1 Corinto
KAPITULO 8
VII. Tinutuos ang ukol sa Pagkain ng mga Hain sa mga Diyos-diyosan
8:1-11:1
A. Hindi Nararapat na Pagkain
8:1-13
1. Hindi ayon sa Pag-ibig na Nakapagtatayo
bb. 1-3
1 Ngayon tungkol sa 1mga bagay na inihain sa mga diyos-diyosan, 2nalalaman natin na tayong lahat ay may 3kaalaman. Ang 4kaalaman ay nagpapalalo, nguni’t ang 4pag-ibig ay 5nakapagtatayo.
2 Kung ang sinuman ay nag-aakala na siya ay may 1nalalamang anuman, siya ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang 1malaman;
3Datapuwa’t kung ang sinuman ay 1aumiibig sa Diyos, ang isang ito ay bkilala Niya.
2. Ang Diyos-diyosan ay Walang Kabuluhan
bb. 4-7
4 Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diyos-diyosan, 1nalalaman natin na ang diyos-diyosan ay walang kabuluhan sa sanlibutan, at walang Diyos liban sa iisa.
5 Sapagka’t bagaman may mga tinatatawag na diyos, maging sa langit o maging sa lupa; gaya ng maraming diyos at maraming panginoon,
6 Nguni’t sa ganang 1atin ay may 2isa lamang Diyos, ang 3Ama, na 4buhat sa Kanya ang lahat ng mga bagay, at tayo ay tungo sa Kanya; at 5isa lamang Panginoon, si 6Hesu-Kristo, na 4sa pamamagitan Niya ang lahat ng mga bagay, at tayo ay sa pamamagitan Niya.
7 Gayunpaman, hindi lahat ng tao ay may kaalamang ito; kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diyos-diyosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diyos-diyosan; at ang kanilang 1budhi palibhasa ay mahina ay 2nangahahawa.
3. Ang Pagkain, Hindi Nagtataguyod sa Atin sa Diyos
b. 8
8 Datapuwa’t ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Diyos; ni hindi tayo magkukulang kung tayo ay hindi magsikain, ni hindi tayo 1lalong mabuti kung tayo ay magsikain.
4. Nakapagpapatisod sa Mahihinang Kapatid
bb. 9-13
9 Datapuwa’t magsipag-ingat kayo baka sa anumang paraan ang 1karapatan ninyong ito ay maging katitisuran sa 2mahihina.
10 Sapagka’t kung makita ng sinuman na ikaw na may kaalaman ay nakikisalo sa pagkain sa templo ng diyos-diyosan, hindi ba 1lalakas ang kanyang budhi, kung siya ay mahina, upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diyos-diyosan?
11 Sapagka’t ang isang mahina 1ay sinira mo sa pamamagitan ng iyong kaalaman, ang kapatid na dahil sa kanya ay namatay si Kristo.
12 At sa ganitong pagkakasala sa mga kapatid, at sa 1pagkakasugat ng kanilang mahinang budhi ay nangagkakasala kayo kay Kristo.
13 Kaya, kung ang pagkain ay 1nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailanman ay hindi ako kakain ng 2lamang-kati, upang ako ay huwag 1makapagpatisod sa aking kapatid.