1 Corinto
KAPITULO 10
C. Ang Israel bilang Halimbawa
10:1-13
1. Nangabautismuhan tungo kay Moises
bb. 1-2
1 1Sapagka’t hindi ko ibig mga kapatid na 2hindi ninyo maalaman, na ang 3lahat ng ating mga magulang ay nangapasailalim ng 4ulap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat,
2 At lahat ay 1nangabautismuhan 2tungo kay Moises 3sa ulap at sa dagat,
2. Kinakain ang Iisang Espiritwal na Pagkain
at Iniinom ang Iisang Espiritwal na Inumin
bb. 3-4
3 At lahat ay nagsikain ng iisang 1espiritwal na pagkain;
4 At lahat ay nagsiinom ng iisang 1espiritwal na inumin; sapagka’t sila ay nagsiinom sa isang 2espiritwal na bato na sumunod sa kanila, at ang batong yaon ay si Kristo.
3. Karamihan sa Kanila, Ibinuwal sa Ilang
bb. 5-13
5 Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Diyos, sapagka’t sila ay 1ibinuwal sa ilang.
6 Ang mga bagay na ito nga ay pawang naging mga 1halimbawa sa 2atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa.
7 Ni huwag din naman kayong maging 1mananamba ng mga diyos-diyosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, Naupo ang bayan upang 1magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipaglaro.
8 Ni huwag din naman tayong 1makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang 2nangabuwal sa isang araw ay dalawampu at tatlong libo.
9 Ni huwag din naman nating 1tuksuhin si Kristo, na gaya ng pagtukso ng ilan sa kanila, at pinuksa ng mga ahas.
10 Ni huwag din kayong 1mangagbulung-bulong, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulung-bulong, at 2nilipol ng 3mamumuksa.
11 Ang mga bagay na ito nga ay 1nangyari sa kanila na pinakahalimbawa at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng 2katapusan ng mga kapanahunan.
12 1Kaya’ t ang may akalang siya ay nakatayo ay mag-ingat at baka 2mabuwal.
13 1Hindi dumating sa inyo ang anumang 2tukso kundi yaong matitiis ng tao; datapuwa’t tapat ang Diyos, na hindi Niya ipahihintulot na kayo ay 2matukso nang higit sa inyong makakaya, kundi kalakip din ng tukso ay gagawa naman ng paraan ng pag-ilag, upang ito ay inyong matiis.
D. Iniingatan ang Hapag ng Panginoon mula sa Pagsamba sa mga Diyos-diyosan
10:14-22
1. Ang Pakikipagsalamuha ng Dugo at Katawan ng Panginoon
bb. 14-18
14 1Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa 2pagsamba sa diyos-diyosan.
15 Ako ay nagsasalitang tulad sa mga taong may maingat na katalinuhan; hatulan ninyo ang sinasabi ko.
16 Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito 1pakikipagsalamuha ng dugo ni Kristo? Ang tinapay na ating pinagpipira-piraso, hindi ba ito 1pakikipagsalamuha ng katawan ni Kristo?
17 Bagaman tayo ay marami ay 1iisang tinapay, iisang Katawan; sapagka’t tayong lahat ay 2nakikibahagi sa iisang tinapay na ito.
18 Tingnan ninyo ang Israel na ayon sa laman; ang mga nagsisikain ng mga hain, hindi ba sila 1mga kasalamuha sa 2dambana?
2. Ang Pagkakahiwalay ng Hapag ng Panginoon
sa Hapag ng mga Demonyo
bb. 19-22
19 Ano nga ang aking sinasabi? Na ang hain sa mga diyos-diyosan ay may kabuluhan? O ang isang diyos-diyosan ay may kabuluhan?
20 Subali’t sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain ng mga Hentil ay kanilang inihahain sa 1mga demonyo at hindi sa Diyos; at hindi ko ibig na kayo ay maging mga 2kasalamuha ng mga demonyo.
21 Hindi ninyo 1maiinuman ang saro ng Panginoon at ang saro ng mga demonyo; kayo ay hindi maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng mga demonyo.
22 O 1iminumungkahi ba natin sa paninibugho ang Panginoon? Tayo ba ay lalong malakas kaysa sa Kanya?
E. Ang Wastong Pagkain
10:23-11:1
1. Itinatayo ang Iba, Hinahangad ang Kanilang Ikabubuti
10:23-30,32-33
23 1Lahat ng mga bagay ay 2matuwid, nguni’t hindi lahat ng mga bagay ay 3kapaki-pakinabang; lahat ng mga bagay ay 2matuwid, nguni’t hindi lahat ng mga bagay ay 4nakapagtatayo.
24 Huwag hangarin ninuman ang sa kanyang sariling kapakinabangan, kundi ang ikabubuti ng kapwa.
25 Lahat ng ipinagbibili sa 1pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anuman nang dahil sa budhi;
26 Sapagka’t ang lupa ay sa Panginoon at ang kapuspusan nito.
27 Kung kayo ay aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon, ang anumang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anuman nang dahil sa budhi.
28 Datapuwa’t kung sa inyo ay may magsabi, Ito ay inihandog na hain, huwag ninyong kanin, nang dahil sa kanya na nagsabi at nang dahil sa budhi;
29 Budhi, sinasabi ko, hindi ang sa inyong sarili, kundi ang sa iba. Sapagka’t bakit hinahatulan ng budhi ng iba ang aking kalayaan?
30 Kung 1nakikibahagi ako na may pagpapasalamat, bakit ako ay aalipustahin ng dahil sa aking ipinagpapasalamat?
2. Sa Ikaluluwalhati ng Diyos
b. 31
31 1Samakatuwid 2maging kayo ay kumakain o umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
32 1Huwag kayong magbigay ng dahilan ng ikatitisod, sa mga 2Hudyo man, sa mga Griyego man, o sa ekklesia man ng Diyos;
33 Na gaya ko rin naman na sa lahat ng mga bagay ay 1nagbibigay-lugod ako sa lahat ng mga tao, na hindi ko hinahangad ang aking sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila ay mangaligtas.