1 Corinto
KAPITULO 4
D. Ang mga Katiwala ng mga Hiwaga ng Diyos
4:1-21
1. Matatapat na Lingkod ni Kristo
bb. 1-5
1 Sa 1ganitong paraan, 2ipalagay nga kami ng sinuman na mga 3lingkod ni Kristo, at mga 4katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.
2 1Dito, higit pa, ay kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa’t isa ay maging tapat.
3 Datapuwa’t sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako ay 1siyasatin ninyo, o siyasatin ng 2araw ng paghatol ng tao; ni hindi ko sinisiyasat ang aking sarili.
4 Sapagka’t wala akong nalalamang anumang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito ay inaaring-matuwid ako; sapagka’t ang sumisiyasat sa akin ay ang Panginoon.
5 Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anuman 1bago pa dumating ang takdang panahon, hanggang sa dumating ang Panginoon, na Siyang magdadala sa kaliwanagan ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at maghahayag naman ng mga haka ng mga puso, at kung magkagayon ang bawa’t isa ay tatanggap ng papuring mula sa Diyos.
2. Isang Panoorin kapwa sa mga Anghel at sa mga Tao
bb. 6-9
6 Ang mga 1bagay ngang ito, mga kapatid, ay 2inianyo kong halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo, upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na 3nangasusulat, upang huwag ipagpalalo ng sinuman sa inyo ang isa laban sa iba.
7 Sapagka’t 1sino ang gumagawa ng pagkakaiba mo sa iba? At ano ang nasa iyo na hindi mo tinanggap? Nguni’t kung tinanggap mo, bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap?
8 1Kayo ay mga busog na, kayo ay mayayaman na; kayo ay nangaghari nang wala kami; at ibig ko ngang nangaghari sana kayo, upang kami naman ay mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka’t iniisip ko, na inilagay ng Diyos kaming mga apostol na mga 1kahuli-hulihan sa lahat, tulad sa mga 2itinalaga sa kamatayan; sapagka’t kami ay naging isang 3panoorin sa sanlibutan, kapwa sa mga anghel at sa mga tao.
3. Ang Yagit ng Sanlibutan at ang Sukal ng Lahat ng mga Bagay
bb. 10-13
10 Kami ay mga 1mangmang dahil kay Kristo, nguni’t kayo ay may-maingat-na-katalinuhan kay Kristo; kami ay 2mahina, nguni’t kayo ay malakas; kayo ay 3maluwalhati, datapuwa’t kami ay walang kapurihan.
11 Hanggang sa oras na ito ay nangagugutom kami at nangauuhaw, at mga hubad at mga tinampal at wala kaming matahanan;
12 At kami ay nangagpapagal, nangagsisigawa sa pamamagitan ng aming sariling mga kamay; bagama’t inuupasala, kami ay nangagpapala, bagama’t mga pinag-uusig ay nangagtitiis kami,
13 Bagama’t mga 1sinisiraang-puri kami ay 2namamanhikan, kami ay naging tulad ng 3yagit ng sanlibutan, tulad ng 3sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
4. Ang Nagsilang na Ama
bb. 14-21
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo ay hiyain, kundi upang paalalahanan kayo tulad sa aking mga minamahal na anak.
15 Sapagka’t mangagkaroon man kayo ng sampung libong 1gabay kay Kristo, wala naman kayong maraming 2ama; sapagka’t kay Kristo Hesus, ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng ebanghelyo.
16 Kaya 1namamanhik nga ako sa inyo, na maging mga tagatulad kayo sa akin.
17 Dahil dito ay aking isinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siyang sa inyo ay magpapaalaala ng aking mga 1paraang nanga kay Kristo, gaya ng itinuturo ko 2saanmang dako sa bawa’t ekklesia.
18 Ang mga iba nga ay nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapaririyan sa inyo;
19 Nguni’t ako ay paririyan agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon, at aking aalamin hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan;
20 Sapagka’t ang 1kaharian ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
21 Ano ang ibig ninyo? Paririyan ba ako sa inyo na may 1panghampas, o sa pag-ibig at sa 2espiritu ng kaamuan?