan ay gumagawa rin naman ng 2paglabag-sa-kautusan at ang kasalanan ay paglabag-sa-kautusan.
5 At nalalaman ninyo na ang Isang yaon ay nahayag upang 1mag-alis ng mga kasalanan; at sa 2Kanya ay walang kasalanan.
6 Ang sinumang 1nananahan sa Kanya ay 2hindi nagkakasala; ang sinumang 3nagkakasala ay 4hindi nakakita sa Kanya ni nakakilala sa Kanya.
7 1Mumunting mga anak, huwag kayong padaya kaninuman; ang 2gumagawa ng katuwiran ay 3matuwid, gaya naman ng yaong Isa na matuwid;
8 Ang 1gumagawa ng kasalanan ay sa 2Diyablo, sapagka’t 3buhat pa nang pasimula ay 1nagkakasala na ang Diyablo. 4Para rito ay nahayag ang Anak ng Diyos, upang 5wasakin ang mga gawa ng Diyablo.
9 Ang sinumang 1ipinanganak ng Diyos ay 2hindi gumagawa ng kasalanan, sapagka’t ang Kanyang 3binhi ay nananahan sa kanya, at siya ay 4hindi maaaring magkasala, sapagka’t siya ay ipinanganak ng Diyos.
10 1Dito nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng Diyablo;
B. Ang Isagawa ang Dibinong Pag-ibig
3:10b-5:3
1. Sa pamamagitan ng Dibinong Buhay (bilang Dibinong Binhi) at ng Dibinong Espiritu
3:10b-24
ang sinumang hindi cgumagawa ng katuwiran ay hindi mula sa Diyos, at gayundin ang dhindi umiibig sa 2kanyang kapatid.
11 Sapagka’t ito ang 1mensaheng inyong narinig 2buhat nang pasimula, na 3mangag-ibigan tayo sa isa’t isa;
12 Hindi gaya ni Cain, na siya ay 1sa 2masamang isa at pinatay ang kanyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka’t ang kanyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kanyang kapatid ay matutuwid.
13 Huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung kayo ay kinapopootan ng 1sanlibutan.
14 Nalalaman nating tayo ay lumabas na sa 1kamatayan tungo sa buhay, sapagka’t tayo ay umiibig sa mga kapatid. Ang 2hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan.
15 Ang sinumang 1napopoot sa kanyang kapatid ay 2mamamatay-tao, at nalalaman ninyong walang mamamatay-tao ang pinananahanan ng buhay na walang hanggan.
16 Dito ay nakikilala natin ang pag-ibig, na ibinigay ng Isang yaon ang Kanyang 1buhay dahil sa atin, at nararapat nating ibigay ang ating 2mga buhay dahil sa mga kapatid.
17 Datapuwa’t ang sinumang may kabuhayan ng sanlibutan at nakikita ang kanyang kapatid na nangangailangan at doon ay ipagkait ang kanyang 1awa, paanong mananahan ang 2pag-ibig ng Diyos sa kanya?
18 1Mumunting mga anak, huwag tayong mangag-ibigan sa salita ni sa dila man, kundi sa 2gawa at 3katotohanan.
19 Dito ay makikilala nating tayo ay sa 1katotohanan, at 2papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan Niya,
20 Sapagka’t kung sinisisi tayo ng ating 1puso, ang Diyos ay lalong dakila kaysa ating puso, at nalalaman Niya ang lahat ng bagay.
21 Mga minamahal, kung tayo ay hindi sinisisi ng ating puso, tayo ay may 1lakas ng loob sa Diyos,
22 At 1anumang ating hingin ay tinatanggap natin mula sa Kanya, sapagka’t 2tinutupad natin ang Kanyang mga utos at 3ginagawa natin ang mga bagay na kalugud-lugod sa Kanyang paningin.
23 At ito ang Kanyang 1utos, na manampalataya tayo sa pangalan ng Kanyang Anak na si Hesu-Kristo at tayo ay mangag-ibigan, ayon sa ibinigay Niyang utos sa atin.
24 At ang tumutupad ng Kanyang mga utos ay 1nananahan sa Kanya, at 2Siya sa loob niya. At dito ay nalalaman natin na Siya ay nananahan sa atin, 3sa pamamagitan ng 4Espiritung Kanyang ibinigay sa atin.