1 Corinto
KAPITULO 3
C. Ang Ekklesia, ang Bukid ng Diyos, at ang Gusali ng Diyos
3:1-23
1. Kinakailangan ang Paglago sa Buhay
bb. 1-9
1 At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga 1espirituwal, kundi tulad sa mga 2sa laman, tulad sa mga 3sanggol kay Kristo.
2 1Binigyan ko kayo ng 2gatas upang inumin, at hindi ng 2matigas na pagkain; sapagka’t hindi pa ninyo kayang tanggapin ito noon, 3ni sa ngayon pa man ay hindi ninyo kaya,
3 Sapagka’t kayo ay mga makalaman pa. Sapagka’t samantalang sa inyo ay may mga 1paninibugho at mga pagtatalo, hindi ba kayo ay makalaman at kayo ay nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga 2tao?
4 Sapagka’t kung sinasabi ng isa, Ako ay kay Pablo, at ng iba, Ako ay kay Apolos, hindi ba kayo ay mga 1tao?
5 Ano nga si Apolos? At ano si Pablo? Mga tagapaglingkod na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo, at sa bawa’ t isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kanya.
6 Ako ang 1nagtanim, si Apolos ang nagdilig, nguni’t ang Diyos ang Siyang nagpalago;
7 1Anupa’ t walang anuman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig, kundi Yaong nagpapalago, ang Diyos.
8 Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay 1iisa, at ang bawa’ t isa ay tatanggap ng kanyang sariling 2gantimpala ayon sa kanyang sariling pagpapagal.
9 Sapagka’t tayo ay mga 1kamanggagawa ng Diyos; kayo ang 2bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos.
2. Itinayo sa pamamagitan ng mga Natranspormang Materyales, Hindi sa pamamagitan ng mga Likas na Bagay
bb. 10-17
10 Ayon sa biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin, katulad ng isang matalinong 1punong-tagapagtayo ay inilagay ko ang isang pundasyon, at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni’t 2ingatan ng bawa’t isa kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
11 Sapagka’t sinuman ay hindi makapaglalagay ng 1ibang pundasyon, maliban sa nailagay na, na ito ay si Hesu-Kristo.
12 1Datapuwa’ t kung ang sinuman ay magtatayo sa ibabaw ng pundasyon ng 2ginto, pilak, mahahalagang bato, 3kahoy, damo, pinaggapasan,
13 Ang gawa ng bawa’t isa ay mahahayag; sapagka’t 1ang araw ang magsasaysay, dahilan sa ito ay inihahayag sa pamamagitan ng 2apoy, at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa’t isa kung ano yaon.
14 Kung ang 1gawa ng sinuman na kanyang itinayo sa ibabaw niyaon ay mananatili, siya ay tatanggap ng 2gantimpala.
15 Kung ang 1gawa ng sinuman ay matutupok, siya ay 2malulugi, gayunpaman siya ay 3maliligtas, lamang ay tulad 4sa pamamagitan ng apoy.
16 Hindi ba ninyo nalalaman na kayo ay 1isang templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo?
17 Kung 1gibain ng sinuman ang templo ng Diyos, siya ay 2gigibain ng Diyos; sapagka’t ang templo ng Diyos ay 3banal, na ang 4templong ito ay kayo.
3. Ang Lahat ng mga Bagay para sa Ekklesia at ang Ekklesia para kay Kristo
bb. 18-23
18 Huwag 1dayain ng sinuman ang kanyang sarili: kung ang sinuman sa inyo ay 2nag-iisip na siya ay marunong sa kapanahunang ito, 3magpakamangmang siya upang siya ay 4maging marunong.
19 Sapagka’t ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa Diyos; sapagka’t nasusulat, Hinuhuli Niya ang marurunong sa kanilang katusuhan”
20 At muli, Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.
21 Kaya’t huwag magmapuri ang sinuman patungkol sa mga tao, sapagka’t ang lahat ng bagay ay sa inyo,
22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si Cefas, kahit ang sanlibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; 1lahat ay sa inyo,
23 At kayo ay kay Kristo, at si Kristo ay sa Diyos.