1 Corinto
KAPITULO 7
VI. Tinutuos ang ukol sa Buhay may-asawa
7:1-40
A. Hinggil sa Kaloob na Hindi Pag-aasawa
bb. 1-7
1 Ngayon tungkol sa 1mga bagay na isinulat ninyo sa akin; mabuti sa lalake ang huwag humipo sa babae;
2 Datapuwa’t dahil sa mga pakikiapid, ang bawa’t lalake ay magkaroon ng kanyang sariling asawa, at ang bawa’t babae ay magkaroon ng kanyang sariling asawa.
3 Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kanya ay nararapat, at gayundin naman ang babae sa asawa.
4 Ang babae ay walang awtoridad sa kanyang sariling katawan, kundi ang asawa; at gayundin naman ang lalake ay walang awtoridad sa kanyang sariling katawan, kundi ang asawa.
5 Huwag magpigil ang isa’t isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang 1maituon ang inyong buong puso sa pananalangin, at pagkatapos, kayo ay magsamang muli, baka kayo ay tuksuhin ni 2Satanas dahil sa inyong 3kawalan ng pagpipigil sa sarili.
6 Nguni’t ito ay sinasabi ko na parang 1payo, hindi 1utos.
7 Kaya’t 1ibig ko sana na ang lahat ng tao ay maging gaya ko; nguni’t ang bawa’t tao ay may kani-kaniyang 2kaloob mula sa Diyos, ang isa ay ayon sa paraang ito, at ang iba ay ayon sa paraang yaon.
B. Hinggil sa mga Walang Asawa at mga Babaeng Balo
bb. 8-9
8 Datapuwa’t sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga babaeng balo, 1Mabuti sa kanila kung sila ay magsipanatiling gaya ko;
9 Nguni’t kung sila ay walang 1pagpipigil sa sarili ay magsipag-asawa sila; sapagka’t magaling ang mag-asawa kaysa mangagningas ang pita.
C. Hinggil sa May-asawa
bb. 10-16
10 Datapuwa’t sa mga may-asawa ay 1aking ipinag-uutos, nguni’t 2hindi ako kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kanyang asawa,
11 (Datapuwa’t kung siya ay humiwalay, 1manatili siyang walang asawa, o kaya ay makipagkasundo sa kanyang asawa), at huwag hiwalayan ng lalake ang kanyang asawa.
12 Datapuwa’t sa iba ay 1ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon, Kung ang sinumang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang manirahang kasama niya, ay huwag niyang hiwalayan;
13 At ang babaeng may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang manirahang kasama niya, ay huwag niyang hiwalayan ang kanyang asawa.
14 Sapagka’t ang lalakeng hindi sumasampalataya ay 1napababanal sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaeng hindi sumasampalataya ay napababanal sa pamamagitan ng kapatid na lalake; kung hindi, ang inyong mga anak ay hindi malilinis, nguni’t ngayon sila ay mga banal.
15 Gayunpaman kung humiwalay ang hindi sumasampalataya ay bayaan siyang humiwalay; ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay 1hindi natatali sa mga ganitong bagay; 2kundi sa kapayapaan ay tinawag tayo ng Diyos.
16 1Sapagka’ t 2paano mo malalaman, O babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? O paano mo malalaman, O lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa?
D. Nananatili sa Katayuan ng Pagkatawag
bb. 17-24
17 1Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa’t isa, at ayon sa pagkatawag ng Diyos sa bawa’t isa, ay gayon siya lumakad. At gayon ang iniuutos ko sa loob ng lahat ng mga ekklesia.
18 Tinawag ba ang sinumang tao na tuli na? Huwag niyang alisin ito. Tinawag ba ang sinumang di-tuli? Huwag siyang magpatuli.
19 1Ang pagtutuli ay walang anuman, at ang di-pagtutuli ay walang anuman, kundi ang pagtupad sa mga utos ng Diyos.
20 Bayaan ang bawa’t isa na manatili roon sa pagkatawag na itinawag sa kanya.
21 Ikaw ba ay isang alipin nang ikaw ay tinawag? 1Huwag kang mag-alaala; 2bagkus, kung ikaw ay maaring maging malaya, gamitin ito sa halip.
22 Sapagka’t ang tinawag sa Panginoon nang siya ay alipin ay 1malaya sa Panginoon; gayundin naman ang tinawag nang siya ay malaya ay 1alipin ni Kristo.
23 Kayo ay binili sa isang 1halaga; huwag kayong maging mga 2alipin ng mga tao.
24 Mga kapatid, bayaan ang bawa’t isa na manatili 1sa Diyos sa kalagayang itinawag sa kanya.
E. Hinggil sa Pananatiling Birhen
bb. 25-38
25 Ngayon, tungkol sa mga birhen ay wala akong 1utos ng Panginoon, nguni’t ibinibigay ko ang aking 1kuru-kuro na tulad ng sa nagkamit ng awa ng Panginoon upang maging tapat.
26 Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa 1kasalukuyang 2kahirapan, samakatuwid ay mabuti ngang ang tao ay manatiling ayon sa kanyang kalagayan.
27 Natatali ka ba sa asawa? Huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw ba ay kalag sa asawa? Huwag kang humanap ng asawa.
28 Nguni’t kung 1ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay mag-aasawa, hindi siya nagkakasala; datapuwa’t ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman, at ibig ko sanang kayo ay iligtas.
29 Nguni’t sinasabi ko ito, mga kapatid, ang panahon ay 1pinaikli, upang mula ngayon ang mga lalakeng may asawa ay maging mga tulad sa wala,
30 At ang mga nagsisiiyak ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak, at ang nangagagalak ay maging tulad sa hindi nangagagalak, at ang mga nagsisibili ay maging tulad sa mga walang inaari.
31 At ang mga nagsisigamit ng sanlibutan ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit; sapagka’t ang panlabas na anyo ng sanlibutang ito ay lumilipas.
32 Datapuwa’t ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon;
33 Nguni’t ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanlibutan, kung paanong makalulugod sa kanyang asawa, at 1nagagambala.
34 Gayundin naman ang babaeng walang asawa at ang dalaga ay nagsususmakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya ay maging banal kapwa sa katawan at sa espiritu; nguni’t ang babaeng may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanlibutan, kung paanong makalulugod sa kanyang asawa.
35 At ito ay sinasabi ko para sa inyong sariling kapakinabangan hindi upang kayo ay 1siluin, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo ay makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala.
36 Nguni’t kung iniisip ng sinumang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kanyang anak na dalaga, kung ito ay sumapit na sa kanyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangag-asawa sila.
37 Subali’t ang nananatiling matibay sa kanyang puso, na walang kailangan, kundi may awtoridad tungkol sa kanyang sariling kalooban, at nagpasiya sa kanyang sariling puso na ingatan ang kanyang sariling anak na dalaga, ay mabuti ang gagawin.
38 Kaya nga ang nagpapahintulot sa kanyang anak na dalaga na mag-asawa ay gumagawa ng mabuti at ang hindi nagpapahintulot na siya ay mag-asawa ay gumagawa ng lalong mabuti.
F. Hinggil sa Muling Pag-aasawa
bb. 39-40
39 Ang babaeng may-asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kanyang asawa; nguni’t kung 1patay na ang kanyang asawa ay may kalayaan siyang makapag-asawa sa kanino mang ibig niya, lamang ay, sa loob ng Panginoon.
40 Nguni’t lalong 1pinagpala siya kung manatili ng ayon sa kanyang kalagayan, ayon sa aking kuru-kuro; subali’t iniisip ko na ako ay 2may Espiritu rin naman ng Diyos.