1 Juan
KAPITULO 1
I. Ang Salamuha ng Dibinong Buhay
1:1-2:11
A. Ang Pagpapakita ng Dibinong Buhay
1:1-2
1 1Yaong 2buhat nang pasimula, yaong aming narinig, yaong aming nakita ng aming mga mata, yaong aming 3namasdan, at 4nahipo ng aming mga kamay tungkol sa 5Salita ng 6buhay;
2 At ang 1Buhay ay 2nahayag, at aming nakita at pinatototohanan at sa inyo ay aming iniuulat 3ang Buhay na walang hanggan, na 4kasama ng Ama at sa atin ay 6nahayag.
B. Ang Dibinong Salamuha
1:3-4
3 Yaong aming 1nakita at narinig ay iniuulat 2din namin sa inyo, upang kayo 2naman ay magkaroon ng 3salamuha sa amin, at tunay nga na ang pagsasalamuha namin ay sa 4Ama at sa Kanyang Anak na si Hesu-Kristo.
4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat upang ang 1ating 2kagalakan ay malubos.
C. Ang Kondisyon ng Dibinong Salamuha
1:5-2:11
1. Ang Pagpapahayag ng mga Kasalanan
1:5-2:2
5 1At ito ang mensaheng aming narinig mula sa Kanya at sa inyo ay aming ipinahahayag, na ang 2Diyos ay 3liwanag, at sa Kanya ay walang anumang 4kadiliman.
6 Kung sinasabi nating tayo ay 1may pakikipagsalamuha 2sa Kanya at 3nagsisilakad tayo sa kadiliman, tayo ay 4nagsisinungaling at hindi tayo 5nagsisigawa ng 6katotohanan.
7 Nguni’t kung tayo ay 1nagsisilakad sa liwanag, na gaya Niyang 2nasa liwanag, tayo ay 3may pakikisalamuha sa isa’t isa, at ang 4dugo ni 5Hesus na Kanyang Anak ay 6naglilinis sa atin sa lahat ng 7kasalanan.
8 Kung sinasabi nating 1wala tayong kasalanan, 2dinaraya natin ang ating mga sarili, at ang 3katotohanan ay wala sa atin.
9 Kung 1ipahahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay 2tapat at matuwid na Kanya tayong patatawarin sa ating mga kasalanan, at 3lilinisin sa lahat ng 4kalikuan.
10 Kung sinasabi nating 1hindi tayo nagkasala, ginagawa natin Siyang sinungaling, at ang Kanyang 2salita ay wala sa atin.