1 Corinto
KAPITULO 2
B. Si Kristong Ipinako-sa-Krus,
ang Pinagtutuunan ng Pansin ng Ministeryo ng Apostol
2:1-16
1. Ang Daan ng Ministeryo ng Apostol
bb. 1-5
1 At ako, nang ako ay pumariyan sa inyo, mga kapatid, ay hindi napariyan 1na may dakilang kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na ipinapahayag sa inyo ang 2hiwaga ng Diyos.
2 Sapagka’t ipinasiya kong huwag malaman ang anuman sa inyo, 1maliban kay Hesu-Kristo, at ang Isang ito na 2ipinako-sa-krus.
3 At ako ay nakisama sa inyo na may 1kahinaan at may 2pagkatakot at may lubhang panginginig;
4 At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga 1mapanghikayat na salita ng karunungan, kundi sa pagtatanghal ng Espiritu at ng kapangyarihan,
5 Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa 1karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
2. Ang Karunungan ng Diyos sa Hiwaga,
si Kristo bilang ang Malalalim na Bagay ng Diyos
bb. 6-10
6 Gayunman ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga lumago-na-nang-lubusan, bagaman hindi ng karunungan ng kapanahunang ito, ni ng mga pinuno sa kapanahunang ito, na mga 1nangauuwi sa wala;
7 Kundi sinasalita namin ang 1karunungan ng Diyos sa hiwaga, yaong naikubling karunungan na itinalaga ng Diyos 2bago pa ang mga kapanahunan sa 3ikaluluwalhati natin;
8 Na hindi napagkilala ng sinumang pinuno sa kapanahunang ito; sapagka’t kung nakilala sana nila, disin sana ay hindi ipinako-sa-krus ang Panginoon ng kaluwalhatian;
9 Datapuwa’t gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakikita ng 1mata at hindi naririnig ng tainga, at hindi pumapasok sa puso ng tao, gaanong karami ang inihanda ng Diyos sa kanila na 2nangagsisiibig sa Kanya.
10 Nguni’t ang mga ito ay 1ipinahayag sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t 2sinisiyasat ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang 3mga kalaliman ng Diyos.
3. Ipinababatid ang mga Espirituwal na Bagay sa pamamagitan
ng mga Espirituwal na Salita sa mga Espirituwal na Tao
bb. 11-16
11 Sapagka’t sino sa mga tao ang nakakikilala ng mga bagay ng tao, kundi ang 1espiritu ng tao na nasa kanya? Gayundin naman ang mga bagay ng Diyos ay hindi nakikilala ng sinuman, maliban ng Espiritu ng Diyos.
12 Ngayon ating 1natanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritung mula sa Diyos, upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay nang walang bayad ng Diyos;
13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuro ng pantaong karunungan, kundi sa itinuro ng Espiritu, na 1ipinababatid natin ang 2mga espirituwal na bagay sa pamamagitan ng mga espirituwal na bagay.
14 1Nguni’ t ang 2makakaluluwang tao ay hindi tumatanggap ng 3mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kanya; at 4hindi niya kayang maunawaan, sapagka’t ang mga yaon ay 5nakikilala ayon sa 6espiritu.
15 Nguni’t 1ang espirituwal ay nakakikilala ng lahat ng bagay, at siya ay hindi nakikilala ng sinuman.
16 Sapagka’t sino ang nakaalam ng kaisipan ng Panginoon? Sino ang magtuturo sa Kanya? Datapuwa’t 1taglay natin ang kaisipan ni Kristo.