1 Juan
KAPITULO 2
1 1Mumunti kong mga anak, ang 2mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo ay 3huwag magkasala. At kung ang sinuman ay 4magkasala, mayroon tayong isang 5Tagapagtanggol 6sa 7Ama, si Hesu-Kristo na 8Matuwid;
2 At Siya ang 1pampalubag-loob na handog hinggil sa ating mga kasalanan, at hindi lamang sa ating mga kasalanan, bagkus maging ng 2buong sanlibutan din.
2. Ang Pag-ibig sa Diyos at sa mga Kapatid
2:3-11
3 1At sa ganito ay 2nalalaman natin na Siya ay ating 3nakikilala, kung tinutupad natin ang Kanyang mga 4utos.
4 Siya na nagsasabing, Nakikilala ko Siya, at hindi tumutupad ng Kanyang mga utos, ay 1sinungaling, at ang 2katotohanan ay wala sa isang ito;
5 Datapuwa’t ang sinumang tumutupad ng Kanyang 1salita, tunay na sa isang ito ay 2napasakdal na ang 3pag-ibig ng Diyos. Sa ganito ay nalalaman nating 4nasa Kanya tayo.
6 Ang nagsasabing siya ay 1nananahan sa Kanya ay nararapat din namang na gaya ng paglakad ng Isang yaon.
7 Mga minamahal, hindi ako sumusulat sa inyo ng isang bagong utos, kundi ng 1dating utos, na taglay ninyo 2buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.
8 Muli, isang 1bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, 2na tunay sa Kanya at sa inyo, sapagka’t ang 3kadiliman ay lumilipas, at ang tunay na liwanag ay lumiliwanag na.
9 Ang nagsasabing siya ay nasa 1liwanag at napopoot sa kanyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon.
10 Ang umiibig sa kanyang kapatid ay 1nananahan sa 2liwanag, at sa kanya ay walang anumang kadahilanan ng ikatitisod.
11 Subali’t ang 1napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya 2paroroon, sapagka’t 3binulag ng kadiliman ang kanyang mga mata.
II. Ang Pagtuturo ng Dibinong Pagpapahid
2:12-27
A. Hinggil sa Dibinong Trinidad ayon sa Paglago sa Buhay
bb. 12-19
12 Kayo ay sinusulatan ko, 1mumunti kong mga anak, sapagka’t 2ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa Kanyang pangalan.
13 Kayo ay sinusulatan ko, mga 1ama, sapagka’t inyong 2nakikilala 3Yaong 4buhat pa nang pasimula ay Siya na. Kayo ay sinusulatan ko, mga 5kabataang lalake, sapagka’t inyong 6dinaig ang 7masamang isa. Kayo ay aking 8sinusulatan, mga 9batang anak, sapagka’t inyong nakikilala ang 10Ama.
14 Kayo ay aking 1sinulatan, mga ama, sapagka’t inyong nakikilala Yaong buhat pa nang pasimula ay Siya na. Kayo ay aking sinulatan, mga kabataang lalake, sapagka’t 2kayo ay malalakas, at ang salita ng Diyos ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang 3masamang isa.
15 1Huwag ninyong ibigin ang 2sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang 3pag-ibig ng 4Ama ay wala sa kanya;
16 Sapagka’t ang lahat ng nasa sanlibutan, ang 1masamang pita ng laman, at ang 1masamang pita ng mga mata, at ang 1kapalaluan ng 2buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi mula sa sanlibutan.
17 At ang sanlibutan ay lumilipas, at ang 1masamang pita niyaon, datapuwa’t ang 2gumagawa ng 1kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.
18 Mga 1batang anak, ito ang huling oras, at gaya ng inyong narinig na darating ang 2antikristo, kahit ngayon ay 3marami nang antikristo ang lumitaw; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.
19 Sila ay nagsilabas mula sa atin, subali’t sila ay 1hindi sa atin; sapagka’t kung sila ay sa atin, 2nagsipanatili sana sila sa atin; subali’t nagsilabas sila upang sila ay mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.
B. Para sa Pananahan sa loob ng Tres-unong Diyos
bb. 20-27
20 At kayo ay may 1pagpapahid mula sa Banal na Isa, at 2nalalaman ninyong lahat.
21 Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang 1katotohanan, kundi dahil sa 2nalalaman ninyo ito, sapagka’t alin mang kasinungalingan ay hindi sa 1katotohanan.
22 Sino ang sinungaling kundi ang 1nagtatatwa na si 2Hesus ay Siyang Kristo? Ito ang antikristo, na nagtatatwa sa Ama at sa Anak.
23 Ang sinumang 1nagtatatwa sa Anak ay hindi sumasakanya ang Ama; ang nagpapahayag sa Anak ay sumasakanya rin ang Ama.
24 Tungkol sa inyo, 1yaong inyong narinig 2buhat nang pasimula, hayaan itong manahan sa inyo. Kung manahan sa inyo yaong 2buhat nang pasimula ay inyong narinig, kayo ay 3mananahan kapwa sa Anak at sa Ama.
25 At ito ang pangakong 1Kanyang 2ipinangako sa atin, ang 3buhay na walang hanggan.
26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito 1hinggil sa mga may ibig na 2magligaw sa inyo.
27 At tungkol sa inyo, ang 1pagpapahid na inyong tinanggap mula sa 2Kanya ay 3nananahan sa inyo, at 4hindi ninyo kailangang kayo ay turuan ng sinuman; nguni’t kung paanong kayo ay 5tinuturuan ng 2Kanyang pagpapahid hinggil sa 6lahat ng bagay at siyang 7totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo ay tinuruan nito, ay gayon kayong 8manahan sa 2Kanya.
III. Ang mga Kagalingan ng Dibinong Kapanganakan
2:28-5:21
A. Ang Isagawa ang Dibinong Katuwiran
2:28-3:10a
28 At ngayon, 1mumunti kong mga anak, 2manahan kayo sa Kanya, upang kung 3Siya ay mahayag, ay magkaroon tayo ng lakas ng loob at hindi tayo 4mapahiya at 5mapahiwalay sa Kanya 6sa Kanyang pagparito.
29 Kung 1nalalaman ninyong 2Siya ay 3matuwid, 4nalalaman naman ninyo na ang bawa’t 5gumagawa ng katuwiran ay 6ipinanganak Niya.