1 Corinto
KAPITULO 5
III. Tinutuos ang isang Masamang Kapatid
5:1-13
A. Hinatulan ang Masama
bb. 1-5
1 Sa katunayan ay nababalita na sa inyo ay may 1pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Hentil, na isa sa inyo ang nag-aari ng 2asawa ng kanyang ama.
2 At kayo ay mga mapagpalalo, at hindi kayo bagkus nangagdalamhati, upang 1maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito.
3 Sapagka’t ako, bagama’t wala sa harapan ninyo sa katawan, ngunit naririyan 1sa espiritu, ay humatol na sa gumawa ng bagay na ito na tulad sa ako ay naririyan.
4 1Sa pangalan ng Panginoong Hesus, nang kayo at ang 2aking espiritu ay nangagkakatipon, na 1taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Hesus,
5 1Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa 2ikawawasak ng kanyang 3laman, 4upang ang espiritu ay maligtas sa 5kaarawan ng Panginoon.
B. Ipinangingilin ang kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura
bb. 6-8
6 Hindi mabuti ang inyong 1pagmamapuri. Hindi ba ninyo nalalaman na ang 2kaunting 3lebadura ay nagpapaalsa sa buong masa?
7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo ay maging isang 1bagong masa, maging gaya nga na kayo ay walang lebadura. Sapagka’t ang ating 2Paskua na si Kristo ay naihain na.
8 Kaya nga ipangilin natin ang 1kapistahan, hindi sa pamamagitan ng lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura ng 2katapatan at ng katotohanan.
C. Itinitiwalag ang Yaong Masama mula sa Ekklesia
bb. 9-13
9 Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong 1makisama sa mga mapakiapid,
10 Hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid ng sanlibutang ito, o sa mga sakim at mga mangangamkan, o sa mga mananamba sa diyus-diyusan, sapagka’t kung gayon ay kinakailangang magsialis kayo sa sanlibutan.
11 Datapuwa’t sinusulatan ko nga kayo na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya ay isang 1mapakiapid, o sakim, o mananamba sa diyus-diyusan, o manlalait o manlalasing, o mangangamkam; sa gayon ay huwag man lamang kayong makisalo.
12 Sapagka’t ano sa akin ang humatol sa mga 1nangasalabas? Hindi ba kayo nagsisihatol sa mga 2nangasaloob?
13 Datapuwa’t sa nangasalabas ay Diyos ang humahatol. 1Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.