1 Corinto
KAPITULO 9
B. Ang Pagpapatunay ng Apostol
9:1-27
1. Ang Kanyang mga Kwalipikasyon
bb. 1-3
1 1Hindi ba ako ay 2malaya? Hindi ba ako ay isang 3apostol? Hindi ko ba 4nakita si Hesus na Panginoon natin? Hindi ba kayo ay 5gawa ko sa Panginoon?
2 Kung sa iba ay hindi ako apostol, subali’t sa 1inyo ako ay tiyak na gayon; sapagka’t kayo ang 2tatak ng aking pagka-apostol sa Panginoon.
3 Ito ang aking 1pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin:
2. Ang Kanyang mga Karapatan
bb. 4-15
4 1Wala ba kaming 2karapatang 3magsikain at magsiinom?
5 Wala ba kaming karapatang magsama ng isang asawa na kapatid na babae, maging gaya ng ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas?
6 O ako ba lamang at si Bernabe ang walang karapatang hindi gumawa?
7 Sinong kawal ang magpakailanman ay nakikidigma sa pamamagitan ng kanyang sariling gugol? Sino ang nagtatanim ng isang ubasan at hindi kumakain ng bunga niyaon? O sino ang nagpapastol ng kawan at hindi kumakain ng gatas ng kawan?
8 Ang mga ito ba ay sinasalita ko ayon sa kaugalian lamang ng mga tao? O hindi ba sinasabi rin naman ng kautusan ang mga gayong bagay?
9 Sapagka’t nasusulat sa kautusan ni Moises: Huwag mong lalagyan ng usal ang baka pagka gumigiik. Ang mga baka ba ang pinagmamalasakitan ng Diyos?
10 O tunay kayang sinasabi ito dahil sa atin? Oo, dahil sa atin ito isinulat; sapagka’t ang nagsasaka ay dapat magsaka sa pag-asa, at ang gumigiik ay gumigiik sa pag-asa na makababahagi.
11 Kung naghasik kami sa inyo ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay ba kung anihin namin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?
12 Kung ang iba ay nakikibahagi sa karapatang ito sa inyo, hindi ba lalo pang dapat kami? Gayunman ay hindi namin ginamit ang karapatang ito; kundi aming 1tinitiis ang lahat ng mga bagay, upang hindi kami makasanhi ng anumang hadlang sa ebanghelyo ni Kristo.
13 Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga nagsisipagpagal sa mga bagay na 1banal ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo, at ang mga nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana?
14 Gayundin naman itinalaga ng Panginoon na ang mga nagsisipagpahayag ng ebanghelyo ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng ebanghelyo.
15 Nguni’t ako ay hindi gumamit ng anuman sa mga bagay na ito. At hindi ko isinulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin; sapagka’t mabuti pa sa akin 1ang mamatay, kaysa sa ipawalang-saysay ninuman ang aking pagmamapuri.
3. Ang Kanyang Katapatan
bb. 16-23
16 Sapagka’t kung aking ipinahahayag ang ebanghelyo, wala akong sukat ipagmapuri, sapagka’t ang pangangailangan ay iniatang sa akin; sapagka’t sa aba ko kung hindi ko ipahahayag ang ebanghelyo.
17 Sapagka’t kung ginagawa ko ito nang kusang-loob ay may 1gantimpala ako; nguni’t kung hindi sa aking sariling kalooban, ako ay pinagkatiwalaan ng 2pagkakatiwala.
18 Ano nga kaya ang aking gantimpala? Na kapag ipinahahayag ko ang ebanghelyo, ang ebanghelyo ay maging walang bayad, upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa ebanghelyo.
19 Sapagka’t bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao, napaalipin ako sa lahat, upang ako ay makahikayat ng lalong marami;
20 At sa mga Hudyo, ako ay naging tulad sa Hudyo, upang makamtan ko ang mga Hudyo; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan (bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan), upang makamtan ang mga nasa ilalim ng kautusan;
21 Sa mga walang kautusan, tulad sa walang kautusan (bagama’t hindi ako 1walang kautusan sa Diyos kundi 2nasa loob ng 2kautusan ni Kristo), upang makamtan ko ang mga walang kautusan.
22 Sa mga mahihina ako ay naging tulad sa mahina, upang makamtan ko ang mahihina. Sa lahat ng mga tao ay 1nakibagay ako sa lahat ng mga bagay, upang sa lahat ng paraan ay mailigtas ko ang ilan.
23 At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa ebanghelyo, upang ako ay maging isang 1kasamang kabahagi nito.
4. Ang Kanyang Pagsisikap
bb. 24-27
24 Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga 1nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni’t isa lamang ang tumatanggap ng 2gantimpala? Kaya magsitakbo kayo nang gayon, upang magsipagtamo kayo.
25 At ang bawa’t tao na nakikipaglaban sa mga palaro ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira, nguni’t tayo ay niyaong 1walang pagkasira.
26 Ako nga ay tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nakikipagsapalaran; sa ganito rin ako ay sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin;
27 Nguni’t 1binubugbog ko ang aking katawan, at aking 2sinusupil ito na gaya ng isang alipin, baka sakaling sa anumang paraan, 3pagkapangaral ko sa iba, ako rin ay maging 4disaprubado.